Kabanata 4

27.9K 1.1K 667
                                    

Flare

Isang linggo na akong pumapasok sa bago kong unibersidad at ngayon yung araw ng duty namin as student teachers. Wala naman masyadong nangyari. Tuwing klase kay Miss Zabuel ay patago lang din akong pinagmamasdan sya. Umiiwas lang din ako kapag nakikita kong papunta na sa akin ang tingin nya.

Lunes ngayon at sabay kami ni Mandy na naglalakad papuntang Elementary Department.

"Kinakabahan ako, Flare." kumapit si Mandy sa braso ko nang sinabi iyon.

"Bakit naman?"

"Kasi makikita ko na talaga at makakasama ng matagal si Miss Leyla." ngisi nya sa akin.

Sa klase kasi ni Miss Ventura sya naka assign at kay Miss Zabuel naman ako.

"Yung isa pang teacher?"

"Oo. Crush ko na talaga sya matagal na. Ang ganda ganda nya tapos ang sexy pa! Ugh!" natawa ako dahil para syang botete na kinikilig.

"Ngayon ko pa lang din makikita si Miss Ventura eh."

"Don't worry, baby. Ipapakilala kita sa future wife ko." ngiting ngiti nyang sabi.

"Eh baka naman matanda na yan si Miss Ventura ha?" tinitigan ko sya ng mariin.

"Hindi no! Sa pagkakaalam ko hindi sila nagkakalayo ng edad ni Miss Chastity eh. Parang 32 yata si Miss Leyla. Pero yung itsura pwede nang mapag kamalang estudyante din." bungisngis nya.

"Ang tanong, single ba?"

"Aba syempre. Ako hinihintay nun eh." pagmamayabang nya sa akin.

"Eh ang layo naman ng agwat ng edad nyo, Mands."

"Nah. Age is just a number. At saka ayaw mo nun? May girlfriend ka na, may sugar mommy ka pa." ang lakas ng halakhak nya matapos sabihin yun.

"Girlfriend agad? Eh ngayon nga lang kayo magkakasama ng matagal." Tinawanan ko sya sabay hila sa kanya. Malapit na tumunog ang bell at medyo malayo layo pa kami.

-

"Good morning, Miss Ventura." bati ni Mandy. Nakasalubong kasi namin sya sa hallway habang papasok ng preschool building.

"Good morning. Kayo ba ang mga student teachers?"

"Opo miss. I'm Amanda Muriedo po. Your future wife. Charot po." natawa si Miss Ventura sa sinabi nya kaya napakamot sa ulo si Mandy. Aba may hiya din pala ang isang to. Natawa ako sa isip.

"And she's Flare Peyton Fuenteval. Kay Miss Zabuel naman po sya naka assign." pagpapakilala nya sa akin.

"Good morning po, Miss Ventura." bati ko sa kanya.

"Just call me Miss Leyla, girls. Isang sem din tayong magkakasama sa building na to." malawak ang ngiti nya sa amin.

At tama nga si Mandy, sobrang ganda nga naman talaga ni Miss Ventura. Ang gaan ng vibe nya at nakakahawa yung mga ngiti nya. Unang tingin, masasabi mong sya yung teacher na makakasundo ng mga estudyante nya. At isa yun sa mga qualities na dapat mayroon ang mga preschool teachers. Friendly, jolly and vibrant.

Hindi ko nga alam kung bakit naging preschool teacher din si Miss Zabuel na kung pagmamasdan, sobrang cold nya kapag nasa univ eh. Hindi ngumingiti at maiintimidate ka sa aura nya.

"Anyways, pasok na kayo at may pupuntahan muna ako saglit." tumingin sya kay Mandy. "Miss Amanda, please kindly check my pupils while I'm out. Pinapacheck ko lang sya kay Miss Chas kasi."

"Sure no problem, lo-.. M-miss Leyla."

Mahina akong natawa dahil muntik nyang matawag na love si Miss Leyla.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon