Kabanata 6

24.7K 1.1K 911
                                    

Flare

Isang buwan na akong nag aaral dito sa North Salamanca University at masasabi kong nag eenjoy din talaga ako. At sa loob ng isang buwan na yun ay mas lalong lumalalim ang paghanga ko kay Miss Zabuel. Sa isang buwang nakikita ko syang nagtuturo sa mga bata ay mas lalo akong humanga.

Sa tuwing nakikita kong ngumingiti sya habang kausap ang bata ay nararamdaman ko ang saya nya. Pero hanggang ngayon, bukod sa edad nya ay wala na akong alam na iba pang impormasyon tungkol sa kanya. Masyadong pribado ang buhay nya at hindi naman kami gaano nakakapagusap.

Sa mga araw na nagdaan ay ramdam ko din na hindi lang bilang isang estudyante ang nararamdaman ni Miss Leyla para sa akin. Hindi ako manhid para hindi makita at maramdaman ang pagiging clingy, malambing, at minsan ay sumusobra ang pag aasikaso nya sa akin. Sinubukan kong umiwas sa kanya dahil alam kong gusto sya ni Mandy. Pero kahit ganun pa man ay hindi naman nagbago ang pakikitungo ni Mandy sa akin.

Lunes na naman ngayon at nandito na ako sa loob ng classroom ni Miss Zabuel. Nakapag turo na ako noong mga nakaraan sa mga klase at ngayon ay wala pa syang ibinibigay na bagong schedule ng demonstration ko.

Nakatitig lang ako kay Miss Zabuel ngayon habang tinuturo nya ang iba't-ibang parte ng solid at plane figures.

Napatingin ako sa likod ko kung nasaan ang pintuan nang mayroong kumatok. Bumukas ito at bumungad si Miss Leyla.

"Hi Three, sorry for disrupting your class but can I borrow Flare for a while? Justin's having a tantrum and I need assistance." pagpapaalam nya kay Miss Zabuel na napatigil sa pagsasalita sa harap.

"Okay." Miss Zabuel mouthed to Miss Leyla and looked me in the eye after.

"Thanks, Three." lumabas na si Miss Leyla at sumunod na ako sa kanya.

Naalala kong absent nga pala si Mandy ngayon dahil nagkasakit sya at baka bukas pa makakabalik kaya walang makakatulong si Miss Leyla sa pag asikaso ng mga bata.

Pagpasok ng classroom nya ay mga batang tumatakbo at iyak ni Justin ang naabutan namin.

"Please, take care of Justin for a while Flare. Asikasuhin ko muna itong iba."

Tumango ako at lumapit kay Justin.

"Hey baby boy. Why are you crying?" kinarga ko sya at pinaupo sa lap ko, hinaplos haplos ko ang likod nya habang yakap yakap ito baka sakaling tumigil sya sa pag-iyak.

"I wan go homeee. I wan my mommyyy. I wan go home. I miss my mommyyyy." iyak ni Justin na mas lumakas pa ang boses nung sinagot ang tanong ko.

Napalunok ako sa sinabi nya kaya tumayo ako habang karga sya at mahinang isinayaw ito. Tumingin ako kay Miss Leyla na abalang binibigyan ng coloring book at crayon ang mga bata.

Dahil Kinder 1 ang hinahandle ni Miss Leyla ay mas mahirap silang turuan dahil ang iba ay gusto lang din maglaro nang maglaro. Lahat sila ay masasabing mga baby pa talaga.

"Pleathh I wan go homeeee." iyak parin ni Justin." napabalik ang atensyon ko sa kanya.

"Okay baby. Okay. We will go home after you color the dog and cat, okay? Look oh" kinuha ko ang papel na malapit sa akin at pinakita ang picture ng aso at pusa na kukulayan.

Tiningnan nya ito at hindi nagsalita. Tumigil na ito sa malakas na pagiyak at humihikbi na lang ng mahina. Dahil nasa kanya ang atensyon ko ay nagulat ako nang may mga brasong pumulupot sa bewang ko.

Napatingin ako kung sino iyon at nakita kong si Miss Leyla ang yumakap sa bewang ko. Napalunok ako nang idikit nya ang katawan nya sa akin habang ang isang kamay nya ay nakahawak na sa pisngi ni Justin.

"Sshhhh, don't cry na baby. Mommy is coming na ha? You'll go home na." ngiti nya sa bata.

At dahil malapit lang ang mukha ni Justin sa akin dahil buhat-buhat at yakap ko parin sya ay malapit lang din sa mukha ko ang mukha ni Miss Leyla. Ramdam ko ang hininga nya sa pisngi ko dahil sobrang lapit nya kaya napaatras ako. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap sa akin ni Miss Leyla at mas hinapit pa ako papalapit sa kanya. Sobrang bilis ngayon ng tibok ng puso ko dahil sa posisyon namin. Kung titingnan ng ibang tao ay sasabihing magkayakap talaga kami.

"M-miss Leyla." ramdam ko ang titig nya sa akin.

"You're so beautiful, Flare." bulong nya sa akin. Nakita kong bumaba ang tingin nya sa mga labi ko.

"M-miss." sinubukan kong lumayo pero mas malakas sya sa akin. Karga ko ang bata at wala na akong masyadong lakas para pumiglas pa.

Oo, maganda si Miss Leyla. Amoy na amoy ko kung gaano sya kabango at kung gaano kalambot ang katawan nya pero hanggang guro lang ang tingin ko sa kanya. Bukod sa nirerespeto ko sya bilang guro ko ay may gusto din ang kaibigan ko sa kanya.

"Is everything alright?" someone came in and asked with a cold and serious voice.

Lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Miss Leyla nang pumasok si Miss Zabuel. Dahil sa nangyari ay hindi namin namalayan na nasa loob na pala sya.

Kinuha ni Miss Leyla si Justin sa akin na ngayon ay tumigil na sa pag iyak. "Yeah, it's all good. Thanks for the help, Flare." ngiti nya sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Anything else you need from her, Vain?" miss Zabuel asked.

"None, we're good now, Three."

"Okay." tumingin si Miss Zabuel sa akin bago tumalikod. "Follow me, Fuenteval."

Lumingon muna ako kay Miss Leyla at nagpaalam. "Sige po, Miss."

"Peyton!" napatingin ako sa pinto kung nasaan si Miss Zabuel na naghihintay. "Let's go!" at lumabas na.

Pagkalabas ko ng classroom ni Miss Leyla ay nagulat ako nang hinablot ni Miss Zabuel ang braso ko sabay kaladkad sa akin sa loob ng classroom nya.

Pagkapasok ay napansin kong wala ang mga bata at kami lang dalawa ang nandito.

Kinabahan ako sa paraan nya ng pagkakatitig sa akin. Nilock nya ang pinto at dahan dahang lumapit sa akin habang naniningkit ang mga matang nakatutok sa akin. Napaatras ako ng ilang beses at hindi parin sya tumitigil.

"What are you two doing there?" galit nyang bulong sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo nya sa akin dahil ramdam ko na ang pader sa likod ko.

"I-, n-nothing, M-miss Zabuel." kagat labi kong sagot dahil sa sobrang kaba ko. Pakiramdam ko tuloy ay kakainin nya ako nang buhay sa sobrang galit nya.

"Nothing? Really?" naramdaman kong dumikit ang katawan nya sa katawan ko.

Napasinghap ako nang dumapo ang dalawang kamay nya sa magkabilang bewang ko.

"M-miss Zabuel, w-wala po talaga." nauutal kong sabi.

Naramdaman kong mas humigpit ang hawak nya sa bewang ko.

"Why are you hugging each other?" bulong nya sa akin na mas inilapit ang mukha sa tenga ko.

Tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga nya sa tenga ko. Shet na malagkit, ang kaba ko napalitan ng kiliti. Punyeta!

"Answer me, Peyton!"

"W-we didn't." naningkit ulit ang mata nya na nakatitig sa akin.

"Do-,"

Napapitlag ako nang may kumatok sa labas.

"Three? Are you there?" si Miss Leyla.

Tumingin ulit sa akin si Miss Zabuel.

"Fix yourself." bulong nya sa akin at binitawan na ang bewang ko at tumungo ng pinto at lumabas.

Napabuga ako ng hangin. "What happened?" napaupo ako sa katabing upuan at tumitig sa nakasarado nang pinto. "Anong ginagawa mo sa akin, Miss Zabuel?"

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now