Kabanata 14

22.4K 1K 771
                                    

(Miss Merge Vental Zoriaga)

Flare

Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. Nilingon ko si Mandy na nag aayos ng mga gamit at kinalabit. "Una ka na Mands."

Sumulyap ito kay Miss Zabuel at napangisi na ibinalik ang tingin sa akin.

"Good luck, beh. Suyo well." napahagikgik pa ito na ikinalingon ni Miss Zabuel sa amin na isinasara ang laptop.

"Gago!" natawa ako pero sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako.

Lumabas na si Mandy at akmang isusukbit na din ni Miss Zabuel ang kanyang bag nang tinawag ko sya.

"Miss Three!" dahan-dahan akong humakbang palapit.

"Did I gave you the permission to call me that?"

"I'm sorry po." yuko ko.

"What is it?"

Napataas ako ng ulo sa tanong nya.

"Can we talk...po?" dagdag ko dahil baka sungitan pa ako lalo.

Tumaas ang kilay nya. "About?"

Humakbang ako palapit sa kanya. "Miss, why are you avoiding me?"

"I am not."

"Really...po?"

"Yes." sagot nya habang matiim na nakatingin. "Why should I avoid you?" dugtong nya pa.

Napakamot ako sa ulo at walang masabi. Isinukbit nya ulit ang bag nya at humakbang na pero bago pa man sya makalayo ay humarang ako sa daanan nya. I flinched when I just realized how close we are right now.

Napalunok ako nang magsalubong pa lalo ang mga kilay nya dahil sa pagharang ko.

"May problema ka po ba sa akin, Miss Zabuel?" sabi ko na mas lumapit pa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang nagkalakas ako ng loob nang makitang kinabahan sya saglit at napaatras.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hinarang nya ang mga palad nya sa dibdib ko para hindi kami magdikit. Kapag nagkakadaiti ang mga katawan namin ay ibang sensasyon ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag pero ang sarap sa pakiramdam. Bumaba sa mga labi nya ang tingin ko nang dinilaan nya ito.

"Peyton, don't!" nakita kong napalunok sya nang unti-unting lumalapit ang mukha ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili nang maamoy ko ang pabango nito kaya mabilis na hinapit ko ito sa kanyang bewang na ikinagulat naman nito. At bago pa man ito makapag protesta ay sinakop na ng mga labi ko ang mga labi nitong nakaawang pa dahil sa gulat.

I closed my eyes when I felt her lips next to mine. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Nanginginig ang mga labi kong nakadikit sa labi nito pero bago ko pa man maigalaw ang mga ito ay naitulak na ako nito ng malakas na muntik ko pang ikatumba.

Bigla akong nakaramdam ng takot nang naniningkit ang mga mata nya sa galit na nakatitig sa akin. Ngayon ko lang din napagtanto ang ginawa ko.

"M-miss Three, I-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinutol nya na ito.

"Stop! Why did you do that?!" nagiigting ang pangang sigaw nya.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon