Kabanata 50

24.2K 850 1K
                                    

Flare

Isang linggo na simula noong naging kami ni Chastity at sa loob ng isang linggong yun masaya naman ang lahat. Nang maging kami ay hindi ko inaasahang sobrang clingy nito at gusto na palaging nasa tabi ako.

Hindi rin ito pumayag na bumalik ako sa bahay noong gabing nag dinner kami at gusto nyang sa kanya muna ako maglagi kaya isang linggo na din akong sa kanya umuuwi.

Palagi nya akong hatid-sundo at kung minsan ay sa labas na din kami kumakain bago umuwi. Iba din kasi ang kinakain namin kapag nasa loob ng bahay. Madalas, si Chastity ang palaging busog. Charot.

It's Saturday morning at naglalakad na ako ngayon papuntang field para sa weekend training namin. Isang buwan na lang at magsisimula na ang paligsahan ng mga bata. Una kong nakita si Louise na biglang nagbawi ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Simula noong nahuli nya kaming naghahalikan ng tita nya ay umiwas na ito sa akin. Isang linggo na din itong hindi ako kinakausap at kapag tinatawag ko ito sa klase ay parang bumalik ito sa pagiging maldita nito. Para kaming bumalik sa unang araw ng klase na kinakamuhian nito.

Sumigaw si Ryleigh sa mga teammates nito na magkumpulan muna sa harap ko at agad namang tumalima ang lahat.

"You need to double your effort later sa training nyo dahil bukas, you will be having a tune-up game against DN University. So I hope you will give your hundred percent and win the game, okay?" I encourage them na seryosohin ang laro dahil para din naman ito sa ikakaimprove nila.

I gave them my signal to start warming up at ako naman ay naghubad na ng t-shirt na pinatong ko. Naglalakad na ako palapit kay Louise dahil gusto kong sya ang makapares ko sa warm-up namin at the same to talk to her dahil nagsusungit na naman ito. Nang mapansin nitong naglalakad ako palapit dito ay agad nitong hinila si Kit na kapartner naman ni Bea.

"Hey!" usal ni Kit na muntik nang masubsob dahil basta na lang itong hinila ni Louise.

"Advincula--"

"Miss President!" napalingon kami nang sumigaw si Ryleigh mula sa likod namin. Kunot-noo ako nang makita itong naka softball attire at may hawak-hawak na isang catcher's glove. Nang magtama ang mga mata namin ay agad itong napangisi nang makita nitong napakagat ako ng labi at nahuli akong binistahan ang katawan nito.

Well, sino ba naman kasi ang hindi madidistract kung hapit na hapit dito ang suot nitong cycling pants. Bagay na bagay din dito ang suot nitong softball jersey na mas lalo lang nagpapa emphasize ng kasexy-han nito. Dagdag pang naka baseball cap ito at may mga hibla ng buhok na nakatakas sa pagkakapusod nito na nakakadagdag lang ng ganda at appeal nito. Gosh! Ang ganda talaga ng mahal ko! Nakakabaliw!

Nakalapit na ito sa akin at ngumiti ulit ng matamis at kinindatan ako. Oh gosh! My heart, stop it! Sobrang lakas na naman kasi ng tibok ng puso ko dahil sa magandang babaeng nasa harapan ko ngayon.

Hindi ko rin mapigilang mamula nang marinig ko ang ibang mga bata na napasinghap at pasikreto pang nagtitilian. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng iba na may namamagitan sa amin. Wala kaming sinasabi pero kasi minsan si Chastity hindi mapigilan ang sarili na minsan hawakan ako sa kamay o halikan sa pisngi kahit na may mga tao sa paligid. Sabi nito wala din naman itong pakialam sa iisipin at sasabihin ng iba. Mamatay daw sila sa inggit. Hahahahaha

Isa pa, wala naman silang magagawa dahil Presidente ito ng University at wala din namang pwedeng ireklamo dahil hindi naman na ako estudyante pa nito.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman kong humalik ito sa pisngi ko.

"You're spacing out. Sino na naman ba yang iniisip mo? Babae ba yan?!" masungit na tanong nito na ikinatawa ko ng mahina.

"Ikaw. Sabi ko naman sayo ikaw lang ang babae ko." napahagikgik ako nang umirap ito pero halata namang kinikilig.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now