Kabanata 41

21K 940 209
                                    

Flare

"Stay for a while."

My heart fluttered when I felt her eyes intensely gazing at me. Anong pag-uusapan namin at bakit kailangan kong magpaiwan dito? Bakit ganito na lang ito makatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha? Ah oo nga pala, punong-puno parin ng slime ang buong katawan ko. At nangangati na din ako.

I secretly rolled my eyes nang mapansin kong gumala ang tingin nito sa katawan ko kaya bigla kong tinakpan ng mga braso ang dibdib ko nang maalalang kita parin pala ang bra ko sa loob. Umiwas ito ng tingin at napatikhim nang may kumatok sa pinto na nakapag palingon sa aming dalawa.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang ulo ni Emme na bahagyang nakangiti.

"Hi! Uhm, I got your clothes Flare." lumapit ito sa akin at ibinigay ang damit ko. Habang naguusap kasi kami kanina ay tinext ko itong dalhan ako ng damit na nasa maliit na cabinet na nasa office.

Matapos maibigay sa akin ang damit ay napadako ang tingin nito kay Miss Zabuel at nagtatanong ang mga matang ibinalik sa akin.

"She's....she's the new University President, Emms. Miss Chastity Zabuel." pakilala ko dito.

Agad na lumaki ang mga mata ni Emme na hindi inaasahang kaharap na pala nya ngayon ang bagong Presidente ng paaralan. Nakaawang ang mga bibig nitong humakbang palapit kay Miss Zabuel at inilahad ang kanyang palad.

"Good morning, Miss President. It's so nice to finally meet you. I'm Emme Deneby Leandro, an English Professor." malawak ang ngiti nito na sinuklian naman ng huli ng pormal na tango at tinanggap ang nakalahad nitong palad.

"Good morning, Professor Leandro." bati nito at muling ibinalik ang tingin sa akin. Napatikhim ako nang walang nagtangkang magsalita sa amin kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Uhm, Miss Zabuel, can I change my clothes first? Nanlalagkit na po talaga ako." pagpapaalam ko dito.

Agad naman itong tumango at tinitigan ako ng mariin na para bang sinasabing bumalik ako kaagad kung hindi ay hindi ko magugustuhan ang gagawin nito.

Agad kong hinawakan sa kamay si Emme at nagmamadaling hinila ito palabas ng President's office. Pero bago makalabas ay muli ko itong sinulyapan at nahuli kong nakatingin ito sa mga kamay naming magkahawak.

Habang binabagtas ang pinakamalapit na comfort room ay biglang tumili si Emme.

"Omg, Flare! Hindi ko inexpect na ang ganda pala ng bagong Presidente natin. Sya pala yung pinsan ni Madam Mitchell? Grabe no, nasa lahi talaga nila ang pagiging maganda eh."

Binitawan ko ang kamay nito at nagmamadaling pumasok sa isang cubicle at hindi na binalak na sagutin ito. Ipinatong ko ang mga malilinis na damit sa pinto nito at agad na naghubad.

"Ano ba ang nangyari at ganyan ang itsura mo? Diba may pasok ka pa?" tanong nito mula sa labas nang wala itong matanggap na sagot.

"Binuhusan lang naman ako ng slime ng mabait kong estudyante." I explained. Narinig kong tumawa ito at nagsalita.

"Si Louise?" I hummed yes and she chuckled.

"Tapos? Anong nangyari?"

"Niyakap ko sya."

Bigla itong natahimik sa labas at nagulat na lang ako nang bigla itong sumigaw at kinalampag ang pinto ng cubicle ko.

"You what?!"

"Ano ba, Emmy! Gusto mo ba akong atakihin sa puso? Bat ka ba nanggugulat??" inis na singhal ko dito.

"Sorry. Pero anong ibig mong sabihing niyakap mo sya??"

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن