Kabanata 64

9.2K 179 47
                                    

Sana manalo si Rabiya bukas.....

_________

Hilaw ko itong nginitian, "So you really are the traitor?" I asked him mockingly.

"Yes I am, Jeanshe," He just answered simply with a little bit of confidence.

I smiled mockingly, "Kung gayon, purong kasinungalingan lang ba talaga ang lahat ng sinabi mo sa akin?" tanong ko dito, umaasa na sana mali ako, kahit napakaimposible naman talaga niyon.

Tumango ito bilang isang pahiwatig na tama ako.

Pagak akong napatawa, Ba't ko pa kasi siya tinanong? E obvious na obvious naman. Nakita na nga mismo ng dalawang mata ko e, na buhay si Valentine. Kaya ba't pa ba ako nagtanong? Well, Kunsabagay, gusto kong marinig mula mismo sakanya ang mga sagot sa mga katanongan ko ng sa gayon ay matigil na itong kahibangan ko. Ang kahibangan ko na kung saa'y patuloy parin akong umaasa na sana mali lang ang hinala ko, na sana'y hindi siya ang totoong traydor. Nang sa gayon na rin ay ma sink in na sa sa akin, ang mga katotohanang traydor talaga siya. Nagpapanggap lang na hindi.

"P-ero bakit Thunder?" ang garalgal na boses na tanong ko sakanya, "I mean.. Bakit? Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin ng deritsiyahan? Bakit mo pa 'ko binilog? Bakit mo pa 'ko pinaliwala sa mga kagaguhan mo? Bakit gumawa ka pa ng kuwento? Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin ng deritsiyahan na ikaw pala ang traydor?!" dagdag ko pa bago nagpakawala ng isang hagulhol.

I tried so heart not to burst into tears, but I just can't. Hindi ko kasi matanggap sa sarili ko e, na naniwala na naman ako sa isang kasinungalingan, na umasa na naman ako sa mga kasinungalingang hatid niya. Na naloko na naman niya ako, na napaniwala na naman niya ko sa mga kalokohan niya, na na traydor na naman ako, na ang lahat nalang ata ng mga taong importante sa akin ay trinatraydor ako o hindi kaya'y iniiwan ako.

Una si Spencer, trinaydor niya 'ko. Not totally traydor dahil sa simula't sapul palang ay plano na talaga nila ang lahat, nakaplano na talaga ang lahat na pagpapabilog sa utak ko. Pangalawa si Storm, dahil hindi ko inaakalang na magagawa niya sa kin ang ganito, dahil ang pagkakakilala ko sakanya'y isang matinong lalaki na kayang manindigan, kung kaya't isa rin iyon sa mga naging rason kung bakit hindi ako tumutol sa relasyon nila ni Jazmine. Pangatlo ay siya, si Thunder. Noong una'y pinaniwala pa ako nito na isa siyang kakampi, na trumaydor lang siya dahil pinatay daw ng mga ito ang mag-iina niya, which is si Valentine atsaka ang batang dinadala nito, but little did I know is that, binibilog lang pala ako, na nagsisinungaling lang pala ito, upang mas maiparamdam pa sa akin ang tunay na depenasyon ng pagtratraydor.

"Why?" he asked mockingly, "Dahil gusto kong iparamdam saiyo ang tunay na depenasyon ng sakit at ang iparamdam saiyo kung anong klase na sakit ang mararamdamam mo sa tuwing trinatraydor ka ng paulit-ulit and lastly I want to let you feel what is the real definition of being alive but being dead inside," he added while his jaw are clenching. Isang palatandaan na galit siya. Hindi ko alam kung bakit siya nangagalit, e as far as I remember ay wala naman akong ginawa na ikakagalit niya, infact dinaluhan ko pa nga siya, sa pag-aarte niya.

"So this is all about me, being in pain?" pagak kung tanong dito, habang ang mga mata ay patuloy paring lumuluha, "G-ustong gusto niyo talaga akong nakikitang nasasaktan e no?" Mapait kong tanong dito, habang pinipilit ang sarili na huwag magpakawala ng isang palahaw na iyak kahit ang sakit sakit na sa dibdib ko. Pinilit ko rin ang sarili kung huwag mautal habang sinasambit ang mga katagang iyon, pero kahit anong pilit ko'y lumalabas parin ang pait sa boses ko na siyang naging dahilan kung bakit ako nauuwi sa pagkautal.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now