Kabanata 31

22.3K 856 688
                                    

Flare

"Zarah....her ex-fiancee."

Napatikom ako ng bibig nang sabihin iyon ni Charity. Pakiramdam ko ay para akong pinalibutan ng pag-alala.

Wala namang namamagitan sa amin ni Miss Zabuel lalong hindi ko alam kung ano ang mayroon kami. Dahil na din sa mga nakalipas na mga araw na mga pangyayari ay hindi naman ako pwedeng umasa na may ikakadevelop ang relasyon namin bukod sa propesor ko sya at estudyante nya ako dahil baka masaktan lang ako, pero hindi ko mapigilang mag-alala. Mag-alala para sa ano?

Alam ko naman sa sarili kong gusto ko na sya, o baka nga mahal ko na sya. Pero hindi ko alam kung may nararamdaman din ba sya sa akin. Ano nga ba ang ibig sabihin nang mga paghalik at pang-aakit nya sa akin? O may kahulugan nga ba iyon para sa kanya? Ayoko naman na umasang pareho kami ng nararamdaman dahil baka sa huli ay masaktan na naman ako.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang hinawakan ako ni Ari sa magkabilang balikat at tinitigan sa mga mata.

"That's why I'm telling you to guard your heart. They were college sweethearts, Pey....from friends to lovers. Zarah was her first love. They were together for nine years.....and were engaged."

Hindi ako makapagsalita dahil parang nawalan ako ng mga sasabihin. Hindi ko inaasahan na ganoon sila katagal.

Ari looked at me with concern in her eyes and sigh.

"The last time I knew, my sister's still not over her yet."

Para akong dinaganan ng nagbibigatang mga bato dahilan para manlumo ako. "P-pwede ko bang malaman kung bakit sila n-naghiwalay?" I stuttered.

Napasulyap si Ari sa kisame at parang inaalala ang mga nangyari.

"They were friends in college and my sister fell in love with her when she was 19. Their relationship lasted for 9 years and they already planned to get married....but things happened."

Tumitig ito sa akin.

"Zarah disappeared. Hindi sya nagpaalam na aalis. No communication, she's nowhere to be found. Chastity was devastated that time to the point na napabayaan nya ang sarili nya. Even my parents were affected about what happened. Months after, nalaman naming kaya umalis si Zarah nang walang paalam dahil nalaman nitong may sakit sya. Breast cancer. Ayaw nyang mag-alala ang kapatid ko kaya umalis ito at hindi ipinaalam ang kalagayan nito at nagpagaling sa ibang bansa dahil mas advanced ang technology doon. Pero nalaman ni Chas yun."

Naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa mga kamay ko habang ako naman ay pigil ang hininga habang nakikinig sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko ngayon. Nanghihina ako sa mga impormasyong nalalaman ko.

"Nung nalaman ng kapatid ko ang kalagayan nya, hinanap nya ito. Kung kani-kanino sya nagtanong malaman lang kung nasaan si Zarah.....until she found her. Pero pinagtabuyan lang sya nito, hindi na din muna sya pinalapit ng parents ni Zarah at nakiusap na umuwi na ng Pilipinas dahil mas nahihiraoan lang ang huli, kaya walang nagawa ang kapatid ko."

Hinaplos haplos nya ang mga daliri ko at bumuntong hininga.

"Apat na taon din ang lumipas bago sya nagturo ulit, Pey, at sa school nyo nga yun. Apat na taon syang nagdusa sa pagkawala ni Zarah. But when she was back teaching kids, she's not that jolly and bubbly person anymore na kailangan ng mga bata sa pagtuturo. She became distant and serious. Her actions in front of her pupils are all just pretences."

Napailing-iling ito habang sinasabi ang mga iyon.

"Wala na syang ibang taong hinayaang makapasok sa buhay nya pagkatapos ni Zarah. And now I have seen with my own eyes how she treats you, Pey. I don't know what's going on between you two....but I've waited for that moment to come. Na dumating yung araw na bumalik sya sa dati."

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now