Kabanata 3

27.1K 1.1K 797
                                    

Flare

"Ate? Ate, gising ka na. Pasensya na talaga eh kailangan ko na kasi mag lock ng clinic. Malapit na po mag 7:30 pm."

Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa akin ng student assistant.

"Ate, okay na ba paa mo? Kaya mo na maglakad mag isa?"

Pinakiramdaman ko ang paa ko at sa tingin ko maayos naman na ito.

"Ayos na ako, Miss. Salamat sa pag gising. Pasensya na din sa istorbo ha?"

"Wala yun, ate. Tsaka pinapabigay po pala ni Nurse Merge." inabot nya sa akin ang paper bag na may lamang sandwich at isang bottle ng tubig. "kainin mo daw po at wala ka pang kain. Umalis na kasi sya kanina eh."

"Thank you. Uhm, George diba?" tumango sya.

"Thank you ulit, George." ngiti ko sa kanya.

"Welcome ate. Ingat ka paguwi."

-

Habang palabas ako ng campus ay napatingin ako sa bitbit kong paper bag. Napangiti ako nang maisip na galing ito kay Nurse Merge. Ang bait naman nito.

Nakarating ako sa labas ng gate at habang nakatayo ay nagtatakang napatitig ako nang may humintong magarang sasakyan sa harap ko. Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa ganda nito. Wow!

Bumaba ang salamin ng sasakyan at nagulat ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Miss Zabuel.

"Hop in!" seryoso nitong sabi habang nakatitig sa akin. "I heard you've got an ankle sprain. I'll take you home."

"It's okay, Miss Zabuel. Dyan lang naman po ako sa kanto, may part time job pa po kasi ako hanggang 10 eh."

"Really?" napatango ako.

"Sakay. Doon din ako dadaan."

"Okay lang talaga, Mi-"

"Wag mo hintaying kaladkarin pa kita papasok ng sasakyan, Fuenteval." naiinis nyang turan kaya mabilis akong pumunta sa pinto ng back seat. Hindi ko pa man nabubuksan ay narinig ko sya ulit.

"Passenger seat, Peyton!"

Hihimatayin yata ako sa init ng ulo ni Miss Zabuel kaya dali-dali akong pumasok sa harapan.

"Sorry po." nakayuko lang ako habang nilalaro ko ang mga daliri ko.

Unang beses nito akong tinawag sa second name ko kaya naninibago ako. Si nanay lang naman ang tumatawag sa akin noon at ang mga classmates at mga kaibigan ko naman ay Flare lang.

Tahimik kaming nasa byahe kaya bago pa man kami makarating, palihim ko itong tinitigan. Kahit naka side-view si Miss Zabuel ay ang ganda talaga nito. Hindi ko idedeny yun. Kahit naka-kunot ang noo nito, hahanga ka parin talaga sa taglay nitong ganda. Iniisip ko din kung ilang taon na ito, ang bata pa kasi nito sa paningin ko eh. Siguro mga nasa mid 20's na sya or late 20's. Baka 26? 27? O 28?

"34 Fuenteval." nagulat ako sa biglang pag salita nito.

"Po?"

"I heard you."

Shit. Nasabi ko ba ng malakas ang iniisip ko?

"And.."

Napatingin ako sa kanya.

"Staring is rude." sabay tingin nito sa akin.

"S-sorry po, Miss Zabuel."

Ibinalik naman nito agad ang tingin sa daan.

"Uhm dito na po ako, Miss. Thank you po sa paghatid." usal ko nang makarating sa tapat ng pagtatrabahuhan ko.

Tumango lang ito kaya lumabas na ako ng sasakyan. Pinasibad din nito kaagad ang sasakyan nang makalabas na ako.

Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ang papalayong sasakyan nito.

34? Hindi halata. Para lang talaga syang nasa mid 20's. May pamilya na kaya sya? Asawa? Anak?

Napailing ako sa mga naiisip ko. It's not your damn business, Flare.

-

Naging maayos naman ang unang gabi ko sa trabaho at ibinigay din naman kaagad ni nanay Becky ang sweldo ko sa gabing yon. Gusto nitong ibigay agad para daw may pang gastos ako sa araw-araw.

Nakahiga na ako ngayon sa aking maliit na kama. Nakatanga lang sa kisame at inalala ang maikling paguusap namin ni Miss Zabuel.

Napangiti ako nang maalala ko kung gaano kaganda ang propesor ko, hindi lang mukha, maging ang katawan.

Jusko naman Flare, marami ka namang kakilalang nagagandahan din sa school mo dati, bakit ganyan ka ngayon sa propesor mo?

Siguro dahil wala naman akong naging propesor sa dati kong unibersidad na ganun kaganda at ka sexy. Lahat ng mga teacher ko may mga edad na.

Lahat din sila may mga asawa at anak na.

Inayos ko sa aking katawan ang kumot ko at pumikit na. So far, naging maganda naman ang araw ko.

Hopefully, ganun parin sa mga susunod na mga araw.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα