Kabanata 75

16.3K 227 107
                                    

I want you to know that this will gonna be the last chapter of this book. First of all, I want to thank God for not leaving me, for guiding me while writing this book. Litterary, ito ang story na isinulat ko na may masakit sa ulo na plot. Ilang beses akong na blanko dahil sa story na ito, ilang beses rin sumakit ang betlog ko kakaisip kung ano ang magiging twist nito.

So yon nga, next is epilogue na........ Gagawan ko pala to ng side story, tungkol sa mga magulang ni Spencer, sa kay Thunder atsaka kay Matilda. Soon pa yon. Don masasagot ang lahat ng sekreto sa story na ito, yong mga secrets na hindi pa nabubunyag dito ay doon mabubunyag. Marami pang plot twist ang hindi ko nailabas. Atsaka doon rin natin malalaman kung ano talaga ang nangyari at kung bakit naging ganon si Vildamir. So yeah, Thank you for reading this.

Closing this book is hard, but every story has end.....

Enjoy Reading! Be safe, have a good day.

Kabanata 94: Huling Kabanata.

The moment my eyes laid on her, tears emmediately rolled down to my cheeks. Kasabay niyon ay ang panlalambot ng puso ko at ang pag-usbong ng galit na nararamdaman ko. Galit, dahil sa kaisipang isa ako sa mga dahilan kung bakit niya natamo ang lahat ng ito. Galit dahil sa kadahilanang ni isang beses ay hindi ako nanindigan. Hindi ako nagpakalalaki. Hindi ko siya nagawang ipaglaban. Ako na siguro ang pinaka duwag sa grupo namin.

The beautiful girl and the most charming girl that I know, gone. Ang magandang babae na iniibig ko'y halos hindi ko na makilala dahil sa pustura niya, duming dumi ang buong katawan niya, ang dating makinis niyang mukha, na may kaunting pimples ngayon ay punong puno na pasa, I even saw some small bruises in her face, which made me angry.

The tiredness is also visible in her face, the tiredness that she's been through. Nakita ng dalawang mga mata ko kung paano niya pinilit ang sarili niyang ngumiti, pero ang ngiting iyon ay nauwi sa isang pagngiwi ng isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisnge.

Parang sinampal rin ang buong mukha ko dahil sa nasaksihan ko, parang dumapo rin sa pisnge ko ang palad ni Vildamir dahil sa naramdaman ko, parang naramdaman ko rin kasi ang magaspang at malapad niyang palad sa pisnge ko e. Parang naramdaman ko rin ang sakit na naramdaman niya. I can feel what she feel by just watching her. Ganoon ba talaga pag mahal mo ang isang tao?

Nagpuyos sa galit ang buong puso at kalamnan ko dahil sa nasaksihan ko. Nanginig sa galit ang buong kalamnan ko. Tangina siya! Tangina ang Vildamir na iyan! How could he slap my girl? Paano niya nagawang sumampal ng isang babae? How could he slap a girl? Like it was just nothing? Like he was just slapping some kind of cheap girls?

Does he even know that I can sue him for Republic Act No. 10627?

Dahil sa katanongan na iyon ay mas lalo pang nagpuyos sa galit ang nararamdaman ko, pero ng maalala ko na nagawa ko rin pala ang lahat ng iyon sakanya ---na nasampal ko rin siya'y parang umurong ang dila ko, ang tapang at ang galit ko'y biglang naglaho na parang bula.

Wala akong karapatan na magalit dahil minsan ko naring ginawa ang bagay na iyon sakanya. Mas worst pa nga 'yong nagawa ko sakanya e, dahil sa harap pa talaga ng maraming tao pinili ko siyang sampalin. At ito namang ego ko'y sumaya dahil para sa akin ang pagsampal sa isang babae ay nakakapagpalalaki, but little I know na dahil sa ginawa kong iyon, ang babaeng mahal na mahal ko'y unti unti ng nawala sa akin...Unti unti ng lumalayo ang loob sa akin...

Pero kahit ganon pama'y hindi ko parin maiwasan ang sarili kung huwag magalit sa taong sumampal sakanya----sa kay Vildamir, lalo na ng makita ko kung paano nito muling sininghalan si Jeanshe, "Jeanshe nakikinig ka ba?" tanong na pasinghal nito kay Jeanshe, ng hindi sinagot ni Jeanshe ang mga nauna nitong tanong.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon