ORF-13(Jealous)

Magsimula sa umpisa

"Talagang gusto mong mahalikan ano?" At inilapit niya na naman ang mukha niya sa akin.Malapit na malapit na.

"Dream on Kevin.Asa ka pa." Sagot ko.Bilisan mo na kasi.
"Ah ganun?" At inilapit niya pa talaga ang mukha niya.Isang salita na lang namin ay maglalapat na ang mga labi namin.Naaamoy ko na naman ang mabango niyang hininga.Shit langs!

Ehhhh...ito na talaga ang inaasam kong kiss.Itong-ito na talaga.

"Hoy!Kung maglandian kayo dito sa daan,pumasok na lang kayo sa hotel!Nakaharang ang kotse niyo sa daraanan!" Napalingon kami bigla sa sumigaw.Istorbo!Kainis.Grrrr!

Mula sa isang truck ay dumungaw doon ang taong mukhang ulo.Paano,kalbo ito. Panot.Siya yata ang driver ng truck.

Ang pisting Kevin kasi,nag park na nga lang di pa inayos.

Agad niya akong itinulak papasok ng kotse sa front seat.Umikot din siya at sumampa din sa sasakyan at nagsimula ng mag-drive.No choice na ako dahil katabi ko na siya. Nakita ko pa ang pailing-iling niya habang nakangiti.Sarap ingud-ngod sa manibela.At ang sarap ding tirisin.At higit sa lahat ang sarap ding...

yakapin.Harhar!Lokong konsensiya to.Tinuruan na naman akong lumandi.Hihi!

------------------------------

Nakarating na kami sa bagong bahay nina Allison.

Akala ko pa naman maraming tao.Mga empleyado lang pala ni Zach ang narito.Kakunti lang talaga.Parang mga sampu lang yata. Kungsabagay,di naman talaga party ito. Ang iba siguro mga inutusan lang ni Zach na mag-ayos ng dapat ayusin rito. Mga tauhan niya ito sa hotel nila.

Pagkatapos mag-blessing ng priest ay umuwi na rin ito.

Kahit papaano ay may kaunting pakain rin.

Ang laki naman ng bahay nila.

"Hi lovebirds." Bati ko sa kanila.Paano,kung maghahalikan eh,nasa harap ko pa.Actually lumapit lang ako sa kanila.

"Hi Jasmine. Where is Kevin?" Tanong ni Zach.Oo nga no?Nasaan na ba siya?

"Hindi ko alam eh." Kibit balikat na tanong ko. "Bakit?" Tanong ni Allison.

"Aba malay ko sa gunggong na iyon." Inis na sagot ko.Iniwanan kasi agad ako kanina ng pagkarating namin. Naglandi na sa isang tauhan ni Zach.

"Gunggong?" Baka mamaya maunahan niyo pa kami ni Zach na magka-anak ha." Panunukso ni Allison.Ngumiti pa ito ng nakakaloko.

"Di naman ako papayag niyan baby.Sabi ko sayo dapat mag-double time tayo eh." Si Zach na hinapit pa si Allison at hinalikan sa labi.

"Ewwww...Gross!Ang corney niyo." Nakangiwi na sabi ko.Di kasi nahiya ang dalawang ito. Pero happy naman na ako sa kanila dahil masaya na sila.

Tumalikod na ako sa kanila at pumunta sa may swimming pool.May swimming pool kasi ang bahay nila eh.Narinig ko pa ang tawanan nila bago ako nakalayo sa kanila.

Pagdating ko sa pool,nakita ko si Kevin na may kalampungan na babae. At kung di ako nagkamali ay isa itong tauhan ni Zach sa hotel nila.

Parang biglang sumakit ang puso ko.Kung makalandi naman kasi.Landi talaga Jasmine? Nag-uusap lang naman sila ah.

Hindi ko alam kung anong spiritu ang nag-udyok sa akin upang makapunta sa kinaroroonan nila. Gusto ko lang kasi silang istorbuhin eh.Oo na, nagseselos na ako.Confirmed na talaga.

"Aherm." Ako yan. At agad naman silang napalingon sa akin. Nakita ko pa ang pagkunot-noo ni Kevin.

"Jasmine, right?" Anang pangit na babae na ipinagpalit ni Kevin sa akin. Jasmine your face.Mang-aagaw.Hmp! Sa isip ko.

"Yeah.And may I know your name please.Dahil ipapakulam kita kapag nalaman ko." Ang huling mga salita ay isinaisip ko na lamang.Ngumiti pa ako kunwari sa kanya. Yung ngiting aso.Haha!

"Xenia. Xenia Labrador." Nakangiting pakilala niya at naglahad ng kamay sa akin.Tinanggap ko naman ito ng hindi bukal sa kalooban ko.Si Kevin ay nakatingin lang sa amin habang parang tanga na naka-nganga.

"Nice name huh." Labas sa ilong na papuri ko. Ang bantot nga lang.At ang sarap mong itulak at lulunurin sa pool.

"Thanks." Nakangiting sagot niya sa akin.Ang bruha,akala totoo. Naniwala naman.

"Sure.Your welcome." Sagot ko. Sure talaga na ihuhulog kita sa pool mamaya kapag hindi ka pa lumayo kay Kevin.

"Anyways,if you don't mind.What's your relation to Kevin?" Tanong niya na binalingan si Kevin na naka-nganga pa rin.

Relasiyon daw? Ano nga ba. Aha!Isang nakakaloko na ngiti ang pinakawalan ko sa isipan ko.Lumapit ako kay Kevin.

"He is my fiancé.Di ba sweety?" Nilambingan ko pa ang boses ko at talagang niyakap ko pa si Kevin.Siyempre para maka-tsansing na rin. Harhar!Bigla naman nanlaki ang mga mata niya.

"Wha -"

"Di ba sweety?" Putol ko sa sinabi niya. "Ikaw talaga,kanina ka lang nag-propose sa akin,tapos nakakimutan mo agad?Pero kahit palagi mo akong dini-deny sweety,naiintindihan naman kita eh." Dugtong ko at nilambingan pa ang boses ko.Gusto kong matawa sa ginagawa ko pero pinigilan ko.

"Ah ganun ba? Sige maiwan ko na kayo ha." Paalam na ni Xenia. Sige, go na. Layas! Sa isip ko.Si Kevin naman ay hindi maipinta ang pagmumukha.I'm sure,yari na naman ako nito.

"Ok. Sige Xenia.Nice meeting you. At wag ka ng magpakita kahit kailan." Dugtong ko pa sa isipan ko.

Pagkatalikod ni Xenia ay agad akong hinarap ni Kevin.Faktay!
"Fix yourself. Kasi gusot na gusot na iyang suot mo sa kakayakap sa akin." Sabi niya at marahan akong inilayo sa kanya.Di ko napansin na nakayakap pa rin pala ako.Mantakin niyo yun? Ang haba ng panantsing ko sa kanya.Hahaha!

"Ihahatid na kita pauwi." Dugtong pa niya.Wait lang,tama ba ang narinig ko?Di siya nagalit sa ginawa ko?

Sige, magpa-fiesta ka Jasmine.

Napangiti na lang ako.

-----------------------------
Again,no review.
Unedited.
Tinatamad ako.Kung gusto niyo,kayo na lang mag-edit.
Whahahaha!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!