Kabanata 35

20.4K 929 1K
                                    

Flare

Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang pag lapag sa akin sa malambot na kama. Dahil hilong-hilo parin ako at madilim sa kwarto ay hindi ko maaninag kung sino ang nagbuhat sa akin patungo sa kinahihigaan ko ngayon. Sinubukan ko itong aninagin ngunit dahil sa mahapdi pa ang mga mata ko ay napapikit ako ulit.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko hudyat na may umupo dito. Ramdam kong hinaplos ng taong ito ang mga pisngi ko at nagtagal ang mga daliri nito sa mga labi ko. Kahit gustong-gusto kong malaman kung sino ito ay ayaw makisama ng katawan ko. At bago pa ako man ako dalawin ulit ng antok ay narinig ko itong mahinang bumulong.

"While you were in my arms earlier, I realized I don't want to lose you anymore."

-

Nagising akong masakit ang ulo at mabigat ang pakiramdam. Kung hindi lang masakit sa mata ang sinag ng araw ay hinding-hindi pa talaga sana ako magmumulat ng mga mata.

Pagdilat ko ay ang mga magagandang berdeng mata ni Charity kaagad ang bumungad sa akin. Seryoso itong nakatitig sa akin kanina pero nang magtama ang mga mata namin ay kaagad itong ngumiti ng malawak.

"How are you, Pey?" she asked.

"My head hurts, Ri. Ugh!"

Mahina itong tumawa at inabot ang isang tray sa mesa na hindi ko napansin pagkagising ko. May laman itong kanin at chicken soup at mayroon ding saging. Habang naiwan sa maliit na mesa ang isang tubig at gamot.

"I cooked this for you, Pey. I know you'll be having a massive headache 'cause you're really wasted last night." she's smirking at me.

Inabot ko ito mula sa kanya at nagpasalamat at nagsimulang sumubo. Napansin kong hindi nito inaalis ang tingin sa akin habang nakangisi parin ito kaya tumikhim ako.

"Bakit ganyan na lang ngisi mo?" kunot-noo kong tanong dito.

Tumawa na naman ito. "Don't you remember what happened last night?" may pilya na namang mga ngiti sa labi nito. Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa dito.

"May....may nangyari ba?" bigla akong kinabahan nang sumeryoso ito. Hindi ko nagugustuhan kung saan papunta ang usapan namin. Sinusubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero ang huli ko lang talagang naalala ay yung pagdating nina Miss Zabuel sa loob ng bar at ang pag inom ko ng sunod-sunod tapos wala na.

"Well, hindi mo ba naaalalang hinalikan mo ako kagabi at sinayawan?" may kislap ang mga mata nito nang sabihin iyon.

"What??" nanlalaki ang mga mata kong sigaw dito. Muntik pang matapon ang soup nang bigla akong gumalaw at tatayo sana buti na lang ay napigilan nya ako.

"Yes, Peyton. You kissed me last night. Bigla mo na lang akong sinunggaban kagabi." natatawang pagkumpirma nito.

"I...I didn't remember." napayuko ako pagkatapos sabihin iyon. Nahihiya ako dahil hindi ko maalala ang mga kagagahan ko kagabi. Gosh, seryoso ba talaga yun??

Naramdaman kong lumapit ito ng upo sa akin at hinawakan ang baba ko. I saw her licked her lower lip and said "Do you want me to help you remember the kiss?"

Akala ko talaga ay nagbibiro lang ito pero nang titigan ko ito ay seryoso ang mukha nitong nakatitig lang sa akin. May kung anong emosyon akong nakikita sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"Peyton....the taste of your lips never left my mind since last night." mahinang bulong nito na unti-unting nilalapit ang mukha sa akin.

Bumaba ang tingin nito sa mga labi ko at hinawakan ng isang kamay ang pisngi ko. "And God knows how I badly want to taste it again."

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now