Chapter-18(Wife To-be)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aasahan ko ang tulong mo iha." Dugtong pa niya at saka tumayo.Ako rin ay napatayo at inihatid siya sa pintuan.

"Don't worry iha.Mapipilit ko iyon na pakasalan ka.Ako ang bahala." Sabi pa niya at tumalikod na. Ni hindi nga ako nakapag-paalam.

Nakatulala lang ako habang tinatanaw ko pa ang ama ng lalaking mahal ko.Ah di pala mahal. Kinaiinisan ko pala.

Bumalik na ulit ako sa sofa at nangalumbaba.Tapos may bigla na namang kumatok.Baka si daddy ulit ito ng taong kinaiinisan ko.

Agad ko itong binuksan. "May nakalimu —" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ang laki ng unggoy na tumambad sa akin.Nakakainis ang itsura. Ang sarap gilitan ng leeg at higit sa lahat ang sarap...

halikan sa lips.Shit lang.Magseryoso ka nga Jasmine.Puro kalandian ang nasa isip mo.

Parang tanga lang siya na nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Agad na sita ko sa kanya.

"J-jas,let's talk." Sagot niya.Halos nauutal pa.Parang bakla kung umasta ang hinayupak na ito. Ang sarap dukutin ng ngala-ngala.

"Nag-usap na kami ng daddy mo.At umu-Oo na ako sa kanya na pakasalan ka." At diniinan ko pa ang salitang oo.Sa totoo lang,di ko naman sinagot ang kagustuhan ng ama niya.Pero sabi nga eh,silence means yes.

Biglang umasim ang mukha niya.Ayaw talaga ng kumag na pakasalan ako.Ang sakit na naman.

"Pumunta si Dad dito?" Nakakunot-noong tanong niya sa akin.

"Oo.Kaya pwede ka ng lumayas.Hala layas!" Pagtataboy ko sa kanya. Galit ako sa kanya no.Itinulak ko siya papalapit sa akin este papalayo sa akin at saka pilit na isinara ang pintuan.Pero bigo ako kasi humarang pa siya.

"Sabi ko layas di ba? Ayokong makita ka!" Napataas pa ang boses ko.Pero hindi man lang siya nagimbal.Kaya hayun,tuluyan ng nakapasok ang halimaw na ubod ng gwapo!Ay mali. Ubod pala ng mga balahibo at higit sa lahat ubod ng six pack abs.Pisting konsensiya ito.

"Di ba sabi ko,lumayas ka na? Bakit pumasok ka pa?" Sinundan ko siya habang naglalakad siya papuntang sofa.Nang akmang uupo na siya ay mabilis kong hinila ang braso niya.

"Wag kang maupo diyan.Ang kapal talaga ng mukha mo." Para akong armalite na talak ng talak.

"Jasmine, buntis ka.Dahan-dahanin mo naman ang gumalaw.Baka mapano iyang baby natin." Inis na saway niya sa akin.Teka lang,parang kinilig ako dun ah.Pero siyempre, magpapahalata ba ako?

"Eh ano naman ngayon?And excuse me..." Namewang pa ako. "....anak ko lang ito. Kung maka-angkin ka diyan." Dugtong ko pa.

"Shit Jasmine! Hindi yan mabubuo kung wala ako." Namumula na siya sa inis. Mabuti nga sa kanya.

"Kung ayaw mong lumayas,pwes mag-isa ka diyan." At nagsimula na akong maglakad papuntang kwarto ko.

"Don't you dare to follow me." Banta ko sa kanya.Lumingon pa ako sa kanya. Wow!Galing mo talaga Jasmine. Inisip mo talaga na susundan ka niya? "At wala ding pagkain diyan.Wala kang dinner. Kaya umalis ka na." Pahabol ko pa bago tuluyang pumasok.Nahagip ko pa ang pailing-iling niya.Hindi rin naka-kibo ang bruho.

Humiga ako sa kama ko at pilit na tumulog.Pero itong mga mata ko ay ayaw pang pumikit.At si isip naman kasi ay na kay Kevin din. Wala naman talagang kakainin yun. Kahit nga ako,di pa nakapaghapunan.Manigas siya doon. Hmp!

Nakalipas na ang thirty minutes pero di pa rin ako makatulog.Biglang may kumatok ng pinto.

"Jasmine, buksan mo ang pinto.Kumain ka na!" Sigaw niya mula sa labas. Pero sa inis ko sa kanya ay tinakpan ko ang tainga ko ng unan.Bahala siya diyan.

Kahit na may takip ang mga tainga ko ay naririnig ko naman ang panay katok niya sa pintuan.

"Jasmine, kapag hindi ka pa lumabas diyan,bubuksan ko na talaga ito!" Sigaw niya ulit.At saka ko lang naalala na hindi ko pala nai-lock yun. Kaya no choice ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakatingin lang siya sa akin.

Nilampasan ko lang siya at pumunta ng mesa.Nagulat na lang ako na may pagkain na dito.Pizza ito. Kaya natakam tuloy ako.

"Nagpa-deliver na lang ako." Sabi niya sa likuran ko.Pero di ko siya pinansin.Kumuha ako ng isang slice ng pepperoni pizza at isinubo ito. Tapos umupo na ako.Na-upo din siya sa harapan ko.

"Wag ka ngang humarap sa akin.Naiinis ako sa pagmumukha mo eh." Sita ko kaagad sa kanya.

"At saan mo ako papa-upuin?Jasmine, stop your childish attitude. Magkaka-anak ka na." Inis na sabi niya sa akin.

"Eh de lumabas din sa bunganga mo na anak ko lang ito." Halos durugin ko na siya sa galit. Kanina sabi niya anak namin, tapos ngayon ay anak ko lang ito. Kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Ano ba Jasmine? Kanina ng sinabi kong anak natin yan, nagagalit ka.Ngayong sinabi ko na anak mo lang,nagagalit ka pa rin. Ang gulo mo." Inis siyang napakamot sa baba niya.

"Kasalanan mo kasi.Binuntis mo ako eh.Kung di sana nangyari ito, sana may pag-asa pa na maging kami ni Kent." Naibulalas ko.Ewan ko ba kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Kent.

"Kent?!" Halos magkasalubong ang kilay niya.

"Indeed.My first love.At siya rin ang taong hinihintay ko." Taas noong sagot ko sa kanya. Bigla siyang napatayo.

"Sige, tapusin mo na ang pagkain mo. Aalis na ako." Parang may lungkot ang himig niya.Di ko na rin siya pinigilan na umalis.Bakit kaya bigla na lang umiba ang mukha niya?Haisstt...hayaan na nga. Sumpungin naman talaga iyon.

------------------------------

Mag-aalas dose na pero di pa rin ako nakatulog.Sakop kasi ng Kevin na iyon ang isipan ko.Kainis talaga siya.

Nagtampo kaya siya sa akin?Nagalit kaya siya sa sinabi ko?Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?

Napabuntong-hininga na lang ako.Ah basta, mainit talaga ang ulo ko kapag nakikita ko siya.

Narinig ko na may kumakatok sa pintuan. Sino naman kaya ito? Midnight na kaya.Pero ganun pa man ay binuksan ko pa rin. At pagbukas ko ng pintuan.

"Kevin?" Bulalas ko. "Bakit bumalik ka?" Tanong ko.

"B-bakit,masama ba kung dito ako matutulog at uuwi sa...wife t-to be ko?" Sabi niya na halos di pa makapagsalita.Kinilig tuloy ako.Eeehhh.Kasi nemern Kevin eh.

"Lasing ka ba?" Tanong ko sa kanya at inamoy-amoy ko pa siya sa lips niya,down to his neck then to his nape.Confirmed nga! Confirm na minamanyak na naman ako sa taong ito. Hihi!De joke lang.Confirm na lasing ito.

Dumeretso na ito sa sofa at humilata.

"Di ako lasing Jas. Nakainum lang." Sabi niya habang nasa kisame ang paningin.

"Ay ewan ko sayo." Yan lang ang tanging nasagot ko.

Our Ridiculous Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon