Kabanata 39

22.2K 912 525
                                    

Flare

I walked with poise and grace in the middle of the crowded hallway of University of Mary Antoinette Castanuevo. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat paghakbang ko at sa loob ng dalawang taong pagtuturo ay nasanay na ako. I know some of these eyes were scared of me, but most of them were admiring me.

Three years ago, I passed my Licensure Examination for Teachers and became a Licensed Professional Teacher. Luckily, after two months of searching for a hiring university or any school, a private university e-mailed me if I am willing to accept their offer to become a Professor in the College of Education. I immediately replied and accepted their offer after I searched that UMAC is a prestigious university in Southeastern part of Mindanao, Davao City.

I left Manila three years ago and Miss Ven helped me to leave the city. She offered her vacation house in Dahilayan, Bukidnon and so the next day she booked me my flight and I immediately flew leaving all of the pain I felt that night. Yes, alam ni Miss Ven ang lahat ng mga sakit na pinagdaanan ko. I told her everything. No more, no less. After her five-day seminar, she followed me and flew all the way from Bohol and we talked. She was there when I broke down and she offered me her shoulders to cry on.

How lucky I am because Mandy's home in Bukidnon was just a one hour drive away so we were always seeing each other if we have a vacant time to spare.

"Good morning, Miss Fuenteval." bumalik ako sa kasalukuyan nang sinalubong ako ng pagbati ng mga estudyante ko sa GA101 class nang makapasok ako ng classroom.

Nilibot ko ang paningin sa buong klase at naningkit ang mga matang tumigil ang tingin sa babaeng unang araw pa lang ng klase ay pinainit na ang ulo ko.

"Ms. Advincula, stand up." I saw her rolled her eyes at padabog na tumayo. Humalikipkip ito nang tumayo paharap sa akin at bored na tiningnan ako na para bang hinihintay kung ano ang susunod kong iuutos. What a rich ill-tempered 17-year old spoiled brat!

I secretly smirk na tanging sya lang ang makakapansin.

"Just stand up.......for five minutes."

"What?! Are you serious?!" she arched her brow and glared at me.

I coldy stared at her at nagsimulang humakbang palapit dito. Napansin ko din sa gilid ng mga mata ko na sumunod ang mga tingin ng mga kaklase nito sa akin. Alam nilang may silent war kami ng spoiled brat na ito dahil unang araw pa lang ay pinahiya na ako nito sa klase. Para ngang sila pa ang natatakot para sa kaklase nila dahil sa seryosong pagkakatitig ko dito ngayon.

Louise Shan Castanuevo Advincula. The only daughter of the UMAC President Mitchell Shane Castanuevo Advincula and the heiress of this University. Kaya masyadong matapang dahil malakas ang kapit sa eskwelahang ito. Maldita, sadista, playgirl at feeling Queen Bee ng campus na akala siguro ay mapapasunod lahat ng mga tao sa isang kumpas lang ng kamay nito mapa estudyante man o propesor. Pero hindi nito nagawa sa akin. Gulat nga ito noong unang araw ng klase na pinahiya nya ako dahil ginantihan ko din ito, pinahiya ko din sa klase syempre.

Nang makalapit ako dito ay hindi ko pinutol ang pagkakatitig ko sa kanya. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa magsalita ako.

"If you don't want to stand up for five minutes in my class, then you better find an appropriate clothes to wear inside the campus." mas lalong naningkit ang mga galit nitong mata sa akin. Nakasuot kasi ito ng daring na damit na labag sa rulebook ng university. Hindi lang talaga ito masita-sita dahil kahit ibang professors nito ay takot dito. Puwes, hindi ito makakalusot sa akin. Hangga't hindi nito sinusunod ang mga rules na pinapatupad, araw-araw itong tatayo sa klase ko.

I saw her face getting red in anger ang glared at me again.

"Just wait for my aunt to replace my mom as a President of this school, you'll find what you deserve, biatch." mahinang banta nito sa akin.

I raised my brow and smirked.

"Are you scaring me? Because I am not afraid, Advincula......And never will be." matapos kong sabihin yun ay tinalikuran ko ito at bumalik sa harapan.

Nagsimula akong magturo at natapos ang klaseng nagpupuyos ito sa galit.

Bumalik ako ng teacher's office at sinalubong ng nakangiting si Emme. English teacher ito at naging close ko na din sa paaralang ito. Seryoso lang akong naupo sa katabing desk nito at bumuntong-hininga.

"Again?" she asked. Sumandal ako sa upuan at pumikit. Matapos ang ilang segundo ay buntong-hininga akong tumango dito dahil alam ko na ang ibig nitong sabihin. Sa kanya ko lang kasi kinikwento ang mga nangyayari sa klase ko lalo na ang mga nangyayari sa amin ng anak ng presidente.

She chuckled. "Louise is such an ass. Hindi mo mapapaamo yun. I'm telling you."

"Yeah, kasi tinotolerate ng iba." I rolled my eyes na mahinang ikinatawa nito.

"Anyways, wanna have a date with me tonight, Flare?" Emme asked at napairap na naman ako ulit dito.

Bago pa lang kasi ako noon dito nang magpakita na agad ito ng interes sa akin. Isa din to sa pinag-iinitan ni Advincula kaya kami-kami lang din ang nagdadamayan. Maganda si Emme, no doubt about that. She's 26 at matanda lang sa akin ng dalawang taon. She has a nice figure at mas matangkad din sa akin. She's rich too but she said to me na gusto nyang sariling pera ang ginagamit nya and not her parents money.

"I can't. Magkikita kami mamaya ni Ven." sa tatlong taon, nakasanayan ko na ding tawagin si Miss Ven nang Ven dahil na din sa request nito. Kaya ngayon ay Ven na lang din ang tawag ko dito.

Nakita kong napanguso si Emme.

"Ano ba yan, lagi na lang si Miss Ven ang sinasamahan mo palagi. Pagbigyan mo naman ako, Flare." nagpapaawa ang mukha nito kaya mahina akong napatawa.

"Next time."

"Sure yan?" paninigurado nito.

"Oo."

"Di nga?"

"Ayaw mo? Edi don't."

"Next time nga sabi ko diba. Eto naman. Basta promise yan ha?" pangungulit nito.

Kinindatan ko ito na ikinapula ng pisngi nito. I chuckled and closed my eyes again.

"Oh, by the way." napamulat ako ng mata nang magsalita ito ulit.

"Have you already heard na uuwi na dito ang pinsan ni Madam President at sya na ang papalit dito?" she curiously asked.

"Oo, namention kanina nung brat nyang anak. Aba, ginamit pa yun para pagbantaan ako ha!"

Napahagikgik ito at tinitigan ako.

"Well, good luck, sweetie. Balita ko close sila nung Tita nya kaya mukhang kailangan mo mag ready."

Inirapan ko ito. "Bakit naman ako matatakot kung wala naman akong ginagawang mali?"

"Sabagay. Galing daw Manila yun eh. Balita ko pa matagal-tagal din daw bago yun umuwi ulit dito ng Davao. Naeexcite tuloy akong makilala kung sino yun."

"Oo, kapag maganda at single, sunggaban mo na. Tutal dyan ka naman magaling." pagsusungit ko dito.

"Ayoko nga. Kontento na ako sayo eh." humagikgik ito at sumandal sa balikat ko na agad ko din namang niyugyog na nagpanguso dito.

"Alam mo, konti na lang talaga iisipin kong may gusto ka kay Miss Ven eh. Kaya ka siguro hindi nahuhulog sa charm ko."

Tinawanan ko ito at pumikit ulit. "Ewan ko sayo, Emmy."

Hinayaan ko ang isip kong maglakbay.

Si Miss Ven. Si Miss Ven na throughout the years ay ang taong hindi ako iniwan. Through ups and downs, sya ang laging nasa tabi ko, ang taong lahat ginawa para sa akin.

Pero yung puso ko.....ang puso kong iisa lang parin ang hinahanap at tinitibok. Tumitibok sa taong baka ngayon ay may pamilya na.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now