Special Chapter 1 - Gravy

24.4K 836 595
                                    

"Babyyyyyyy!!!!"

Napalingon ako mula sa pagbabasa ng libro nang marinig ang matinis na pagsigaw ng babaeng sobrang na-miss ko. Malawak ang aking ngiti at mabilis na tumakbo upang salubungin ito ng mahigpit na yakap.

"Mandy! God, I missed you so much!!" naiiyak akong yumakap ng mahigpit dito at ganun din ito sa akin. Simula kasi nang umalis ako ng Dahilayan, Bukidnon at lumipat ng Davao City ay iyon na din ang huling pagkikita namin although nag-uusap naman kami minsan through call and text. Ilang taon din kaming hindi nagkita dahil na din sa pareho kaming naging busy sa mga career namin.

"Gosh, babe! Mas lalo kang gumanda!" bulalas nito na halata ang paghanga sa mukha. "Anong sikreto mo at bakit ang blooming mo?" kindat nito sa akin na ikinatawa ko.

"Alagang Tres kasi yan, Mandy." sabay kaming napalingon nang may nagsalita mula sa likod ko.

"Ven!"

"Miss Ven!"

Sabay naming bigkas ni Mandy nang makitang papalapit ang nakangiting si Ven sa amin. As always, she looked beautiful in her white floral dress.

Lumapit ako dito at sinalubong din ito ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi. Gayon din si Mandy na sinipat-sipat pa ang kabuuan nito. Napailing ako habang natawa naman si Ven dahil wala parin talagang pinagbago ang bestfriend ko, makulit parin.

"Miss Ven, habang tumatagal yata mas bumabata ka ah. May sikreto din po ba kayo?" usisa nito na nakapagpatikhim sa akin. Pigil ang ngisi ko nang mapansing namumula na ito at napaiwas ng tingin sa akin.

Alam kong nahihiya ito sa akin dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Habang mahimbing kasi ang tulog ko ay bigla na lang nagring ang phone ko at tumatawag ito. Dahil akala ko ay importante ang sadya nito kaya mabilis kong sinagot iyon. Pero lumaki lang ang mga mata ko nang makarinig ng mga ungol sa kabilang linya at wala namang sumasagot sa akin. Feel ko nga aksidente lang nito na na-dial ang number ko. Mabilis ko din naman na pinatay ang phone at nag message na lang dito kaya kahit hindi nito sabihin ay pareho kami ng iniisip ngayon.

"Engaged na si Ven, Mandy." malawak ang ngiti kong hayag dito.

"What?! Oh God! Congratulations po, Miss Ven. Wow!" gulat na bulalas nito at napakapit sa braso ko.

"How about you, Mandy? How's your lovelife?" tanong ni Ven dito.

"Actually---"

"Hello, everyone!!" naputol ang sasabihin ni Mandy nang maagaw na naman ang atensyon namin nang dumating sina Miss Leyla, Kate, Adi, Arkiela, at Jady. Nakangiti ang mga ito na lumapit sa amin at habang naglalakad ang mga ito palapit ay napansin kong parehong nawala ang ngiti nina Miss Leyla at Mandy nang magkatinginan ang mga ito. Agad din naman na nag-iwasan ang mga ito at masayang niyakap ako ni Miss Leyla.

Biglang umingay ang paligid dahil parami na kami nang parami dito sa garden sa likod bahay namin ni Chastity. We invited everyone, as in lahat ng mga malalapit naming mga kaibigan because today, we celebrate our first year wedding anniversary. Opo, kasal na kami. And being married to the love of my life was the best thing that ever happened to me. Three Chastity is the best thing that ever happened to me.

Napag isipan naming icelebrate ito with our closed friends lamang dahil limang taon na din noong nagkasama kaming lahat. It was my wish na agad namang pinagbigyan ni Chastity. She even paid for everyone's expenses mapa plane ticket, hotel accommodation and all basta dumating lang ang mga ito. Masyado akong na spoiled ng misis ko, kung alam nyo lang.

"What are you doing here?!" muli na namang naagaw ang pansin naming lahat nang marinig ang iritadong boses ni Louise mula sa likod namin. Magkasalubong ang kilay nitong nakatitig kay Emme na ngayon ay hindi na rin maipinta ang mukha. Magkasabay ang mga itong dumating kung kaya sa bungad pa lang ay mukhang sira na ang mga araw ng mga ito pagkakita sa isa't-isa.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα