Kabanata 19

10.7K 234 18
                                    

"Let's go?"

Nag-angat ako nang tingin mula sa mga article na binabasa ko tungkol sa pagguho nang minahan nang mga Carson sa taong 2008. Iyon lang kasi ang tanging clue na meron ako, tungkol sa pagkamatay nang mga magulang ko.

Nakangiti na ang kumag ngayon, na akala mo'y hindi nagwala kanina dahil sa sobrang galit. Psycho talaga e.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko bago ko inayos ang mga gamit ko, "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sakanya nang nasa elevator na kami.

He just shrugged before pulling my waist next to him. Sabay kaming napatingin sa harap nang marinig namin ang pagtunong nang elevator, isang palatandaan na narating na namin ang aming destinasyon.

Hinalikan niya mona ang toktok nang ulo ko, bago kami lumabas mula sa elevator.

Pagkalabas na pagkalabas palang namin sa elevator ay natuon na agad sa amin ang kanilang mga atensiyon.

The receptionist smiled at us nang dumaan kami sa mga harapan nang mga ito, but I saw the envious on their eyes na para bang galit na galit sila sa akin dahil kasama ko ang boss nila.

Sanay na ako sa ganito, pero hindi ko parin maiwasang huwag mailang. Simula kasi nang bumalik ako sa trabaho ay palaging kami ang pinag-uusapan nang mga tao dito sa kompanya. Kaya nga halos di na 'ko lumabas nang opisina niya dahil sa nahihiya ako.

Naging usapan nila kami nitong mga nakaraang araw dahil sa pagtataka kong ano ba daw kami ni Spencer at kong bakit ang sweet daw namin sa isa't-isa. Actually, siya lang naman ang sweet sa akin dahil nahihiya akong maging sweet sakanya.

Kinausap niya ang guard tungkol sa kotse niya, nakita kong tumango si manong guard bago sinunod ang utos niya.

Ilang minuto muna ang aming iginugol kakahintay sa pagdating nang kotse niya, hindi naman kami nabigo sa paghihintay dahil kalaunay dumating narin sa wakas ang kotse niyang siguradong sigurado ako na ma-aagaw ang pansin nang kahit sino man.

"Let's go?" He asked and I nodded.

Pinagbuksan niya ko nang pinto at pumasok naman ako sa loob nito, napangiti ako nang makita ko siyang siniguradong naka seatbelt ako, nang matapos ay hinalikan niya ang noo ko habang hinahaplos ang maliit na umbok sa tiyan ko. Hindi pa gaano ka visible ang umbok nang tiyan ko lalo na kapag malalaking t-shirt or di kaya dress ang suot suot ko.

Isang masuyong halik ang ikinitil niya sa labi ko bago siya umikot sa kabilang bahagi nang sasakyan.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sakanya nang madaanan namin ang kahabaan nang edsa.

Lumingon siya sa gawi ko bago ako nginitian, "Secret." ang tangi niyang ani bago muling itinuon ang atensiyon sa daan.

Napanguso ako bago napasandal, 'may pa secret secret pa siyang nalalaman'. Nakanguso kong bulong na alam kong narinig niya.

He just chuckled bago hinawakan ang kamay ko habang ang kanyang mga mata ay nakatitig parin sa daan. Dinala niya ito sa labi niya bago masuyong hinalikan. Pinamulhanan ako dahil doon.

Nakalabas na kami sa kahabaan nang edsa nang makita ko ang pagpanay lingon niya sa likod. Kaya nama'y napapalingon rin ako, upang alamin kong ano ang linilingon niya.

Wala namang kakaiba ah? Mga sasakyan lang naman iyon ah? Ano kayang linilingon nang damuhong ito.

"Can you call, Dash?" He asked referring to Dashiel. Nakatuon ang atensiyon niya sa daan habang ibinibigay niya sa akin ang cellphone.

"Ha?"

"Just call him." Nagtataka may sinununod ko ang utos niya. Mabuti nalang at ipinaalam niya sa akin ang password niya kaya hindi tuloy ako nahirapang buksan ito.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now