Final Chapter - Three Points 🔞

33.8K 1K 976
                                    

"Ang sama talaga ng ugali ng batang yun! Makikita nya talaga!" inis na singhal ni Emme habang tinatanggal ang mga dumikit na mga scotch tape sa buhok nito.

Napahagikgik naman ako dahil hindi na talaga maipinta ang mukha nito na napapaaray pa kapag hinihila ko ang mga tape mula dito. Nandito kami ngayon sa office namin at nakaupo ito habang ako naman ay nakatayo sa harap nito at tinutulungan ito.

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at nilagyan mo ng tape ang bibig nun? Ayan tuloy ang napala mo." natatawa kong saad dito.

"Sige nga, ikaw nga ang magturo sa harap na maingay ang nasa paligid mo? Buti nga hindi ko pinalabas eh." nguso nito sa akin na ikinatawa ko ulit.

Mukhang sanay na din naman ang mga estudyante nito na palagi silang nagbabadargulan ni Louise. Eto din kasi yung professor nila na chill lang sa klase kaya marami din itong mga nagiging kaibigan na students kapag nasa labas ng classroom.

Mapa-loob o labas ng classroom, gustong-gusto ito ng mga estudyante dahil bukod sa magaling itong magturo, mabait din ito at nakakasakay sa mga kalokohan ng mga ito. Kaya kapag may drama sa loob ng room na palaging si Louise ang may pakana, hindi na nila inaawat dahil nag eenjoy din ang mga ito kapag nagsasagutan ang dalawa.

Isip bata din kasi itong isang to kaya ayan tuloy, hindi na tinigilan ni Louise. Buti na nga lang hindi pa umaabot kay Chastity ang ginagawa nito.

"Professor Zabuel!" napalingon ako sa pinto nang may tumawag sa akin. Nakita kong nakasilip si Louise doon at nakatingin na sa akin.

"Yes, Lu?"

"Tita Tres wanted to see you in her office." she said with a straight face.

Taas ang kilay kong tinitigan muna ito bago ito sinenyasang lumapit.

"No!" she coldly said.

"Come here, Louise. Or else--"

"Oo na, oo na!" irap na sagot nito at padabog na lumapit sa akin. Ngumisi ako dito at napansin kong muli na namang tumirik ang mga mata nito nang magtagpo ang mga mata nila ni Emme.

Kung mayroon man akong maipagmamayabang, yun yung susunod at susunod ito sa gusto ko dahil kahit gaano pa ito ka spoiled brat at maldita, takot na takot naman ito na isumbong ko sa asawa ko. Wala parin kasing kaalam-alam si Chastity sa mga pinagagawa nito.

"Bitch--awww! What the hell, Flare?!" I heard Emme mumbled kaya sinipa ko ito.

"Yang bibig mo." saad ko at muling tiningnan si Louise.

"Tulungan mo si Miss Leandro na tanggalin ang mga tape sa buhok nya. Tutal naman kasalanan mo kung bakit nagkaganyan yan ngayon eh."

"But, Tita--"

"Isa!" singit ko sa sasabihin nito.

Inis na pumadyak ito at sinimangutan ako. "Fine! Alis ka na nga!"

I chuckled at tinapik ito sa balikat. "I'll get going, Emme. See you later." I kissed her cheek and I heard Louise groaned kaya napatawa na naman ako.

Lumapit din ako dito at hinalikan ito sa pisngi. "Bye, Lu. And please....behave!" warning ko na nginusuan lang nito.



"SPG HAHAHAHAHAHAHA"


"Babe?" tawag ko nang makapasok sa office nito. Napalinga-linga ako at walang kahit na sino, ni anino ni Chastity sa loob. At dahil wala namang tao kaya napag desisyunan kong maglakad-lakad sa loob. Sa paglilibot-libot ko ay napadako ang tingin ko sa mesa nito.

Napangiti ako nang makita ang larawan naming dalawa na kinunan noong kasal namin. Malawak ang mga ngiti namin at nangniningning ang mga matang nakatingin sa camera. Umupo ako sa swivel chair nito at nagpatuloy sa pagtingin ng iba pang mga pictures sa mesa nito.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now