Kabanata 16

23.5K 996 1.2K
                                    

(Three Chastity Zabuel)

Flare

Dahil maaga akong nagising kanina ay nakatulog ako sa byahe. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulog pero nagising ako nang tumigil ang sasakyan namin.

Nagmulat ako ng mga mata at nagulat nang mapagtanto na nakasandal ako sa mga balikat ni Miss Zabuel habang nakapatong naman ang ulo nya sa ulo kong nasa balikat nya.

Nagising din ito at nagtama ang mga mata namin nang sumulyap ito sa posisyon namin.

"Where are we?" tikhim nito at umayos ng upo. "Manong, why did we stop?" tanong nito sa driver nang walang nakuhang sagot mula sa akin.

"Ma'am pasensya na po at mag c-cr lang po ako saglit." paumanhin nito at bumaba na.

"Okay. Let's have a 30-minute break." lumingon si Miss Zabuel sa mga kasama namin pagkatapos ay tumingin sa wrist watch nito. "Be back at exactly nine thirty-five, everyone."

Tumayo ang lahat at nagsimulang lumabas ng sasakyan pwera na lang sa akin, Kay Miss Zabuel, Miss Leyla, Miss Ven at Mandy.

"Flare!" napalingon ako nang tawagin ako ni Miss Leyla. "Did you eat lunch earlier?" pa cute nitong tanong sa akin.

Umiling ako. "Hindi po eh."

"Tara, let's eat." aya nito.

"Where are you going?" sabat ni Miss Ven.

"Just wanted to treat Flare and Mandy. Matagal na din nung huling magkasama kaming kumain eh."

"Why not you treat Mandy and I'll treat Flare myself, Miss Ventura?" mukhang ramdam na yata ni Miss Ven na may gusto sa akin si Miss Leyla.

Napatiim bagang si Miss Leyla at sumulyap sa akin. "Whatever! Let's go, Miss Amanda." sabay hila nito kay Mandy palabas.

I saw Miss Zabuel rolled her eyes on us. Tumayo na rin ito at lumingon sa akin.

"I'll talk to her first, Nurse Merge. Susunod sya sa inyo."

Tumango si Miss Ven at sumulyap muna sa akin bago tumayo. "I'll wait for you outside, sweetie." matamis na ngiti nito sa akin na ibinalik ko din sa kanya. "Okay po, Miss Ven."

Matapos nito lumabas ay hinarap ko si Miss Zabuel na madilim ang anyo na nakasunod ang tingin sa lumabas na si Miss Ven.

"Ano po ang sasabihin nyo, Miss Zabuel?"

"Chas. Call me Miss Chas." madilim parin ang anyo nito nang tumitig sa akin.

Kunot-noo akong tiningnan lang sya.

"Okay lang naman po, Miss Zabuel." hindi ko kasi maintindihan bakit gusto nyang tawagin ko syang Miss Chas eh ayaw nya nga magpatawag na Miss Three. Nakakainis kaya yun, Three nga din ang tawag sa kanya nila Miss Leyla at Miss Ven at Miss Three kay Mandy pero hindi naman nagreklamo. Pero nung ako ang tumawag sa kanya nun, ayun galit na galit.

"But you called Nurse Merge "Miss Ven"? Really? Why? Close na talaga kayo? Kayo na ba?" magkasalubong ang kilay na sunod sunod na tanong nito.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now