Kabanata 46

9.8K 185 47
                                    

As of now, siguro ito na ang huli kong update for this month, I guess? Cause I badly meed some break. Kakamatay palang kasi nang papa ko kahapon, at hanggang ngayon ay hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang magsulat. Hindi ko pa rin tanggap na wala na siya.

Kaya pagpasensiyahan niyo na kung medyo sabaw tong update na 'to. Dahil sa totoo lang, pinilit ko lang talaga ang sarili ko.

Don't worry, I will back... At sa pagbalik ko'y tatapusin ko na tong si Spencer. I'll be back... not now, but soon. Sana maghintay parin kayo sa update ni Spencer.

Thank you, lovelots!


"Speare? What's your problem baby?" ang namomoblema kong tanong sa anak kong karga-karga ko.

Kanina pa kasi siya iyak nang iyak e, ginawa ko na naman ang lahat para lang mapatigil siya sa pag-iyak. Pero hindi parin siya tumatahan e. Chineck ko na ang diaper niya kong may tae ba pero wala naman, pinadede ko na rin siya, I even carry him and dance him, kahit na pagod na pagod ako sa buong maghapon kong paglilinis dito sa bahay. Pero wala parin e, hindi parin siya tumatahan e.

Nag-aalala na ako. Wala pa naman si Spencer dito. Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong gawin. Ito palang kasi ang kauna-unahang beses na naging ina ako, kaya hindi ko na talaga alam kong ano ang dapat kong gawin, lalo na't natataranta na ako.

Wala si Spencer dito sa bahay, hindi naman iyon bago sa akin, dahil sa simula't sapul palang ay tatlo o dalawang beses lang siya kong umuuwi dito. Hindi ko alam kong saan siya nag-lalagi sa mga araw na wala siya , but I guess umuuwi siya sa tunay niyang mahal. Umuuwi siya kay Valentine. Ba't parang ako pa ang lumalabas na kabit sa storyang ito? E samantalang ako naman daw talaga ang asawa niya gaya nang sabi niya?

Ilang beses ko na siyang nakikita kasama si Valentine sa tuwing lumalabas ako para bumili nang groceries. Ilang beses ko narin siyang nakita kasama si Valentine na kumakain.

Hindi ko alam pero parang sinasadya nang tadhanang pagtagpuin ang aming mga landas. Siguro, upang ipaalam sa akin kung gaano ako ka tanga at ka martir pagdating sakanya.

Ilang beses ko nang sinubukan na kalimutan siya, I even said to myself that he already die----that he is dead. Para lang makalimutan ko siya. Pero paano ko magagawang kalimutan siya, e sa tuwing nakikita ko ang anak ko ay siya agad ang nakikita ko? Paano ko siya makakalimutan kong pana'y ang punta niya dito sa mansion? Damn him! Mas mabuti pa ngang hindi siya pumunta dito para makalimutan ko talaga siya.

Ang lahat nang nasasaksihan ko sa tuwing lumalabas ako nang bahay ay kinikimkim ko nalang, dahil alam kong kapag i-oopen up ko ang mga bagay na iyon sakanya, ay baka maging dahilan lang iyon ng panibagong gulo.

Ilang beses ko nang e-triny na i open up ang mga bagay na iyon sakanya. Pero sa tuwing nandiyan siya'y palagi akong tumitiklop at iniiyak ko nalang iyon nang mag-isa. Iniiyak ko nalang ang lahat nang hinanakit ko sakanya sa tuwing wala siya. Saksi ang apat na sulok nang kuwarto ko kong paano ako umiyak nang patago. Saksi ang apat na sulok nang kuwarto ko, kung paano ako magdalamhati sa tuwing naaalala ko ang mga masasakit na bagay na kanyang ibinibigay sa akin. Saksi ang dilim, saksi ang gabi, saksi ang mga bituin at buwan kung paano ako humagulhol sa tuwing naiiwan akong mag-isa.

Masakit mang kimkimin, masakit mang tanggapin, pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na sa tuwing kailangan ko nang masasandalan ay ako at ako lang rin ang makakatulong sa sarili ko. Beacuse at the end, I am the only one who can save myself from darkness.

Kinapa ko ang noo nang anak ko, upang tignan kong mainit ba ito. Kong may lagnat ba siya. Pero wala naman e. Hindi naman siya mainit. Mag aalas dose na nang gabi, at antok na antok na ako. Gustong gusto ko nang magpahinga dahil sa buong maghapon kong ginawa pero hindi ko magawa dahil iyak nang iyak si Speare.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now