Kabanata 8

22.7K 1K 690
                                    

Flare

Matapos ang klase kay Miss Zabuel ay naghiwalay na din kami ni Mandy sa pag-uwi. Mayroon kasi syang sasakyan at palaging sa parking lot ang diretso nya. Naglalakad na ako ngayon palabas ng campus at didiretso na sa printing shop.

Pagdating ng pwesto ay naghihintay na sa akin si nanay Becky.

"Buti at nandito ka na, anak. Ikaw na muna bahala dito ha? Ang susi nandoon sa cabinet. Ikaw na bahalang magsara ha?"

"Opo nay. Magiingat kayo paguwi." niligpit ko ang mga nag kalat na mga bond paper sa mesa at nagsimulang iprint ang mga pending na mga gagawin.

"Ingat dito anak." pahabol ni nanay Becky bago lumabas.

Naupo ako habang hinihintay na matapos ang ilang pages ng mga document na piniprint nang tumunog ang bell hudyat na may pumasok.

Napataas ako ng tingin sa kung sino man ito. "Good eveni-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang pumasok ang hindi ko inaasahang tao.

"Miss Ven." mahinang usal ko.

Ngumiti sya sa akin. Nilibot nya ang paningin sa paligid habang palapit sa akin. "How's your work here?" tanong nya at itinukod ang mga siko sa divider na nakapagitan sa amin at mataman akong tinitigan.

"Maayos naman po, Miss Ven." ngiti ko sa kanya.

"Hindi ka ba nahihirapan? Palagi kang ginagabing umuwi."

"Ayos lang naman po. Wala naman po akong choice, Miss."

Napayuko ako dahil hindi nya inaalis ang titig sa akin.

I cough. "M-may ipapaprint ka po ba, Miss Ven?" nagtataka lang ako kung bakit sya nagpunta dito gayong kanina pang 7pm tapos ang duty nya sa clinic.

She sighed. "Actually, I came here to ask you a favor."

"Ano po yun, Miss?" kunot noo akong hinarap sya.

"I want you to work for me. As my assistant.." napahinto sya saglit. "Sa clinic. I mean, every Saturday, if you want. Hindi na kasi kaya ng schedule ni George na hanggang Saturday ang duty nya."

Napaisip ako. Wala naman akong ginagawa kapag Sabado at nasa apartment lang naman ako at gumagawa ng mga kakailangan para sa duty ko as a student teacher.

"I will help you with your allowance and miscellaneous fees if you accept it. Tutulungan mo lang ako sa mga gawain sa clinic and will assist me sa mga patients ko."

"T-talaga po, Miss Ven? Pati miscellaneous fees ko po?" manghang tanong ko sa kanya.

Kapag tinanggap ko ang offer nya ay malaking tulong din sa akin yun. Hindi na ako mamomroblema kung saan ko kukunin ang mga bibilhin ko kapag nale-late ng padala si nanay sa akin.

Miss Ven smiled at me and leaned forward. Napasinghap ako nang mapadako ang tingin ko sa bandang dibdib nya. Nakasuot lang kasi sya ngayon ng long sleeve v-neck bodycon dress, malayo sa mga sinusuot nya kapag nasa campus na palaging naka white coat at uniporme ng isang nurse. Kaya nang sumandal sya palapit sa akin ay naagaw ng pansin ko ang cleavage nya.

I saw her smirked when she noticed where my gaze went. Biglang uminit ang pisngi ko kaya binawi ko ang tingin ko sa dibdib nya. Pahamak yang mga mata mo Flare! Nakakahiya!

"Saw something you like, Flare?" she asked smirking and then she bit her lower lip.

Napaiwas ako ng tingin at lumayo ng bahagya.

"Kidding." umayos sya ng tayo na hindi inaalis ang tingin sa akin. "About your question, yes, if you accept my offer, I will be the one to provide for your allowance, fees and others. I just need a hand lalo na kapag Sabado, Flare. At ikaw agad ang naisip ko. I know you need my help too." mahabang litanya nya.

Napabuga ako ng hangin. Dahil malaking tulong ito sa akin, mas makakapag ipon din ako ng maayos at mapapadalhan pa si nanay sa probinsya.

Tumitig ako kay Miss Ven. "Sige po, tatanggapin ko po."

She smiled widely when she heard it.

"Good decision." tumingin sya sa relo nya at ibinalik ang tingin sa akin. "So..Saturday. I'll see you on Saturday, Flare." tumango ako at ngumiti.

"Yes, Ma'am. I'll be there."

Sumeryoso ang mukha nya pagkatapos kong sabihin yun. Umiwas din sya ng tingin at tumikhim ng mahina. Nagtataka ko syang tiningnan at napansin na bahagyang namumula ang pisngi at tenga nya.

"So everything's settled. I'll get going, Flare. Be careful going home." inayos nya ang shoulder bag nya.

"Opo, Miss Ven. Magiingat din po kayo." sumabay ako sa kanya sa paglabas at nakasunod lang sa likod nya nang nakayuko.

Bigla naman syang humarap sa akin at dahil hindi ko inaasahan yun ay nagkabanggan kami. I lost my balance and out of reflex action, napataas ang kamay ko para humawak sa kung ano man ang maaabot nito. Naramdaman ko ang mga kamay nya sa braso ko upang pigilan ako sa pagkakatumba. I shut my eyes when I felt her warm hands.

Nang maayos nya ako sa pagkakatayo ay bigla akong nanigas. Alam kong may hindi tama dahil sa malambot na bagay na hawak-hawak ko ngayon. I opened my eyes and the first thing I saw was a smirking woman in front of me.

Napadako agad ang tingin ko kung nasaan ang kamay ko at nanlalaki ang mga matang inalis ko ito. Punyeta Flare! Sa lahat nang pwede mong makapitan bakit sa boobs pa ni Miss Ven??!

"I-i'm s-sorry, Miss Ven. Hindi ko po sinasadya." nakayuko akong humingi ng paumanhin. Hiyang hiya sa nangyari.

"It's okay." she smirked and fixed her dress. Lumapit na sya sa sasakyan nya at bago pumasok ay humarap sya sa akin. "I don't mind at all." mahinang bulong nya pero narinig ko parin ito. "Bye, Flare." at pumasok na ito.

Lumaki ang mga mata ko at gulat na nakatingin lang sa papalayong sasakyan.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz