Kabanata 37

20.8K 840 451
                                    

Flare

"Now, explain."

Naglakad si Miss Zabuel palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Iginiya ako nito papunta sa sofa at pinaupo. Buti na lang talaga at hindi na masyadong marahas ang pagkakahawak at pagpapaupo nya sa akin sa sofa dahil yung unang pagkakahawak nya sa parte ng braso ko kanina ay namumula na.

"Explain to me why did you leave without telling me?! Bakit bigla ka na lang umalis?!" napansin kong nagpipigil ito ng galit, nakakuyom ang mga kamao nito at namumula parin ang mukha habang nakayuko sa akin.

Napalunok ako ng laway at sinalubong ang tingin nito. "A-ayaw na po naming makaabala sa inyo, Miss Three. Kung napipilitan na lang kayong gawin ito para sa amin ni nanay dahil naaawa kayo sa amin, pwede nyo naman pong sabihin at itigil na. Aalis naman po kami kaagad eh. Maiintindihan naman po namin."

Nagsalubong ang mga kilay nito nang marinig ang mga sinabi ko.

"What?! Who told you that? At bakit bigla mong nasabing naaawa lang ako sa inyo kaya ko ginagawa to? Sinabi ko ba sayo yun? Sinabi ko bang nakakaabala ka sa akin? Pinapaalis ko ba kayo?" humalukipkip ito sa harap ko at mas lalong nagsalubong ang mga kilay. Nagpakawala ito ng hangin dahil sa inis at tumingala sa kisame at muli ding ibinalik ang tingin sa akin.

"Hindi ko ginagawa ang mga ito dahil naaawa ako sa inyo, Peyton." biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. She knelt in front of me and held my chin. "I told you I am doing this  because I wanted to. Because I care for you."

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa paraan ng pagkakatitig nya sa akin kaya bumaba ang tingin ko sa isang kamay nyang nakapatong sa tuhod ko. Heto na naman ang puso kong bumibilis ang pagtibok. Nakakainis!

"Pero ayoko naman pong makaabala pa sa inyo ni Miss Zarah." umayos ako sa pagkakaupo kaya napabitaw si Miss Zabuel sa pagkakahawak ng baba ko.

"What do you mean? Bakit napasok sa usapan si Zarah?"

Napaiwas ako ng tingin dito at hindi alam kung ano ang isasagot. Naramdaman siguro nitong wala itong mahahanap na sagot mula sa akin kaya napabuntong-hininga ito at umupo sa tabi ko.

"Bahay ko to, Peyton. At ako lang ang pwedeng magdesisyon dito sa pamamahay na ito. At kapag sinabi kong dito ka lang sa bahay ko, dito ka lang." matigas na sabi nito.

"Peyton, hindi ko nagustuhan ang pag alis mo dito sa bahay nang basta-basta na lang. Iniwan mo pa ang mga ibinigay ko sayo tapos malalaman ko pang kay Nurse Zoriaga ka tumutuloy??" mapakla itong natawa. "Bakit, mas maganda ba ang bahay nya kesa sa akin? Mas marami ba syang maibibigay sayo? Mas gusto mo ba syang makasama?"

Natigilan ito nang mapagtanto ang mga sinabi. Tumikhim ito at parang naging balisa at umiwas ng tingin. "I mean....seriously--"

"Nagseselos po ba kayo kay Miss Ven?" hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa naging reaksyon nito at ang pamumula ulit ng mukha nito hindi dahil sa galit. Gago ang kyut! Nakita kong napakurap-kurap pa ito ng mga mata na mas lalong nagpalakas ng loob ko. Kung kanina ay takot ang nararamdaman ko, ngayon ay parang gusto ko na itong asarin.

I put my right hand on her knee and squeezed it. Umusog din ako palapit dito. Naramdaman ko ang malakas nitong pagsinghap dahilan para maamoy ko ang mabango nitong hininga. Napangisi ako sa aking isipan nang maramdaman kong naninigas ang katawan nito at biglang napakagat ng kanyang ibabang labi. Gusto ko sanang matawa dahil kung kanina ay mukha itong nakakatakot na tigre na handang manlapa, ngayon ay para itong isang basang pusa sa ilalim ng ulan at hindi alam ang gagawin.

She gulped and stared at me intently when she realized what I am doing to her. "What if I'm jealous? What will you do?" mariing tanong nito at marahang bumaba ang mga tingin sa mga labi ko, naramdaman ko din ang isa nyang kamay na humawak sa bewang ko na ikinasinghap ko. Shuta!

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon