STORY #74 (True Story)

Start from the beginning
                                    

"Bakit hindi? I-upload mo iyan! Baka naman sira lang ang camera mo kaya may parang nakakurting maliit na tao. Sige na! Upload mo na!" Ang sagot nalang niya kay Gwen para hindi na ito matakot pa pero maging siya man ay may hindi magandang nararamdaman tungkol sa mga litratong kuha nila.

Pagkatapos nga ng halos dalawang oras na pag-a-upload ng pictures nila ay lumabas na sina @rakhieme at Gwen. Sakto naman na nakasalubong nila ang Papa ng pangalawa.

"Magandang umaga ho, Tito!" Ang agad na bati ni @rakhieme pero nabigla nalang siya dahil sa sunod na ginawa ng ama ng kaibigan.

May kinuha ito sa kanang braso niya at parang ibinato. Agad din nitong kinuha ang holy water na nasa altar ng bahay at hinugasan ang kamay nito pati na ang kamay niya.

"T-Tito, bakit po?" Ang nahihintakutan niyang tanong.

"Saan ka ba nagpupupunta at nasundan ka niya? Sinusundan ka niya." Ang makahulugang sagot-tanong nito na agad na umalis.

Nawiwirduhan man sa inasta ng ama ng kaibigan ay ipinagsawalang bahala nalang niya iyon.

Makalipas ang ilang buwan ay natanggap na sa trabaho si @rakhieme. At sa isang kompanya siya nagtatrabaho.

Isang araw ay may kailangang ipafax ang kompanya sa isa ding kompanya at si @rakhieme ang naatasang magpafax nun kaya agad niya iyong inasikaso pagkatapos ay naglakad na pabalik sa working place niya pero mayamaya lang ay nabigla siya nang puntahan siya ng secretary ng kanilang presidente.

"Miss Hieme, nagreklamo ang kabilang kompanya. Yung kompanyang pinadalhan mo sa fax."

 

"Ha?! Bakit? Mali ba ang pinafax ko?" Ang gulat na tanong ni @rakhieme.

"60 copies daw ang pinadala mo doon. Pinapatanong nga ni boss kung galit ka sa fax machine eh!"

 

"Ha? Dalawang copies lang ang pinadala ko. Anong 60?"

 

"Eh yun ang inireport ng kabilang kompanya eh! Hayaan mo na. Baka ang fax machine natin ang sira. Sige. Balik na ako kay boss."

Dahil sa nangyari ay balisang umuwi si @rakhieme sa kanila pero agad ding nagbalik ang sigla nang maabutan sa bahay ang kaibigan niyang architect na si Riza.

Halos isang oras silang nagkwentuhan ng babae pagkatapos ay napagpasyahan na nitong magpaalam pero bago ito tuluyang umalis ay may sinabi ito na nakapagpabalik ng pagkabalisa niya.

"Girl, may iba ka bang friend?"

 

"Ha? Syempre! Marami akong friend. Bakit?" Ang nagtataka niyang tanong-sagot.

"I mean, ibang friend. Sa right hand mo."

 

"Ha? What do you mean?"

 

"Ah wala! Sige! Alis na ako! Bye!"

Nagtataka man ay napatango nalang si @rakhieme bilang paalam.

Matulin na lumipas ang mga araw at nitong mga nakaraang araw ay napapansin ni @rakhieme na parating nananayo ang balahibo sa kanan niyang kamay at braso pero ipinagsawalang bahala nalang niya iyon dahil narin sa masyado na siyang busy sa trabaho.

Isang araw, rest day iyon ni @rakhieme nang mapagpasyahan niyang bisitahin ang facebook na halos dalawang buwan na niyang hindi na-o-open. Maraming notifications, messages at ganun na din ang mga nag-add sa kanya pero ang mas kapansin pansin sa lahat ay ang mga pictures na nakatag sa kanya. Mga pictures nila noong outing pagkatapos nilang grumaduate. At ang mas lalong kapansin pansin doon ay ang maliit na nakakurting tao na palaging nasa kanang braso niya nakatayo.

Sa nakita ay agad na nagbalik sa isip niya ang ginawa ng ama ni Gwen at ang sinabi ng kaibigan niyang si Riza.

Agad na napatingin siya sa kanang kamay. Mas lalong nanayo ang mga balahibo doon na parang sinasabi ng kung sino mang nilalang doon na...

"Oo, andito ako lagi sa tabi mo."

Dahil sa nangyari ay agad na nabuo sa isip ni @rakhieme ang isang desisyon. Lalapit siya sa isang albularyo.

At hindi nga siya nagkamali ng hinala.

May nagkagusto sa kanyang duwende at ang duwendeng iyon ay nakatira sa resort kung saan sila nag-outing kamakailan lang. At dahil sa pagkabighani sa kanya ng nilalang ay sumama na ito sa kanya at lagi pa itong nakahawak sa kanan niyang kamay.

At dahil sa kagustuhang itaboy ang nilalang ay may isinagawang orasyon ang albularyo kay @rakhieme pagkatapos ay inutusan din siya nito na burahin lahat ng litrato na kuha nila noong nasa swimming pool sila na agad namang sinunod ni @rakhieme.

Sa ngayon ay wala nang nararamdamang kakaiba si @rakhieme sa kanan niyang kamay pero sa tuwing maaalala niyang minsan siyang nagustuhan ng isang duwende ay nananayo pa rin ang balahibo niya.

 

Araw ng paggawa- March 14, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now