Kabanata 38

21.5K 901 1K
                                    

Flare

"Anong plano mo ngayong nakapag tapos ka na?" napaangat ako ng tingin mula sa malaking tv nang tanungin ako ni Miss Ven. Kakauwi lang namin ng penthouse galing sa dinner namin at ngayon ay nagmomovie marathon na lang kami.

Napakamot ako sa ulo dahil kahit gustuhin ko mang maghanap ng part time job habang hinihintay ang Licensure Examination for Teachers ay ayaw naman ako nitong payagan. Gusto nya kasing mag focus lang ako sa review ko at ayaw nyang mahati pa ang oras ko. Next week kasi ay aasikasuhin ko na ang application ko for LET kaya naghahanap na ako ng review center na papasukan ko kasama sina Mandy.

"Wala, Miss Ven eh. Ayaw mo naman kasi akong payagan magtrabaho kahit part time lang." nguso ko dito.

Ngumiti ito ng malawak at nangalumbaba paharap sa akin.

"Sabi ko naman sayo mag focus ka lang sa review mo eh. Hindi mo naman kailangang maghanap ng trabaho for now dahil ako ang bahala sa inyo ni Nanay."

Nakatitig lang ako dito habang nagsasalita ito. Sa totoo lang, sobrang ganda talaga ni Miss Ven. Alam mo yung kahit na 30 years old na ito eh para lang itong nasa 24 or 25 years old. Sobrang bata pa talaga nitong tingnan eh. Sobrang healthy ng maitim nitong buhok na naka bob cut. Ang kissable ng natural na kulay rosas nitong mga labi, matangos ang maliit na ilong at yung mga mata nito, parang kay Mama Mary. Charot. Hindi! Sobrang ganda ng mga mata nyang kulay abo. Parang nanghihigop ng pagkatao mo. Pero kahit sobrang ganda nito, sobrang sexy, sobrang bait at pinipilahan ng mga manliligaw, hindi man lang sumubok na pumasok sa isang relasyon.

Ganito talaga siguro kami eh no? Yung magkakagusto sa taong hindi naman mapapasaiyo. Saklap. Alam ko naman yung rason nya kung bakit hindi sya pumasok sa isang relasyon dahil inamin nya sa akin yun pero....may balak pa bang mag asawa to?

"Kailan mo po balak mag-asawa, Miss Ven?" nanlaki ang mga mata ko at natutop kong bigla ang bibig ko nang wala sa sariling natanong ko ang mga ito sa kanya. Dapat sa isip ko lang yun eh. Tanga!

Tumaas ang isang kilay nito at unti-unting lumawak ang ngisi sa akin. Mas inilapit pa nito ang kanyang mukha sa akin habang nakapangalumbaba parin.

"Bakit, Flare? Ready ka na ba?"

Nag-iinit ang pisnging napaubo ako at umiwas ng tingin dito na ikinahalakhak naman nito ng malakas. Bwisit! Nakakahiya!

"Pwede na akong mag-asawa, Flare my baby, kung papayag ka." nagpatuloy ito sa pang-aasar sa akin na ikinanguso ko.

"Pero alam ko naman na iba ang gusto mong asawahin eh, yung taong may aasawahin ding iba." pagkatapos sabihin yun ay napabunghalit ito ng tawa at biglang tumakbo palayo nang aktong tatapunan ko na ito ng hawak kong unan. Hindi ko na din napigilang matawa dahil ang cute ni Miss Ven habang tumatakbo ito. Pareho talaga kami eh. Parehong nasa iisang club. Hahahhahaha

"Anyways, Flare." bigla itong nagseryoso at humakbang palapit sa akin.

"I have a 5-days seminar in Bohol at bukas na yung flight ko. Ikaw na muna ang bahala dito ha? If you need anything, don't hesitate to call my secretary, okay? Sya ang bahala sayo."

"Okay po, Miss Ven. Basta po yung pasalubong ko ha?" ngisi ko dito.

"Ano bang gusto mo?" ngumiti ito ng malawak at tinaasan ako ng kilay na naghihintay ng sagot ko.

"Ibibigay mo talaga?" paninigurado ko.

"Yep. As long as I can, Flare."

"Talaga? Sure yan?" kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang gustong kumawalang tawa sa bibig ko.

"Oo nga! Ang kulit eh. Ano ba ang gusto mo? Name it!" napangisi ako nang nahimigan ko ang parang naghahamong tono nito.

"Gusto ko po sana ng ano...."

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα