Kabanata 19

22.1K 951 713
                                    

(Merge Vental Zoriaga)

Flare

Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin dito sa loob ng banyo ng kwarto namin at sinusuri ang sarili. Nakasuot ako ngayon ng halter high neck two piece swimsuit. Kahit naman kasi laking probinsya ako ay hindi naman bago sa akin ang magsuot ng mga ganitong uri ng mga swimsuit.

Dahil tatlong araw din na punong-puno ang schedule namin ng mga activities, inilaan ang natitirang dalawang araw para mag enjoy kami kaya ngayon eto at napag desisyunan naming mag swimming sa beach. Ikaapat na araw na namin ngayon at bukas ng hapon ay uuwi na rin kami.

Nang makontento sa suot ko ay pinatungan ko muna ito ng blue floral see-through tunic coverup.

Lumabas na ako ng hotel at tumungo kung nasaan sila Mandy kanina. Unang napalingon si Mandy sa akin nang papalapit na ako sa kanila.

"Oh wow woooowww! Damn, baby! Ang sexy!" bulalas nito na ikinalingon ng iba pang mga nasa cottage.

Nakaramdam ako ng hiya nang mapansing napasulyap din sina Miss Zabuel, Miss Ven at Miss Leyla.

Unang nakabawi si Miss Ven at lumapit sa akin.

"Looking good, Flare." malawak ang ngiting titig nito sa akin pababa.

"Thank you po, Miss Ven." nahihiyang sagot ko. Napansin ko din ang pagsulyap ni Miss Zabuel sa katawan ko.

"Mags-swimming na pala kayo edi sana nagbihis na din ako."

"Ay pasensya na po, Miss Merge. Sobrang naexcite lang kasi kaya nakalimutan namin kayong sabihan." sabat ni Mandy at tumingin kay Miss Leyla.

"Miss Leyla, magbibihis ka na din po ba?" nakangiting tanong nito.

Napasulyap ako kay Miss Leyla na naabutan pang nakatingin sa akin bago sumulyap kay Mandy. "Later, Miss Amanda."

Napanguso naman ang isa bago nag salita ulit. "Mandy na lang po, Miss. Masyado naman po kayong pormal sa akin. Pero kay Flare hindi naman." mas humaba pa ang nguso nito.

Miss Leyla rolled her eyes at lumapit sa akin na hindi pinansin si Mandy. "Wait for me, Flare. Sasabay akong mag swimming." napakagat sa labing usal nito.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Mandy at napayuko ito.

"Kasabay ko pong maliligo si Mandy, Miss Leyla." alanganing ngiti ko at kumapit sa braso ni Mandy. Mahina ko itong pinisil na nagpalingon sa kanya sa akin. Nginitian ko ito at hinalikan sa pisngi.

"Ay bakit may pag halik beshy? Anong meron?" biglang sumulpot sa kung saan si Kate.

"Bawal na bang halikan ang bestfriend ko?" irap ko dito.

"Hindi naman. Pero dahan-dahan lang, baka bigla ka na lang bumulagta dyan sa kinatatayuan mo." ngumisi ito at lumingon sa likod ko.

Sinundan ko ito ng tingin at nang magtama ang mata namin ni Miss Zabuel ay inirapan ako nito at tumalikod na.

"Nag away ba kayo?" I stared back at Miss Ven when she asked.

"Po?"

"Three. Nag away ba kayo?"

Umiling ako. "Hindi po, Miss."

Tumango ito at napansin kong natulala ito at parang may malalim na inisip.

"Miss Ven?" pukaw ko sa kanya.

"Huh? Oh, I'm sorry. Anong sinabi mo?"

"Tulala po kayo, Miss Ven." sagot ko.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now