Kabanata 28

20.3K 905 420
                                    

Three

Mataman kong tinititigan si Denise habang papalapit sa table kung saan ako nakapwesto ngayon. Pagkatapos naming mag usap ni Edward kani-kanila lang ay agad kong tinext si Denise na magkita kami.

I may look calm on the outside but I'm raging with anger on the inside. Edward told me who was the culprit at para akong binuhusan ng tubig sa mga nalaman ko.

Biglang nanumbalik ang lahat ng mga masasamang salitang binitawan ko kay Peyton. All along ay nagsasabi sya ng totoo at hindi ko man lang sya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag at pagkatiwalaan. I hated myself for judging her knowing she didn't do anything. Nawalan ako ng tiwala. Hindi ko sya pinaniwalaan.

And now here I am. Kailangan kong mapaamin si Denise sa ginawa nya. Gusto kong malaman mismo galing sa kanya kung bakit nya nagawa yun.

"Hi miss Three. Kumusta na po kayo?" malawak ang ngiti nitong bungad sa akin matapos nyang umupo sa harap ko.

I faked a smile. "Still trying to forget everything."

Nalungkot ang mukha nito na alam kong pakitang tao lamang. "I will not forgive Flare for doing this to you, Miss. I hate her for hurting you." she held my hands and looked straight into my eyes.

"I am always here for you, babe."

Damn you!

Pinigilan ko ang sarili kong balibagin ang mga kamay nyang nakahawak sa akin sa galit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko pinansin ang huli nyang sinabi. How dare she!

"Are you really sure....Peyton did it?" I tested the water.

"Of course, Miss. Bukod sa alam kong sya yung nasa video beacuse it was so obvious based on her body, sya lang din naman ang sinama mo nung Friday night sa bahay mo diba? Sya lang ang kasama mo nung gabing yun." confident na sabi nito.

Gotcha!

I let my forehead creased. "How do you know na kasama ko sya pag uwi noong gabing yun? Bakit alam mong magkasama kami, Denise?"

Bigla itong namutla.

"I-i...k-kasi...M-miss Three, did you forget? S-sinabi mo sa akin noong n-nagpunta a-ako sa office mo, right? You told me na ininvite mo sya to talk. D-diba?"

"Really? Because I don't remember telling anyone about that night, Denise."

Naniningkit ang mga matang tinitigan ko sya.

"Y-you told me, Ma'am. Maybe you just forgot?" alanganing sagot nito.

"Talaga? O baka alam mo dahil narinig mo kaming nag-usap sa beach nung huling gabi ng tour?" mahigpit kong hinawakan ang pulso nito.

Nanlaki ang mga mata nya sa mga sinabi ko.

Edward told me that Ashley, Denise' bestfriend which happened to be Ed's cousin confessed that Denise eavesdropped noong nag-usap kami ni Peyton sa beach. Narinig nito lahat ang mga pinag-usapan namin at nakita din nitong naghalikan kami. Yun yung oras na may narinig akong kalabog sa likod ng malaking bato. Sya pala ang nasa likod nun.

Nagulat na lang daw si Ashley na galit na galit na bumalik ng room si Denise at pinagbabato ang mga gamit nito.

"I-i don't know what you are talking a-about, Miss Three."

Hinila ko ang kamay nya papalapit sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya na dahilan ng paninigas nito.

"You set her up, am I right Denise?" galit na bulong ko sa kanya. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan nya.

"Ikaw ang pumasok sa bahay ko nang walang pahintulot at naglagay ng video recorder sa kwarto ko! And you texted Peyton to put a phone on my table para magmukhang sya ang naglagay ng camera doon!" nanggigigil na saad ko dito.

"Alam ko ding sinadya mo syang lunurin noon, Denise. Don't you dare deny it! Huli ka na! And I might fucking sue you because of it!"

Sinusubukan nyang kuhanin ang kamay nyang hawak ko kaya pabalya kong binitawan ito.

Nang makalayo sya ng konti sa akin ay napansin kong nagbago ang ekpresyon ng mukha nito at biglang naging agresibo.

"Yes, Miss Zabuel! I did fucking set her up and tried to drown her! Dahil panira sya sa mga plano ko!" nanlilisik ang mga mata nitong sigaw sa akin. Walang pakialam na pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Nagulat ako sa biglang pagbabago ng anyo nya mula sa takot na Denise hanggang sa naging nakakatakot na Denise.

"She fucking ruined all my plans! And you! You are so fucking unfair Miss Zabuel! Una akong naging parte ng buhay mo! Una kitang minahal! Lahat ginawa ko para mapansin mo! Pero ano?! Nang dumating ang putanginang Peyton na yan, sya na lang palagi ang bukambibig mo! Sya na lang palagi ang nakikita ng mga mata mo!! Sya na lang palagi ang napapansin mo!"

"At ako??! Ano? Inichapuwera mo! Hindi pa ba sapat sayo na iniwan ko si Leyla dahil ikaw ang pinili ko?? Hindi pa ba sapat yun para maramdaman mong mahal kita?? Higit isang taon na akong naging parang aso na sunod nang sunod sayo para lang mahalin mo ako!"

Para na syang baliw na nagsisisigaw. Nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin at labas ang litid ng leeg. She's not the Denise I knew before.

"Kaya ko ginawa yun! Dahil inagaw ka nya sa akin! Kung hindi sana sya dumating, edi sana naging akin ka na! Akin ka lang dapat, Miss Zabuel! Kung hindi ka mapupunta sa akin, pwes hindi ka rin mapupunta sa iba-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang sinampal ko ito ng malakas. Parang wala na ito sa sarili habang nakatingin sa akin.

"That's for betraying me!" naniningkit ang mga matang usal ko.

At malakas na sinampal ko sya ulit ng isang beses.

"And that's for hurting Peyton!" para akong hiningal sa galit na nararamdaman ko.

"Makakaasa kang makakarating ito sa school board. You're evil and crazy, Denise!"

I calmed myself.

"Kahit kailan hindi ako naging sayo. Kahit kailan ay hindi kita minahal. Una pa lang, sinabi ko nang itigil mo ang kabaliwan mo. Una pa lang sinabi ko nang hindi kita mamahalin. Pero ikaw ang pilit nang pilit ng sarili mo sa akin. Get lost, Denise! At wag ka nang magpapakita sa akin ulit!" mahina ngunit may diin kong sabi sa kanya.

Matapos kong sabihin yun ay naglakad na ako palabas ng lugar na iyon.

At dahil napaamin ko na sya, kailangan ko nang mahanap si Peyton. I need to see her. I need to talk to her at humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko. Gosh I'm screwed!

Marami akong nagawang pagkakamali at sana mapatawad nya pa ako.

Naramdaman kong nanunubig ang mga mata ko nang maalala ang mga nangyari. Peyton doesn't deserve it. Nagkulang ako sa kanya. Hinayaan kong umiral ang galit ko sa kanya at hinayaan syang masaktan.

Kung pwede lang. Kung pwede lang na mabawi lahat ng mga sakit na naibigay ko sa kanya, gagawin ko. I am an idiot for not trusting her.

I hope she will forgive me.

At sisiguraduhin kong matatanggap ni Denise ang parusa na para sa kanya.

Pinahid ko ang mga luhang babagsak nya sa mga pisngi ko. Gosh! I fucked up big time.

Muli kong naalala ang mga sinabi ni Mandy sa akin. "She is facing a big problem right now, Miss Zabuel."

Humigpit ang hawak ko sa manibela at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasaktan.

Peyton, where are you? What happened? I hope you're doing fine. Please, wait for me. Sana hindi pa huli ang lahat. I'm gonna get you, baby.

Naputol ako sa pag iisip nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

~Edward calling~

"Ed?"

"I found her!"

-Please watch out for the subplot of Chasing Flare, Amanda Georgina Muriedo's story. Will update soon.

Good afternoon :)

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now