Ito 'yong sinasabi niya kanina na tatakutin nila ako gamit siya. Ang galing mo, Velasquez. Alam na alam mong may ganitong mangyayari. Expert, wews.

"Yes, kill him now," utos ko at napatingin sa akin si Phoenix.

"Are you sure?" Nag-kasa ng baril 'yong lalaking singkit at tinutok sa mismo likod ng ulo niya.

Natatakot ako! Baka ituloy niya! Kawawa naman ang dalawang kapatid niya at 'yong parents niya kung sakali. At hindi malabong sa akin ang sisi.

Tumango ako. "Yeah. Sagot ko na ang kape at tinapay."

Kumunot ang noo ni Phoenix.

"Pati burol—teka ano bang gusto mo? Marinated este cremated o iyong ibuburol?" Tumingin ako kay Phoenix. "Haha. Joke lang," bawi ko nang masama niya akong tiningnan. "Biro lang! Galit ka na niyan? Biro lang talaga, promise!" Tumawa ako.

Ang talim ng tingin niya sa akin.

"Let's get her so we can go back to London early and do the signing," bulong ng isa.

Ano bang signing ang sinasabi nito? Wait, London?

"Naka-shabu yata ang lalaking 'to. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya, amputa. Partida ang English na 'yon, ah?"

"I can't understand her words."

"Well maybe these words you will understand. Go to fucking hell, fuckers," sigaw ko.

Nagalit naman ang sinabihan ko kaya agad niyang ginawa ang binulong ng isa.

"Get her," utos ng lalaki kaya agad kong sinipa ang lalaking may hawak sa akin at mabilis na kinuha ang baril ko sa likod. Agad kong kinasa ang baril.

Binaril ko siya mismo sa bandang puso niya. Agad siyang natumba kaya mabilis na naalarma ang mga kasama niya. Magkakasa pa lang ng baril ang isa, tumba na siya.

Sunod kong binaril ay 'yong may hawak kay Phoenix kaya agad siyang nakawala. Kinuha ko ang isang baril sa likod ko at hinagis sa kaniya na agad niya namang nasalo. Ginilid ko ang kanang balikat ko at ganon rin ang ginawa niya dahil may tao sa likod namin at balak kaming barilin.

Sunod-sunod niyang binaril ang lalaking humawak sa akin kanina.

Tinutok niya naman ang baril sa singkit na lalaki at agad na pinutok. Umikot ako habang nakatutok ang baril ko sa kanilang lahat. Nag-lapat ang likod naming dalawa ni Phoenix habang masama ang tingin sa mga taong nasa harapan namin.

Dumadanak na ang mga dugo nila sa kalye. Marami pa rin sila at sa tingin ko, hindi malabong tapusin nila kaming dalawa.

"Mr. Aris will be mad at us if we didn't get her or kill her," sambit ng lalaki at tinutok ang baril mismo sa ulo ko.

Tangina, sino naman 'yon?

"Oh, talaga? Share mo lang?" Tanong ko kahit hindi niya maintindihan. "Walang may paki sa sinasabi niyong Aris, mga tanga."

"Fuck it, Miranda. You really aren't scared, huh?"

"Ikaw kaya nag-sabi sa akin huwag akong matakot," sagot ko. "Gutom na ako," sabi ko nang kumalam ang sikmura ko. Hindi pa ako nagla-lunch dahil naudlot at dahil 'yon sa kanila.

"Damn you, Miranda. Stop thinking about food or eating. Think about our enemies now."

Hindi ako nakasagot dahil biglang sumugod 'yong isa. Sinipa ko papunta sa ere ang baril niya kaya lumipad papunta sa damuhan. Nagkahiwalay kaming dalawa ni Phoenix dahil hinarap niya ang apat na armadong lalaki.

Napalunok ako nang makita ang lima! Oo, lima! Ang duga! Sa kaniya apat?! Tapos sa akin lima?! Ang duga naman.

Kahit anong protekta na lang sa sarili ko ang ginagawa ko. Panay ang hawak nila sa akin at buti na lang nakuha ko ang isang baril nila at isa-isa silang binaril. Mga mulat ang mga mata nila nang bumagsak.

The Girl in Worst Section (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora