Kabanata 20

10.8K 186 4
                                    

"Nasan pala si Spencer iha?" tanong sa akin ni Sister Luz, pagkapasok na pagkapasok ko palang sa gate nang kumbento.

"Nag papark po nang sasakyan sa may simbahan." sagot ko.

She smiled before nodded, "Ate Jeanshe!!" isang nakakabingi na sigaw ang narinig ko, pagtingin ko sa gawi nong pinanggalingan nang boses ay doon ko nakita si Kiboy na tumatakbo papunta sa gawi ko.

Yinakap niya ang mga binti ko nang mahigpit, gustuhin ko man siyang kargahin kagaya nang dati ay hindi na maari dahil buntis ako at baka mapano pa itong bata na dinadala ko.

"Ate, Jeanshe karagahin mo 'ko." ang nakangusong ani ni Kiboy habang ang kanyang mga kamay ay naka angat sa ere.

"No, she's not allowed, Kiboy dahil baka mapano ang bata na nasa sinapupunan niya." Sabay kaming napalingon sa likod nang marinig namin ang baritonong boses na iyon.

Napangiti ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko, "Kuya Spencer!" ang malakas na sigaw ni Kiboy bago nagpakaraga kay Spencer. Kinarga naman siya ni Spencer bago hinaplos ang toktok nang ulo nito.

Muling hinawakan ni Spencer ang bewang ko habang nakayapos si Kiboy sakanya. Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang paghigit niya sa akin palapit sakanya.

Pinamulhanan ako nang mukha nang makita kong nakangiti na si Sister Luz habang pinagmamasdan ang gawi namin, may nanunudyong siyang mga ngiti.

"Kumusta kana iho?" tanong ni Sister Luz sakanya.

"Ayos lang po kami nang asawa ko." Spencer said, diniinan ang katagang asawa ko, dinamay pa talaga ako kahit na ang tinanong lang naman ay siya. "E, kayo po dito Sister? Ayos lang po ba kayo rito? Natatanggap niyo parin po ba ang mga donasyon?"

Nakangiti namang tumango si Sister Luz, "Ah, oo natatanggap parin namin ang mga donasyon, maraming salamat pala iho."

"Walang anuman po."

Napakamagalang niya talaga kapag sila Sister ang kausap, pero pagdating sa akin at sa kaibigan niya, ewan ko lang.

"Balita ko'y ikinasal na kayo ni Spencer, totoo ba 'yon iha?"

Napatigil ako sa ginagawa kong pagkain sa meryendang kanilang inihanda bago nag-angat ng tingin.

Medyo naguilty ako, dahil hindi ko nasabi sakanila na ikakasal na ako, nalaman pa tuloy nila sa iba. Iimbentahan ko rin sana silang dumalo sa kasal ko, pero wala e, kinulang ako sa oras dahil sa hindi ko naman kasi alam na ikakasal pala ako sa araw na iyon.

Lumunok ako, "Ahh, opo... Sorry po pala kong hindi namin kayo naimbetahan hindi ko po kasi alam na ikakasal pala ako sa araw na iyon," pagdadahilan ko sakanya habang nakayuko, nakakaguilty kasi talaga e.

Sila kasi 'yong nandon sa mga oras na kailangan ko nang aruga, sila ang nag-aruga sa akin at nagmahal pero hindi ko man lang sila inembitahan sa isa sa mga napakahalagang okasyon nang buhay ko. Nakaka guilty tuloy.

"Ano, kaba iha. Ayos lang 'yon, pinaintindi naman ni Spencer sa amin kong bakit naging ganon ka biglaan." Ani ni Sister Sheila na busing busy sa kanyang nilulutong suman.

"Yeah, don't worry baby, ikakasal pa naman tayo ulit, at sa pagkakataong iyon ay sa simbahan na and this time, lahat nang mahahalagang tao sa buhay mo ay iimbitahan natin." Nag-angat ako nang tingin bago napalingon sa gawi nang pinto nang may narinig akong nagsalita doon.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon