Kabanata 17

22.5K 978 686
                                    

(Flare Peyton Fuenteval)

Flare

Pagdating namin ng reception area ay nakita ko si Miss Ven na sumenyas sa akin na lumapit sa kanya kaya nagsimula akong humakbang. Pero bago pa man ako makalapit ay biglang sumulpot si Miss Zabuel sa harap nya kaya ngayon ay napapagitnaan namin sya.

"Everyone, gather around." dahil silang dalawa ni Miss Ven ang in charge sa mga education students ay kokonti lang kami. "We will be divided into three person each room and I already grouped you all." Magkasama sa iisang kwarto sina Miss Zabuel, Miss Ven, at Miss Leyla.

"All of you kindly check the name of your roommates and your room number." tumingin ito sa pambisig nyang relo at nagpatuloy. "Since it's already past three pm, we'll go straight to our respective room and get some rest. If hindi naman kayo pagod, you're allowed to check the place but at exactly 6:30pm you need to go back and gather around the dining hall. Am I clear?"

"Yes, Ma'am." sabay nilang tugon at ang iba ay tumango-tango naman.

"Alright! I'll see you all later." lahat kami ay nagsimula nang bitbitin ang kani-kaniyang mga gamit at tiningnan kung sino ang makakasama ko sa kwarto.

"Babyyyy! Buti na lang magkasama tayo. Tara na, pagod me sa byahe. Huhuhu." reklamo nito. Kasama din namin si Kate kaya sabay na kaming tatlo na tumungo sa aming kwarto.

"Flare!" napalingon ako kay Miss Ven nang tawagin nya ako. "I'll see you later. Let's eat dinner together." ngumiti ito at naglakad na.

"Yiiieeeee! Whipped cream ang mommy mo." mahinang tulak ni Mandy sa akin na kinikilig.

"Ano ba yan, Mands?" natatawa kong tulak din sa kanya.

"Ang sweet naman ni Nurse Merge. Sana all." nguso ni Kate.

Habang nagtatawanan kami ay nahagip ng mga mata ko sina Miss Zabuel at Miss Leyla na nag uusap at mukhang seryoso pa ito dahil pareho silang nakakunot ang noo. Nakita kong napairap si Miss Leyla bago nito talikuran si Miss Zabuel.

Anong nangyari dun? Nag away ba sila?

Pabagsak akong nahiga sa kama pagdating ng kwarto namin dahil sa pagod. Nasa sahig pa ang mga gamit ko at mamaya ko na lang aayusin. Pumikit ako pero bago pa man ako lamunin ng dilim ay biglang may kumatok sa labas.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Mandy at Kate. "Sino kaya to?" tumayo si Mandy mula sa pag aayos ng mga gamit at binuksan ang pinto.

"Miss Leyla?" nagtatakang nakatingin kami sa kanya dahil dala nya din ang kanyang mga gamit.

"Hi girls!" alanganing bati nito.

"Hello po, Miss Leyla. Bakit po?" si Kate.

Napakamot ito sa batok. "Uhm. May favor sana ako. Pwede bang makipag swap ng room sa inyo? Dito na muna ako while sa kabila ang isa sa inyo? Pwede ba? Please?"

Nagkatinginan ulit kaming tatlo. Maya-maya ay biglang ngumisi si Mandy. "Sure no problem po, Miss. Si Flare na po ang makikipag swap sa inyo. Close naman sila ni Nurse Merge eh."

Salubong ang kilay kong napatitig sa kanya. "Bakit ako? Eh kung ikaw na lang kaya?"

"Aba anong gagawin ko dun aber? Ikaw na lang babe, maiilang lang ako dun kasi hindi naman kami close nila Miss Three at Nurse Merge."

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now