Kabanata 2

32.7K 1.1K 266
                                    

Flare

Palabas na ako ng University dahil hindi rin naman nagtagal ang orientation namin kay Miss Zabuel.

Alas sais-trenta pa lang naman ng gabi kaya naisipan kong maglakad-lakad na muna at magbabasakaling makahanap ng part time job kahit night-shift na. Sa paglilibot ko, may nakita akong karatula na naghahanap ang mga ito ng part-timer na puwedeng mag-bantay tuwing gabi. Mukhang siniswerte yata ako ngayon. Napangiti ako sa naisip.

"Anong atin, ineng?" isang may edad nang babae ang sumalubong sa akin pagkapasok.

"Magandang gabi po. Nabasa ko po kasi sa labas na naghahanap kayo ng part-timer? Puwede po ba akong mag apply?"

"Naku, estudyante ka ba dyan sa malapit na eskwelahan?"

Tumango ako. "Opo eh. Kaya gusto ko talaga makahanap ng mapagtatrabahuhan kahit pang-gabi lang."

"Aba eh sakto ito at kailangan ko ng magbabantay dito ng alas-otso hanggang alas-diyes sana, ineng. Ayos lang ba sayo iyon?" tanong nito sa akin. "Marami pa kasi ang nagpapa-photo copy na mga estudyante dito nang ganyang oras eh kaya sayang naman ang kita kapag maaga pa lang eh magsasarado na ako." pahabol pa nito.

"Ayos lang po, Nay. Malapit lang din naman ang apartment ko dito at pwede nang lakarin. At saka maliwanag naman po kapag gabi." sagot ko dito saka ngumiti.

"Aba kung ganun eh pwede ka na magsimula bukas. Ayos lang ba sayo na isang daan at limampu kada gabi ang sweldo mo?"

Actually malaki na iyon kung tutuusin. Makakatulong na din talaga ito sa pang araw-araw kong gastusin. Dalawang oras lang din naman kaya maayos na din ito. "Opo, ayos lang sa akin. Maraming salamat po talaga, Nay." ngiti ko dito na ibinalik naman nito.

"Oh siya sige. Balik ka dito bukas nang alas-otso ha? Hihintayin kita."

"Opo, nay. Sige po. Dito na muna ako. Thank you po talaga." yuko ko sa kanya bago umalis para umuwi na.

Nakarating ako ng apartment at ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Naghugas lang ako ng katawan saglit at nahiga na rin. Busog parin naman ako sa binigay na pagkain ni Mandy sa akin kanina kaya hindi ko na kailangan pang kumain.

Nahiga na ako sa hindi kalakihang kama at ilang minuto ang lumipas ay nilamon na din ako ng dilim.

--

Sumunod na araw, dahil wala pa naman kaming schedule ng practice teaching ay tanghali na ako nagising. 5:30 pa naman ang klase ko kaya naglinis na lang muna ako ng apartment.

Sabi ni Miss Zabuel ay baka next week na ibibigay ang schedule namin at kung kaninong classroom kami maa-assign.

Ilang oras pa ang nagdaan, naglalakad na ako ngayon papuntang classroom nang makasabay ko si Mandy sa hallway.

"Hi Flare. Ang ganda mo naman." masiglang bungad nito sa akin.

"Hi, Mandy." ngumiti din ako dito at sabay na kaming pumasok ng classroom habang nagkukwentuhan.

Wala pa si Miss Zabuel pagkapasok namin ni Mandy kaya naguusap-usap lang muna kaming magkakaklase. Maayos naman ang trato nila sa akin kahit na bago lang ako sa University na ito.

"Guys, hindi makakapasok si Miss Zabuel. May emergency daw kaya pwede na tayo mag dismiss." sabi ng kaklase kong si Jady na kakapasok lang ng classroom.

Agad na nag-ingay ang iba kaya napatayo na din kami ni Mandy. Maaga pa naman kaya napag-desisyunan namin na maglakad-lakad muna sa loob ng University.

"Girl, pinagtitinginan ka ng mga boys. Kahit mga girls napapalingon sa iyo eh. Pretty yarn?" nakangising usal ni Mandy sa akin na ikinailing at ikinangiti ko.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now