Kabanata 32

11.1K 191 26
                                    

3 years na pala ako dito sa Wattpad. HAHAHHA nakalimutan ko. Happy 3 years babe, love you🍌❣️
-----------


"May patay!! May patay sa loob nang C.r."

Sabay sabay kaming napatayo dahil sa narinig naming iyon, nagsilabasan kami mula sa aming mga selda, bago pinuntahan ang gawi nong sinasabi nang babae.

Napailing ako nang makita ko kong paano  umaktong  baliw ang babae, habang panay ang sigaw sa mga katagang may patay. Gulong gulo ang kanyang mga buhok na para bang sinabunutan siya. Pero kahit ganon pama'y ramdam na ramdam ko ang takot sa boses niya.

Sa labas palang nang C.r ay nakita na namin ang napakaraming nagkukumpulang mga tao. Ang iba ay pilit na isinisiksik ang mga sarili nila sa mga nagkukumpulan para lang makadaan at nang makita ang patay na sinasabi nila.

Samut saring bulungan ang aming mga naririnig. Iba't ibang kalkulasyon kong sino ang pumatay, at kong sino ang pinatay. May nagtatanong kong sino ang pinatay, at isa na ako sa mga iyon.

"Tabi! Magsitabi kayo!" isang malakas na sigaw ang namutawi sa gitna nang mga bulungan. At para akong nabingi dahil sa malakas na sigaw na iyon, si Manding kasi ang sumigaw na siyang katabi ko naman.

At dahil takot sila kay Manding at sa grupo namin ay agaran nilang sinunod ang utos ni Manding, tumabi sila upang padaanin kami. Na siyang ipinagpasalamat ko rin naman dahil hindi ko na kailangan pang makipagsiksikan, at baka mapano pa tong bata na dinadala ko.

Nahigit ko ang hininga ko at parang nanlamig ako nang makita ko ang patay na kanilang tinutukoy. Nanginig ako kasabay niyon ay ang pamamasa nang kamay ko. Parang tumigil rin sa pagproseso ang utak ko dahil sa nakita ko.

Siya! Siya iyon! Siya! Siya iyong lalaking nagtangka sa akin kahapon! Kalunos lunos ang nangyari sakanya, bogbog sirado ang kanyang mukha habang putok ang gilid nang kanyang mga labi na sa wari ko'y nakuha niya sa bogbog.

And the worst part is that, may nakatarak na kutsilyo sa dibdib niya, habang ang kanyang puting damit naman ay may bahid na dugo. Pero ang dugong nasa puting damit niya ay parang sinadya, sinadyang ilagay. Dahil naka porma ito bilang letter S.

Napalunok ako, ano ang ibig sabihin sa letter S na nasa damit niya?

Natigil ang panginginig nang mga kamay ko nang may maramdaman akong humawak dito, nang lumingon ako ay doon ko nakita si Aling Mercy na nakahawak sa kamay ko. Nginitian niya ko bago niya ito pinisil, napangiti rin tuloy ako dahil parang nabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

"Sino kaya ang gumawa nito sakanya?" nagtatakang bulong nong katabi kong babae.

"Oo nga, atsaka isa pa, paano siya napunta dito? E, Cr nang mga babae ito?" sang-ayon naman nong katabi niya sakanya.

Nanikip ang dibdib ko, dahil sa mga pinaghalong amoy na naamoy ko. Amoy nang mabahong Cr at amoy nang mga preso. At dahil narin siguro sa rami nang tao dito ngayon.

Muli kong liningon ang gawi nong patay, gusto kong maawa dahil sa kinalalagyan niya ngayon, pero hindi ko magawa. Dahil may parte sa puso kong nagsasabi na nararapat lang sakanya iyon. Dahil sa ginawa niya sa akin.

Gusto kong maawa sakanya, dahil alam kong kahit ganon paman ang ginawa niya sa akin, ay may karapatan parin naman siyang mabuhay. Pero kahit anong gawin ko'y hindi ko magawa. Gusto kong pokpokin ang sarili ko at piliting maawa sakanya, pero hindi e. Hindi ko kaya. At dahil doon naguguilty ako. Naguguilty ako sa isang bagay na hindi ko naman kasalanan.

Kaya nama'y napagpasyahan kong umalis sa harapan nong bangkay niya, binitawan rin naman ni Aling Mercy ang pagkakahawak sa kamay ko, na siyang ipinagpasalamat ko rin naman.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant