Kabanata 71

9.3K 144 54
                                    

Chill po mga ate... HAHAHA

What the hell is he saying?

Gusto kung umiling para maipahiwatig ko sakanya na mali siya. Na mali siya sa inaakala niya, pero hindi ko magawa dahil kahit anong pilit ko pamang pagalawin ang leeg ko'y hindi ko magawa gawa dahil sa higpit ng pagkakasakal niya. Kung kaya't ginamit ko ang natitira kung lakas para makapagsalita.

"N-o, I d-i-d-n't---" nahihirapan may pinilit ko ang sarili kung bigkasin ang mga katagang iyon, kung kaya't ang kinalabasan niyon ay ang pagkautal utal.

Pero ang paghihirap kung sambitin ang mga katagang iyon ay nawalan rin lang ng kabuluhan lalo na ng sinadyang putulin nito ang balak kung sambitin.

"Yes you did Jeanshe!" pagpuputol nito sa sinabi ko bago pa mas hinigpitan ang pagkakasakal sa akin. Wala sa sariling ako'y napaluha ng maramdaman ko ang hapdi ng leeg ko, dulot ng mas pagbaon pa ng matatalim niyang kuko sa leeg ko, at sa pagkakataon ring iyon ay ramdam na ramdam ko na ang dugo ko na dumadaloy pababa sa leeg ko.

"You did it Jeanshe! And don't you ever to deny it beacuse you killed him Jeanshe! You killed him!" ang ulit pa nito bago ako ako itinapon sa kung saan man na parang isang basura.

Sumadsad ang buong katawan ko sa malamig na sahig na semento, napapikit ako ng maramdaman ko kung paano tumama ang buo kung katawan sa malamig na sahig. Napangiwi ako ng makaramdam ako ng paghapdi at pagkirot sa ulo ko. Hindi ko na kailangan pang kapain iyon para malaman ko kung ano iyon, dahil sa lagkit palang na dulot niyon ay paniguradong dugo na iyon na nanggagaling sa sugat ko sa ulo.

Masakit ang likuran ko, pati narin ang bewang at binti ko. Ang dating sugat ko sa binti ay mukhang mas lalo pa atang lumala o hindi kaya'y baka nag ka infected na gawa ng pagkasadsad ko sa matigas na sahig.

Masakit ang buong katawan ko, iyan ang tanging madedepena ko sa nararamdaman ko, para akong nakapasan ng isang libong sako ng bigas sa pagkakataong ito. Habang habol habol ko naman ang hininga ko dahil ilang minuto rin akong pinagkaitan ng hangin. Akala ko nga mamatay na ako, dahil sa tagal ko ng walang hangin, naging kulay lila na nga siguro ang buong pagmumukha ko e. Pero siguro hindi pa iyon ang oras ko, siguro hindi pa iyon ang oras ng kamatayan ko, dahil mukhang gusto pa talagang iparamdam ng diyos ang sakit, kaharasan at pighati ng buhay.

Nanlalabo ang paningin ko dulot ng rumaragasang luha na nanggagaling sa mga mata ko, napangiwi ako ng tumingala ako, mukhang pati ang leeg ko'y may deperensiya rin. Wala sa sariling ako'y napangiti ng makita ko ang blankong kesame at malawak na bobong nitong bodega. Mag gana pa talaga akong ngumiti kahit nay mamatay na ako e no?

Ngunit ang ngiting iyon ay agaran ring napalitan ng pagngiwi at sunod sunod na pagdaing ng maramdaman ko ang pag-apak ng kung nino man sa tiyan ko.

"You kiled him, Jeanshe!" ang galit na sabi ni Jose habang tinatapakan ang tiyan.

Mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya, mas lalo pa itong dumoble ng maramdaman ko kung paano niya diniinan ang pag-apak sa tiyan ko.

Sunod sunod akong napading kasabay niyon ay ang pagluha ng mga mata ko na parang isang sirang gripo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, dahil sa mga oras na iyon ay ang pamimilipit ko lang dahil sa sahig ang tanging alam ko.

"You killed him, Jeanshe! You killed him," ulit pa nito bago mas diniinan pa ang pagkakaapak sa akin. Mas lalo pa akong namilipit dahil sa ginawa niyang iyon. Napakasakit na ng tiyan ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko na kaya.

"N-o I d-i-dn'- Arayyyy!" hindi ko na natapos ang balak kong sabihin dahil muli akong napading ng maramdaman ko ang mas pagdiiin pa ng pag-apak niya sa tiyan ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora