Kabanata 1

29.7K 435 63
                                    


Naitigil ko ang pagsasabon ko sa sarili kong katawan nang may kong ano akong narinig na kaluskus galing sa labas.

Ano kaya iyon?

Ipinilig ko ang ulo ko bago ko itinuloy ang pagliligo ko. Ipinagsawalang bahala ko nalang ang mga kakaibang tunog na iyon.

"Ba't parang lumaki ang balakang ko?" nagtataka kong ulit na tanong sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Umikot ako nang bahagya upang siguraduhin kong tama ba talaga ang hinala ko. Medyo lumaki talaga ang balakang ko e. 'Tas ang wala kong ka laman laman na tiyan noon ay unti unti naring nagkakalaman. Nakakapagtaka, ano kaya ang nangyayari sa 'kin?

Wala naman akong nakain na buo ah? Puwera nalang sa hotdog niya.

Napangiti ako dahil sa naisip ko. Kong ano anong kalokohan nalang talaga ang naiisip ko. Ipinilig ko ang ulo ko bago ko ipinagpatuloy ang pagliligo ko.

Nang matapos ay lumabas ako sa banyo nang naka roba lamang. Pumunta ako sa may kutson bago ko kinuha ang cellphone kong nakalagay doon.

"I'm on my way." I replied.

She chatted me, asking me if nasaan na ba daw ako at kanina pa siya naghihintay sa tagpuan namin. So I replied na I'm on my way na 'ko. Kahit na ang totoo'y mag bibihis pa ako. Nakalimutan ko kasing gumising nang maaga dahil sa kadahilanang napagod ako kagabi at isa pa hindi tumunog ang alarm clock ko sa cellphone ko. Iyon lang kasi ang tangi kong inaasahang gigising sa akin. But fortunately hindi ako nagising.

Inilapag ko ang cellphone sa side table bago ako tumayo. Tinungo ko ang kabinet ko bago nagbihis nang isang floral dress. Blinower ko ang buhok ko para ito'y matuyo.

Nang matapos ay kinuha ko ang bago kong cellphone na ibinigay niya, ipinasok ko ito sa maliit kong bag bago lumabas nang kuwarto.

"What the fuck?" ang di makapaniwalang tanong ko dahil sa gulat na nararamdaman ko. Pagkabukas na pagkabukas ko palang sa pinto ay hindi ko na inaakalang ito agad ang bubungad sa akin.

My eyes widened. Sa pagkakataong ito'y hindi ko na ipagkakaila na nagmumukha na akong tarsier dahil iyon naman talaga ang totoo. Nabitawan ko ang bag na dala dala ko. Nanginig ang mga tuhod at labi ko nang makita ko ang bangkay niyang nakabitay sa harapan ko.

Napatili ako nang malakas nang makita ko ang naka diwal-wal nitong dila at dilat nitong mga mata. Nang mapagtanto ko kong sino itong lalaking nasa harap ko'y mas lalo pa akong natakot.

Unti unti akong napaatras. Napahawak ako sa may hambanan nang pinto bago dahan dahang napaupo sa lapag. Nanginginig ang mga tuhod at buong katawan ko dahil sa nakikita ko. Hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman.

Galak ba dahil nasa harapan ko na ang isa sa mga pumatay sa mga magulang ko. O takot dahil maaring may pumatay sa sakanya at baka mapagdudahan ako na ako ang pumatay sakanya.

Kilalang kilala ko ang pagmumukha niya, isa iyon sa mga mukhang hindi ko dapat na makalimutan. Isa iyon sa mga mukhang itinatak ko sa kokote ko. Dahil ang pagmumukhang iyon ay isa sa mga naging dahilan kong bakit ako nagdusa nang ganito.

Siya! Siya ang isa sa mga pumatay sa mga magulang ko! Siya! Siya ang naging dahilan kong bakit ako nagdusa nang ganito!

Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ko ang pasakit nito. Napasandal ako sa pintuan. Napahawak ako sa may binti ko nang maramdaman ko ang pagtulo nang isang likidong bagay dito.

Ganoon nalang ang pamamanhid nang buong katawan ko nang makita ko ang pagtulo nang dugo mula doon. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Nanginginig narin ang mga labi ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon