Kabanata 12

22.4K 1K 737
                                    

Flare

Alas otso nagbubukas ang clinic sa school kaya 6:30 pa lang ng umaga ay gising na ako. Nagdadalawang isip man akong gamitin ang scooter pero baka kakailanganin nga talaga ito mamaya gaya nga ng sabi ni Miss Ven.

Pagpasok ko ng University ay nag-sisitinginan ang mga estudyanteng may mga Saturday classes sa akin. Sabi naman ni Miss Ven hindi bawal ang scooter sa loob kaya dinala ko ito papuntang clinic. Nilagay ko na lang ito sa gilid ng clinic at nilagyan ng lock bago pumunta sa harap at kumatok muna bago pumasok.

Pagpasok ko ay nakita kong nasa couch si Miss Ven at nagkakape.

"Good morning, Miss Ven." nakangiti kong bati.

"Hi Flare. Ang aga mo ah. Dala mo ba ang scooter?" ngiti nito sa akin.

"Opo, miss. Nasa labas po." lumawak ang ngiti nito sa akin.

"Coffee?" alok nya. Umiling ako dahil hindi naman ako nagkakape.

"Ayos lang po. Thank you." nilibot ko ang tingin sa loob ng clinic. Mukhang maayos naman ang mga gamit at mga bedsheet sa kama. Ano kaya ang pwedeng gawin?

"Uhm, Miss Ven, may ipapagawa po ba kayo?"

Napatingin ito sa akin at umiling. "Later Flare. Masyado pang maaga. Why not mag relax ka muna jan." ngumiti ito. "Mamaya may pupuntahan ka."

Napatango na lang ako at umupo sa isang kama. Naiilang ako kasi simula kanina pagdating ay pasulyap sulyap na sa akin si Miss Ven.

"Flare." napalingon ako dito na naglalakad papalapit sa akin.

"Po?"

"You're from Alegria, right?" tumango ako. Nagtataka bakit ang random yata ng tanong nya.

"Do you still remember what happened three years ago?"

Three years ago? Siguro? Kasi siguro iyon ang panahon na ayaw nang balikan nang isipan ko. Panahong ayoko nang balikan pa sana. Pero ngayon, para bang isang baha na bigla na lang rumagasa sa isipan ko ang mga pangyayari noong panahong iyon.

Sa mga naisip, biglang nagsibalikan ang mga ala-ala na matagal ko nang kinalimutan. Dahil iyon ang panahon kung saan sinubok kami ni nanay at nagpahirap pa lalo sa amin.

Nasunugan kami noong panahon na iyon dahil sa may nagtangkang pumasok sa bahay namin at gawan ako ng masama. Dahil doon, tinangka akong tulungan ni nanay kaya aksidenteng natabig nito ang kandila na nakapatong sa mesa. Since kahoy lang naman ang bahay namin, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon nang buong-buo ang bahay at wala man lang kaming naisalba ni isang gamit.

After that night, wala na akong maalala pa. The doctor said that I was traumatized. Pero sabi ni nanay, mayroong isang babae ang tumulong sa amin. Sinabi nitong siya ang nagdala sa amin sa ospital, ito din ang naghanap ng pansamantalang tutuluyan namin at tumulong sa mga kakailanganin namin sa bahay. Mga damit, pagkain, at ang tumulong sa akin para hindi ako mahinto sa pag-aaral.

Kapag pumupunta naman daw ito sa bahay para bumisita ay wala ako at nasa paaralan kaya hindi ko ito naaabutan. Hanggang sa hindi na ito muli pang nagpakita at ang sabi ni nanay ay baka daw busy na ito sa kanyang trabaho.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko si Miss Ven na tumikhim.

"Ah, medyo po?" nag aalangan kong sagot dito nang muli ko itong tingnan.

"Medyo?"

"Masyado na po kasing matagal kaya iilan na lang po ang mga naaalala ko." palusot ko kahit hindi naman talaga iyon ang rason ko.

Tumango ito. Pansin kong parang may gusto itong sabihin.

"Bakit nyo po natanong?"

"Wala ka bang naaalalang nakausap man lang kahit saglit noong panahon na iyon?"

Kunot-noo akong napatitig dito. "Anong ibig niyong sabihin, Miss Ven?"

"You don't remember me, do you?" she asked softly. Hindi ko mabasa kung sakit o pangungulila ang emosyon na nakikita ko sa mga mata nito ngayon.

Kinakabahan ako. Bakit parang kilala niya ako? Sabi niya nga kilala niya ako. Pero paano? Hindi ko matandaan. Gayong ngayon ko lang ito nakita nang lumipat ako dito.

"Three years ago, wala kang naaalala na palaging pumupunta sa bahay ninyo?" paninigurado nito.

Umiling ako. "A-ano po ang ibig nyong sabihin, Miss Ven?"

Napabuntong-hininga ito. "Three years ago, I met this pretty lady, Flare." habang nagsasalita sya ay nakatitig ito ng matiim sa akin. Hindi ako sumagot at hinintay ang mga susunod nyang sasabihin.

"I was on my way home when I found this lady in the middle of the night, crying and looking for help. She was carrying her mother in her arms, unconscious. And this young gal, she was in pain while crying and calling her mother's name."

After she said that, it brings back tons of memories from the past.

"I've decided to stop and asked her but she didn't respond. Kaya napagdesisyunan kong tulungan siyang ipasok sila ng nanay niya sa kotse ko at dalhin sa ospital. I know she was traumatized for the reason I didn't know. Nalaman ko na lang nang magkamalay ang nanay niya at kinwento sa akin ang lahat."

"Flare, I tried to talk to you that time. Pero wala kang reaksyon. You were just staring at me...no emotions in your eyes. Akala ko...akala ko naaalala mo ako. I tried to tell you na mawawala ako ng ilang months because of my work, pero noong bumalik ako, wala na kayo ni nanay sa lugar kung saan iniwan ko kayo." nahihirapan akong huminga sa mga rebelasyon nya. May mga alaalang pumapasok sa isip ko. Ala-alang hindi ko sinasadyang makalimutan.

" I don't have any idea where did you go. I asked everyone around but no one knows. I tried to find you..." she sat beside me and held my hand.

"I was devastated that time. I didn't know where to find you. You just vanished without saying goodbye, Flare." malungkot ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"I don't know kung ano ang ginawa mo sa akin, pero sa ilang araw at buwan na nagdaan, paulit-ulit ka lang na pumapasok sa isip ko. Sa tatlong taon na nagdaan, hindi ka nawala sa isipan ko. Na-mimiss kita...hinahanap-hanap kita. And now that I found you, you don't remember me anymore." she cupped my face.

"Where did you go, Flare? I have waited for three years." hinaplos nya ang pisngi ko.

"Ngayong nakita na kita ulit, sigurado na ako sa mga tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isip ko. Kung bakit palagi na lang kitang naiisip, kung bakit simula noong makita kita, gusto ko na palagi kang nakakasama. Hindi ka na nawala sa sistema ko. Flare I... I think I'm inlove with you." matapos sabihin iyon ay mabilis itong umiling.

"No...sigurado ako, mahal na kita simula pa noon. I love you, Flare Peyton." mahinang usal nito na hindi inaalis ang tingin sa mukha ko.

Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nahihirapan akong iproseso ang mga narinig ko.

"Alam kong nabigla ka sa mga nalaman mo." hinawakan nya ulit ako sa pisngi. "Even me, nabigla noong makita ka dito mismo sa clinic ko...and I don't want to waste another chance to tell you this..." malalim itong napabuntong hininga.

"Let me court you, Flare." she said without hesitation.

"Miss Ven-"

"Am I interrupting something?" napalingon kami sa biglang nagsalita.

Binitawan ni Miss Ven ang pisngi ko at tumayo. Inayos nya ang kanyang damit at sinulyapan muna ako. "Let's talk later, please?" pagsusumamo nito.

Tumango ako at umiwas ng tingin. Iniiwasan ko ding mapatingin kay Miss Zabuel dahil ramdam ko ang mga titig nyang nanunusok.

"Miss Three. How may I help you?" naputol ang titig ni Miss Zabuel sa akin at napasulyap kay Miss Ven. "Can we talk?"

"Yeah sure." naglakad ito sa table nya at sumunod naman si Miss Zabuel. Hindi ko na narinig ang pinaguusapan nila dahil pumasok muna ako sa cr.

Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako sa lababo. Hinawakan ko ang dibdib ko na mabilis ngayon ang pagtibok. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Parang ang hirap isipin na si Miss Ven na nakilala ko bilang nurse dito sa isang sikat na unibersidad ay ang taong tumulong sa amin noon three years ago.

Ang liit ng mundo para muli kaming magkita ng taong tumulong sa amin noong panahon na walang-wala kami.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now