Kabanata 56

9.2K 148 11
                                    

"Magsili dili ka nga Thunder, baka multuhin ka pa ni Valentine diyan,"
ang natatawa kong ani sakanya, habang umaakto na parang nandidiri.

Natawa naman ito dahil sa ginawa ko. Sabay kami tuloy na nagtawanan. Napatigil lang kami sa aming pagtawa ng may marinig kaming isang tunog na parang tunog ng pagkulo, pero kalauna'y muli kaming tumawa ng malakas ng mapagtanto namin kung ano ang bagay na iyon.

Sabay na kumulo ang aming mga tiyan, isang palatandaan na pareho kaming gutom.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa sobrang pagtawa, medyo sumakit na rin ang tiyan ko dahil sa kakatawa. Ganon rin siya, hawak hawak rin niya ang tiyan niya habang tumatawa.

"Ehem!" Muli kaming napatigil sa pagtawa ng may marinig kaming isang pagtikhim.

Paglingon namin sa gawi nong tumikhim ay doon ko nakita si pangit, na siyang nag-utos sa aking gisingin si Thunder. "Mukhang ang saya saya niyong dalawa ah, anong pinag-uusapan niyo?" nakataas kilay na tanong nito.

"Oo nga, anong pinag-uusapan niyo at mukhang nagkakamabutihan na ka'yo." singit naman nong isang pangit.

Napairap tuloy ako, bawal bang tumawa bago mamatay? Bawal bang maging masaya muna bago mamatay? Hindi naman siguro masamang tumawa bago mamatay diba?

"Baka naman, nag-iyot ka'yo kagabi tas di lang namin namalayan ah, hiniling pa naman namin kagabi na mag live show kayo," ang mapagbirong ani nito bago tumawa ng malakas na sinabayan naman ng mga bobo niyang kaibigan.

Harap harapan kung inirapan ang bobong lalaki na nasa harapan ko, gago ba siya? What kind of mind he have to think like that? O baka naman may tama parin ito hanggang ngayon. Hindi parin siguro nawawala ang apekto ng drugs sakanya 'kung kaya't ganito parin ito kung mag-isip hanggang ngayon.

"Shut up!" ang nanlilisik ang mga matang ani ko sakanya, pero kalauna'y nawala rin ang panlilisik ng mga mata ko at napalitan ito ng isang mapang asar na ngiti. "I am not like your mother, dear."

Nakita ko kung paano manlisik ang mga mata nito ng marinig nito ang mga katagang binitawan ko, na parang hindi ito nasiyahan sa mga narinig, "Opps! Did I just hurt some ego?" ang nang-aasar ko pang dagdag, nagpapainosente.

Nakita ko kung paano kumuyom ang mga kamao nito, tinignan ko ang mga mukha nito, upang tignan kung tumiim rin ba ang bagang nito kagaya nong kay Spencer.

Napailing ako ng makita kong hindi naman ito tumiim, kagaya nong kay Spencer. Well, kunsabagay pangit itong kaharap ko e.

"Chill," rinig kong bulong ng katabi niya, sabay hawak sa nakakuyom nitong mga kamao.

Mas lalo ko pa itong nginitian, bago nag-iwas ng tingin. Mukhang mas lalo pang naasar ang pangit dahil sa mga narinig kong sigaw na nagmumula dito,

Pero hindi ko ito pinansin, bagkos ay ipinagpatuloy ko ang naudlot kong pagtawa, pero kalauna'y ang pagtawa kong iyon ay nauwi sa isang hilaw na tawa ng makita kong hindi naman ako sinabayan ni Thunder sa pagtawa, kasalungat sa mga naisip kong sasabayan niya ko.

Inirapan ko ito, hindi marunong makisama sa trip e.

"Ehem!" muli akong napalingon ng marinig ko ang muling pagtikhim na iyon. Tinaasan ko ito ng kilay, ano ba ang meron sa lalamunan niya at bat parang paulit ulit na siyang tumikhim?! Makati ba?

Wala sa sariling ako'y napangiti ng makita ko kung paano nila pigilan ang pangit na lalaki mula sa pagwawala. Mukhang sagad sa kaibuturan niya talaga ang galit na nararamdaman niya, I even heard him cursing me, I even heard him threatening me na papatayin niya daw ako, but the hell I care, hindi ako takot mamatay no, dahil don rin naman talaga ang punta ko. Hindi ko ito pinansin, bagkos ay itinuon ko ang atensiyon ko sa lalaking kanina pa tumitikhim.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now