Kabanata 30

10.4K 176 49
                                    

Warning: I already warned you.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagtakip niya sa bunganga ko. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa akin. Nahulog ang damit na pinaghubaran ko dahil sa ginawa kong pagpupumiglas.

Hinawakan ko ang mga kamay niya, upang alisin ang kamay niyang nakatakip sa baba ko. Pero ganon nalang ang pagkakabigla ko nang maramdaman ko ang paghuli niya sa dalawa kong kamay. Nang mahuli niya ito ay inilagay niya ito sa uluhan ko.

Muli akong nagpumiglas pero mukhang hindi siya naapektuhan sa ginawa ko dahil hindi siya natinag. Tinuhod ko ang pagkalalaki niya, umaasang sa pamamagitan niyon ay makawala ako mula sa pagkakahawak niya, pero mukhang inaasahan na niya ang pag atake kong iyon dahil agad siyang nakaiwas bago paman tumama ang tuhod ko sa pagkalalaki niya.

Muli kong tinuhod ang pagkalalaki niya pero kagaya nong una'y nakaiwas siya, kaya nama'y iba ang pinuntirya ko at iyon ay ang sikmura niya.

"Aghh." daing niya nang matamaan ko ang tiyan niya. Napahawak siya sa tiyan niya, na siyang naging dahilan kong bakit nawala ang kamay niya sa pagkakatakip niya sa bunganga niya.

Nang mawala ang kamay niya sa pagkakahawak sa bunganga ko ay muli akong sumigaw nang pagkalakas lakas, umaasa na sa pagkakataong ito'y may makakarinig sa akin.

Napatingin ako sa kanan kong bahagi, naitigil ko rin ang ginawa kong pagsigaw nang maramdaman ko ang pagdapo nang palad niya sa pisnge ko.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang paghapdi nito, gawa nang pagputok nang labi ko.

Nang lumingon ako sa gawi niya ay doon ko nakita ang napakapangit niyang mukha, takte siya! Ano ang karapatan niyang sampalin ako? E ang pangit pangit naman niya?! Ang mga pogi lang ang may karapatang sampalin ako.

Yumuko ako nang sa gayon ay maiwasan ko ang pagkakatitig sa mukha niya, baka kasi maging kamukha niya ang anak ko. Baka kasi sakanya magmana ang anak ko, ang pangit niya paman pag nagkataon.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang paglapat nang mga labi niya sa balikat ko. Ilang maliliit na halik ang ikinitil niya dito. Napaluha ako dahil doon.

Tangina! Ano ba ang nagawa ko sa past life ko at bakit parang pinaparusahan ako nang mundo?!

Una, namatay ang mga magulang ko. Pangalawa, nainlab ako sa isang lalaking may psycho disorder, sinakatan ako nito, hindi lang isang beses kundi napakaraming beses. Pangatlo, nakulong ako dahil sa pagkakasalang hindi ko naman ginawa, Pang-apat nakipag annul sa akin ang asawa ko.

And lastly, pinagsasamantalahan ako nang isang lalaking hindi ko naman kilala. Nanlalabo na ang paningin ko, gawa nang pag-iyak ko.

Nandiri ako sa katawan ko lalo na nang maramdaman ko ang pag-akyat nang mga halik niya papunta sa leeg ko.

Kailangan kong magpakatatag, kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko at sa anak ko. Kailangan kong makawala mula sa lalaking ito.

Napangiti ako nang malagim nang may mapagtanto ako, dahil busing busy siya sa ginagawa niyang paghalik sa akin ay mukhang magagawa ko na ang plano ko. Ang kailangan ko lang ay ang tiyempo.

"Hmmmm ang bango bango mo naman babe. Alam mo bang simula nang mapasok ka sa lugar na ito'y pinagnanasaan na kita." Ang sabi niya sa gitna nang mga halik niya sa leeg ko. "Pati sa mga panaginip ko'y dinalaw ako nang alindog mo. Pati sa pagsasalsal ko'y ikaw ang laman nang isip ko." dagdag pa niya na siyang naging dahilan kong bakit napangiwi ako.

Nandiri ako dahil sa narinig ko. Yuck! Nakakasuka ang lalaking ito! Gusto kong sumuka sa pagmumukha niya. Gusto ko siyang patayin at kitilan nang buhay sa totoo lang.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora