Kabanata 65

9.4K 170 42
                                    

Team Eman or Team Spencer?

Scam 'yong miss U kasing scam ni Thunder. HAHAHA. URN baby, URN.

_________

"Jeanshe!" tawag i Eman sa pangalan ko, ngunit hindi ko ito pinansin bagkos ay ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad ko, umaasa sa himala na sana'y hindi ako tamaan ng ligaw na bala. Kahit nay napakaimposible naman talaga, lalo na't alam kung may nagbabakbakan.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko'y napapangiwi ako dahil sa sugat na nasa binti ko dulot ng pagbaril ni Spencer dito, ngunit hindi ko ito ininda dahil nag-aalala ako sakanya, nag-aalala ako sa kaisipang maaring may nangyari ng masama sakanya, lalo na't alam kung wala siyang kakayahang makipaglaban sa pagkakataong ito, dahil sa sugat na natamo niya.

"Jeanshe!" tawag ng kung sino man sa pangalan ko sabay hawak sa balikat ko. Agaran ko itong iniwaksi ng walang lingonan atsaka ipinagpatuloy ang naudlot kung paglalakad. Pero bago paman ako makalayong muli ay muli ko na namang naramdaman ang paghigit nito sa balikat ko, atsaka ako nito kinaladkad papunta sa likod ng poste na maari naming mapagtaguan, pagkatapos ay sapilitan ako nitong pinaharap sa gawi niya.

Handa na sana akong suntukin at murahin ito, pero hindi ito natuloy.

"Ano b-" hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin ng manlaki ang mga mata ko, buhat ng hindi ako makapaniwala sa lalaking nasa harapan ko.

"Nahihibang ka na b-" hindi na nito natapos ang balak nitong sabihin ng yinakap ko ito ng mahigpit. I hug him tight with pag-iingat, pinipilit ang sariling huwag masagi ang sugat na nasa balikat niya.

Akala ko kasi e.... Akala ko kasi patay na siya, dahil nong huli ko siyang makita ay nakahiga siya sa malamig na semento habang namimilipit sa sakit, tas ng iminulat ko ang mga mata ko'y 'yon na, nasa tabi na ako ni Eman habang may nag babarilan. Kung kaya't ganon nalang ang kaba na naramdaman ko ng may mapagtanto ako.

"H-ey what's wrong?" ang nauutal nitong tanong sa akin, sabay haplos sa buhok ko. Bahagya akong na conscious dahil doon, dahil sa kaisipang hindi ako naligo sa loob ng ilang araw tas ang baho baho na ng buhok ko, pero hinahaplos niya pa rin.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sakanya, ang baho baho ko kasi e, tas may gana pa talaga akong yakapin siya. "Ikaw ba?" I asked.

Nakita ko kung paano dumaan ang pagkalito na emosyon sa mga mata niya, "Anong ako?"

I sighed, "Ikaw ba ang nagtext kay Jazmine kung nasaan ang exact location natin?" tanong ko.

Nag-iwas ito ng tingin bago lumunok, "Yes I am," he answered.

At dahil sa mga isinagot niya'y hindi ko napigilan ang sarili kung huwag siyang yakapin muli. I knew it! Sabi ko na nga ba, siya lang naman kasi ang alam kong tanging makakapagsabi kay Jazmine kung nasaan kami, lalo na't ang cellphone lang naman niya ang ginamit.

"Thank you," I wisphered between our hugs.

"You don't need to say sorry Jeanshe, I am just making the things right," he whispered bago sinagot ang mga yakap ko.

Wala sa sariling ako'y napangiti dahil sa tinuran niya. Sana tuluyan ka ng bumalik Spencer, sana tuluyan ka ng bumalik sa dating ikaw, Spencer. Sa dating ikaw na siyang minahal ko. Sa dating ikaw na siyang naging dahilan kung bakit ako nagpakabuhay sa mundong mapanghusga. Somehow beacuse of what I said, pakiramdam ko'y pinipilit na niya ang sarili niyang magbago. At sana nga'y magtuloy tuloy na ito.

"Hoy Spencer! Maglalampungan nalang ba kayo diyan?!" napakalas kami sa aming yakapan dahil sa narinig naming sigaw. At ng sinundan ko ng tingin kong saan nanggagaling ang sigaw na iyon, ay doon ko nakita si Dashiel, may hawak hawak na baril habang nagtatago sa isa sa mga posteng kasunod sa mga posteng pinagtataguan namin.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon