Kabanata 10

23.9K 1K 573
                                    

Flare

Naglakad ako papunta kay Mandy na abala parin sa pag gugupit ng mga papel.

"Anyare sayo?" tanong nya matapos kong tumabi sa kanya.

"Wala pang gagawin. Dito muna ako." nangalumbaba ako sa mesa at tumitig sa mga ginugupit nya.

"Ay weh? Walang gagawin? Eh tinanong ako kanina ni Miss Three kung alam ko daw ba kung saan ka, papasok ka daw ba? Kasi marami daw kayong gagawin?" nagtatakang usal nya.

"Ewan." yun lang ang nasabi ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba, baby? Bat ang tamlay mo yata? May nangyari ba?" tanong nya na napasulyap sa classroom ni Miss Zabuel bago ibinalik sa akin.

"Ayos lang naman, Mands. Tsaka masama daw kasi pakiramdam ni Miss Zabuel kaya magpapahinga daw muna sya."

Napatang-tango naman si Mandy. "Tulungan mo na lang ako dito. Konti na lang naman to eh. Please?" pagpapacute nya sa akin.

I rolled my eyes at kumuha ng gunting. Tutal wala namang gagawin at mukhang wala nang balak na tawagin ako ni Miss Zabuel ay ito na lang ang gagawin ko.

-

Ilang oras din namin ginawa ang mga instructional materials ni Miss Leyla at mag aalas dose na ng tanghali kaya napag desisyunan na namin ni Mandy na magpahinga at mag lunch.

Dahil may baon naman ako ay nagpadeliver na lang si Mandy sa isang fast food ng lunch nya. Wala naman kasing canteen dahil walang pasok.

Habang hinihintay ang pagkain ay lumabas na din si Miss Leyla sa classroom nya.

"Hi girls. Lunch na kayo?" ngiti nya sa amin at tumigil ang tingin sa akin. Umiwas ako ng tingin. Napansin naman iyon ni Mandy kaya napatikhim ito.

"Hindi kami lunch, tao parin naman kami, Miss. Pero pwede mo naman akong maging lunch eh." ngising asong sabi ni Mandy.

Sinipa ko sya sa ilalim ng mesa dahil sa kagagahan nya. "Aray naman, babe. Biro lang eh." umirap pa sya sa akin.

Natawa si Miss Leyla kaya napatingin ako sa kanya na umupo sa tabi ko. Kinuha ang baon ko it sinipat sipat ito. "Ito lunch mo?" tumango lamang ako. "Eh ikaw, Miss Amanda?"

Ngumuso ang isa. "Nagpadeliver pa po ako. Ayaw mo ba tumabi sa akin, Miss?"

"I like it here." ngiti nya na may kinakalikot sa phone nya.

Napasimangot na naman si Mandy kaya sinipa ko sya ulit sa ilalim. "Ano ba?" pagsusungit nya.

Pinanlakihan ko naman sya ng mata at tinuro ng bibig ko ang pwesto ko. Naintindihan nya naman ito kaya napangisi ito.

"Cr muna ako, Miss Leyla." ngiti naman ang tinugon nya sa akin at tumango.

Tumayo na ako at naglakad papuntang comfort room. "Miss-"

Rinig kong sabi ni Mandy bago ako makalayo sa kanilang dalawa. Ngumisi ako.

Naghugas at naghilamos lamang ako ng mukha bago bumalik.

Pagdating ko ay maraming pagkain na nakahain sa mesa. Nagtataka kong tiningnan si Mandy.

"Umorder si Miss Leyla para sa atin. Lika na, babe." ngiti nya. Magkatabi na rin sila ni Miss Leyla kaya ngumisi ako na sinuklian nya ng kindat.

Pagkaupo ko ay napalingon kaming tatlo sa entrance nang may pumasok na delivery man mula sa isang sikat na restaurant bitbit ang dalawang malalaking paper bag.

"May inorder ka pa ba, Miss?" tanong ni Mandy.

Umiling si Miss Leyla at napakunot ng noo.

Napasulyap ako sa classroom ni Miss Zabuel nang lumabas sya mula rito at lumakad papunta sa amin.

"Delivery po for Ma'am Three Zabuel?"

"Put them on the table." usal ni Miss Zabuel na nakalapit na pala sa amin. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"I'll join you." wika nya sa amin habang inaayos ang mga inorder nya. Tumingin ito sa delivery man. "Thanks." yumuko ang lalaki na titig na titig sa kanya at ngumiti. "Welcome, ma'am." at umalis na ito.

"I cannot believe that you would join us, Three. Hindi ka naman kumakain kasama ng ibang tao ah." tumawa si Miss Leyla na parang hindi makapaniwala.

Kibit balikat lang si Miss Zabuel. "Let's eat."

Binawi ko ang tingin sa kanila at kinuha na ang baon ko. Bigla itong hinablot ni Miss Leyla palayo sa akin.

"Don't eat that and try this." inusod nya sa akin ang isang pinggan na may laman ng inorder nya.

"Okay na po ako sa baon ko, Miss." akma kong kukunin ito pero mas inilayo nya ito sa akin. "No. Eat my food!" matigas nyang sabi.

Nag init ang pisngi ko nang marinig ko ang sinabi nya. Para kasing double meaning ito sa akin. Punyeta ka Flare. Ang bastos ng utak mo. Pagkain lang naman ang tinutukoy nya.

Kinuha ko na lamang ito at akma na sanang sasandok nang may umusod na naman sa pagkain na nasa harap ko. Napanganga ako. Maging si Mandy ay napatulala na lang na kanina lang ay nakasimangot naman nang binigyan ako ni Miss Leyla ng pagkain.

"That's too fatty. Eat this instead." inilayo ni Miss Zabuel ang pagkaing bigay ni Miss Leyla sa akin at pinalitan ito ng inorder nya.

"Miss Zabuel, okay na po ako sa pagkain ni Miss Leyla." saad ko.

Naningkit ang mga mata nyang tumitig sa akin. "Just eat mine." she coldy said.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Minus points talaga ako nito sa langit dahil sa mga naiisip ko.

"Three, just let Flare choose what she wants." said Miss Leyla.

Miss Zabuel rolled her eyes. Hindi nya parin inaalis ang tingin sa akin.

Tumikhim si Mandy para mabasag ang tensyon sa pagitan ng dalawang guro.

"Hehe mga ma'am kain na po tayo. Gutom na kami eh. Diba babe?" tumingin ito sa akin na nakangiti ng hilaw. "Miss Leyla, akin na lang po ito pwede? Hehe." kinuha nya ang pagkaing bigay ni Miss Leyla sa akin kanina at mabilis itong kinain.

Napatango ito at nagpalipat lipat ang tingin sa akin at kay Miss Zabuel.

Kumain na kami nang walang nagsasalita sa aming tatlo. Si Mandy lang ang tanong nang tanong kay Miss Leyla nang kung ano ano. Sumasagot din ako minsan kapag kinakausap nya.

Kahit na ramdam ko ang tensyon ay naparami ako ng kain dahil sa sarap ng inorder ni Miss Zabuel. Tumikim din naman ako ng mga inorder ni Miss Leyla kaya napangiti na din ito.

Matapos kumain ay kinuha ni Miss Zabuel ang isang paper bag na inorder nya kanina. Oo nga pala, dalawa yung dala ng lalaki kanina.

Inilapit nya ito sa akin. Nagtataka akong tiningnan sya na sinalubong nya naman ng matiim na titig. "Take this and eat it later." kinuha nya ang kamay ko at nilagay dito ang paper bag. "Don't you dare say no and just accept it." tumayo na ito at pumasok sa kanyang classroom.

"Unbelievable." rinig kong bulong ni Miss Leyla. Bumuntong hininga ito at tumingin kay Mandy. "Take this, Miss Amanda. Kainin mo din mamaya." usal nito at tumayo na din at pumasok ng classroom nya.

Nagkatinginan kami ni Mandy. Ngumisi ito ng nakakaloko. "Alam mo, kahit alam ko naman na para sayo sana itong binigay ni Miss Leyla pero okay na din. Di parin ako titigil sa pangungulit sa kanya kahit alam kong ikaw ang gusto nya."

Wala akong nasabi at nagulat nang medyo malakas nyang nahampas ang mesa. "Wag na wag ka lang talaga magkakagusto sa asawa ko, babe ah. Binabalaan kita." napanganga ako. "Di. Joke lang. Alam ko naman na si Miss Three ang crush mo eh." sabay kindat nya sa akin.

"Tara na nga. Tapusin na natin ang mga gagawin." tumayo na kami at bumalik sa mga ginugupit namin.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now