Kabanata 11

23.5K 1K 467
                                    

Flare

Buong araw na nagkulong si Miss Zabuel sa classroom nya at buong araw lang din kami ni Mandy magkasama habang gumagawa ng mga instructional materials ni Miss Leyla. Hindi ko alam kung ano ang problema nya. Hindi ko din alam kung dahil ba ito sa nangyari kanina sa loob ng classroom o sa nangyari kaninang lunch.

Simula sa unang araw ng duty namin dito, napansin kong hindi masyado naguusap o nagkakasama man lang si Miss Zabuel at Miss Leyla. Kung naguusap man sila mostly ay purely work lamang. Tuwing nakikita kong nagkakasalubong silang dalawa ay si Miss Leyla palagi ang nauunang bumati at kumakausap kay Miss Zabuel.

Kung tutuusin ay palagi itong nakangiti kapag binabati at kinakausap nya, sobrang approachable nya at sa kanilang tatlo nina Miss Zabuel at Miss Andy, sya ang pinakamabait. Hindi ko lang talaga alam kung bakit napakasungit ni Miss Zabuel sa lahat na kahit kay Miss Leyla ay sobrang cold nito. Pwera na lang kapag may mga bata na nasa paligid.

Nasa classroom na kami ngayon nila Mandy at kumpleto kaming anim na magkakaklase. Hinihintay na lang namin na tumunog ang bell at dahil wala pa naman si Miss Zabuel ay yumuko na muna ako sa arm chair ko at pumikit.

Kung nagtataka kayo kung saan naka assign ang tatlo sa aming mga kaklase, tatlo kami ang nasa Preschool, dalawa sa Grade 1 at isa naman sa Grade 2. Hanggang Grade 3 kasi ang pwedeng maturuan ng mga Early Childhood Education teachers kaya hindi lang kami naka focus sa Kindergarten.

Nang dumating si Miss Zabuel ay napaayos na din ako ng upo. Wala namang gaanong nangyari dahil sinuri nya lang ang mga progress namin sa practice teaching at kinumusta ang performance namin.

Nagdaan ang isa at kalahating oras ay tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. Sabay kaming napatayo ni Mandy at niligpit na ang mga gamit namin.

"Miss Fuenteval, stay for a while." usal ni Miss Zabuel.

Nagkatinginan kami ni Mandy. Tinanguan ko sya at ngumiti. "Una ka na, Mands."

Ngumisi ito. "Ingat ka mamaya. Enjoy kasama ang crush mo." tumawa ito bago tumalikod at lumabas.

Nang kami na lang dalawa ang natira ay nagsalita ito "Please, close the door."

Tumalima ako at sinarado ang pinto.

"Peyton." humakbang papunta sa akin si Miss Zabuel. Seryoso syang nakatingin na biglang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Yes, Ma'am?" I was thankful I didn't stutter.

Huminto sya mga limang pulgada ang layo sa akin ngunit amoy na amoy ko parin ang mabangong pabango nya. Dahil nakasuot sya ng heels ay nakatingala ako ng konti sa kanya. Magkasingtangkad lang naman kami pero dahil sa heels nyang suot ay nagmukha syang mas matangkad kesa sa akin.

"I just want to tell you." she paused.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Seryosong seryoso ang mukha nya kaya mas lalo lang akong kinakabahan.

"I want you to stay away from Leyla."

Napakunot-noo ako sa sinabi nya. Si Miss Leyla? Iiwasan ko?

"Why?"

Gusto kong tampalin ang sarili ko dahil nagmukhang wala akong galang sa pagsagot sa kanya.

"Just do what I say. Stay away from her." she coldy said.

"Bakit, Miss Zabuel? Why should I avoid her?" kulit ko sa kanya.

"Just don't ask and follow what I say, Peyton!" naiirita nyang sagot.

Naiinis na din ako dahil hindi nya naman binibigay ang rason kung bakit dapat kong iwasan si Miss Leyla. Kahit naman na ramdam kong iba ang trato nya sa akin kesa kay Mandy ay mabait naman si Miss Leyla. Walang rason para umiwas ako.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now