Kabanata 51

21.5K 810 919
                                    

Flare

Ang preskong simoy ng hangin, malawak na karagatan at tunog ng mga alon ang kasa-kasama ko ngayon habang nakatanaw sa kawalan.

Kung iisipin, kay gandang pagmasdan ang mala paraisong Balut Island dito sa Sarangani Province pero para sa akin, isa ito sa mga lugar na kay hirap nang kalimutan dahil sa masasakit na pangyayari at ala-ala sa aking buhay.

It's been eight months. Eight fucking months at hanggang ngayon, hindi ko alam kung buhay pa ba ang pinakamamahal kong si Chastity. Walong buwan na gabi-gabing umiiyak at nagdadasal na sana ay buhay ito.

Walong buwan na din akong pabalik-balik sa islang ito at nagbabakasakaling makita ko ito. Pero ni dulo ng buhok nito, wala akong makita.

Sa araw-araw na mga nagdaan, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asang mahahanap pa ito o kahit ang katawan man lang nito. Nang marecover kasi ang sasakyan ko sa ilalim ng dagat, walang kahit anong bakas ni Chastity ang nakita dito. Tanging ang pambisig na relo lamang nito ang kaisa-isahang nakita mula sa loob. Sabi ng ilan ay baka daw nakain na ito ng mga pating dahil sa malalim na parte ito bumagsak. They also tried to search her body on the nearby islands, at wala parin silang nahanap. They already pronounced her dead pero ayaw itong tanggapin ng puso ko. Ramdam ko, alam kong buhay pa ang mahal ko. Buhay pa si Chastity at magkikita pa kaming muli.

Every weekend ay bumabyahe ako mula Davao patungo dito para lang masilayan ang lugar na ito. Sa kaibuturan ng aking puso, naghahangad parin ako na baka isang araw, magkasalubong kami. Na makita ko itong buhay at nasa maayos na kalagayan.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at natuon ang paningin ko sa manong na sumisigaw. He looks like he's inviting every tourists to get on his boat para maglibot sa mga kalapit isla ng Balut Island.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at humakbang palapit dito but before I could step forward, someone grabbed my arm.

"Where are you going? It's getting late, Ma'am. We need to go home."

"I'm just gonna take a look, Lu." sumulyap ako dito at kunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.

Louise Shan. Simula nang ibalita ang pagkaka-aksidente ni Chastity at pagkakawala nito ay hindi umalis sa tabi ko ang pamangkin nito. I tried to push everyone away. Nagkulong ako sa kwarto, umiinom gabi-gabi but this bratty didn't miss to accompany and comfort me. Sya ang nasa tabi ko nang mag break down ako at umalalay sa akin nang hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin. Kahit anong tulak ko dito palayo ay matigas ang ulo nito. She didn't listen....hanggang napagod akong sawayin ito at hinayaan na lang.

I felt her hands slipped my arms and I started to walk towards manong. Ramdam ko din ang pagsunod ni Louise sa likod ko at ang mga titig nito.

"Madam, Isla Hermosa po? Isang libo lang po papunta dun, Madam." alok nito.

"Saan po ba yan manong?" I curiously asked dahil ngayon ko lang narinig ang islang iyon. Napuntahan ko na yata ang mga nakapalibot na mga isla dito pero ang Isla Hermosa ay ngayon ko lang narinig.

May tinuro ito sa malayo at sinundan ko iyon, kung titingnan ay para lang itong tuldok na itim sa karagatan.

"Ayun, madam. Yun yung pinakamalayo at pinakamaliit na isla dito sa Sarangani pero maganda po doon. Kumpleto na ang mga tinda dun at may mga matutulugan ka pa kung gusto mong mag stay dun. Hindi rin po masyadong crowded dun madam pero sigurado masarap maligo doon. Hindi man kalakihan pero magaganda ang mga istraktura doon." mahabang ekplinasyon nito sa akin.

Humakbang ako papunta sa bangka nito nang pigilan ulit ako ni Louise.

"Ma'am, uuwi pa tayo ng Davao. It's already noon. Gagabihin tayo kapag hindi pa tayo umuwi ngayon."

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now