Kabanata 28

9K 171 17
                                    

"Ayos kalang ba dito?"

Nginitian ko siya nang mapait bago sunod sunod na umiling, gusto kong magsinungaling, at sabihin sakanya na napakaayos ko dito, na wala siyang dapat na ikabahala dahil ayos lang ako dito, na ang saya saya ko dito, pero siguro kahit ano pa mang pagsisinungaling ang gagawin ko sakanya ay hinding hindi ko maitatanggi ang katotohanang parang naging impyerno ang mga karanasan ko dito.

Hinawakan niya ang mga kamay ko nang mahigpit, "Don't worry, Jeanshe. We will do everything, just to make you out in this----" waring nandidiri niyang pinasadahan nang tingin ang buong kulungan, "Dirty filthy place." pagpapatuloy niya pa bago ngumiwi.

Napailing nalang ako dahil sa tinuran niya, Jazmine, will aways be Jazmine. The maarte in our squad na marunong magmalasakit sa kaibigan, maasahan mo siya sa lahat nang bagay, pero huwag lang sa pag-ibig dahil marupok 'yan.

"You can count me in, boo." Eman sincerely said.

Napatingin naman ako sa gilid ko at doon ko nakita si Eman na nakangiti habang nakaakbay sa akin. Ngumiti ako nang mapait sakanya bago bahagyang umusog palayo sakanya.

Nahihiya kasi ako sa bango niya e, ang bango bango niya kasi na para bang ipinangligo niya ang isang perfume, samantalang sa akin naman ay halos hindi ko na maamoy ang sarili ko dahil sa baho ko.

Naliligo naman ako, pero limited lang kasi ang tubig kaya naging ganon, and plus the fact that ang baho nang atmosphere dito, kumakapit tuloy sa suot kong damit ang baho dito.

Umusog siya palapit sa akin, bago hinapit ang bewang ko palapit sakanya. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi ko inaakalang mas mabibigla pa ako sa susunod niyang gagawin. Dahil marahan niyang hinaplos ang umbok nang tiyan ko na para bang anak niya ito.

"Hindi ba sumasakit ang tiyan mo nitong mga nakaraan?" he asked.

Walang hiya kong inihilig ang ulo ko sa balikat niya, "U-huh." ani ko sakanya, habang patuloy na dinadamdam ang paghaplos niya sa tiyan ko. Ang ganda kasi sa pakiramdam nang ginagawa niya, para kasing hinihele ang anak ko sa loob dahil sa ginagawa niya.

"The atmosphere of this place is not good for your health Jeanshe, lalo na't buntis ka." Jazmine said,

Eman nodded, "Yeah. Kaya kailangan mo na talagang makalabas sa lugar na ito sa lalong madaling panahon." pag-sang ayon naman ni Eman, bago tinigilan ang ginagawang paghaplos sa umbok nang tiyan ko.

Walang pandidiri niya kong hinapit palapit sakanya bago inakbayan, inihilig ko naman ang ulo ko sa balikat. Na miss ko 'to, Na miss ko siya, Na miss ko silang dalawa. Ilang buwan na ba ang lumipas simula nang hindi kami nakapagkita? Ilang buwan na ba ang lumipas simula nang magkita kami?

Siguro isang buwan, nawalan kami nang panahon sa isa't isa simula nang maging hectic ang schedule nila. Si boo kasi ay naging busy sa pag-aaral niya. Mahirap ang course na kinuha niya kaya inilaan niya doon ang halos lahat nang oras niya, at dahil doon ay naintindihan ko siya. Samantalang si Jazmine naman ay naging busy sa pag re-review niya para sa pag bo-board niya at naging busy rin siya sa panlalandi niya kay Storm.

"E, ano ba kasi ang sabi ni Attorney, Guemaras, tungkol sa kaso niya?" tanong ni Jazmine kay Boo. "May improvement ba?" she added.

Boo sighed, which made my heart pump loud, parang kibahan ako dahil sa ginawa niyang pagbuntong hininga. Mukhang hindi maganda ang balitang ipaparating niya. "Willing na willing ang mga Carson na masira ang pangalan nila para lang matuloy ang kaso."

Malakas akong napabuntong hininga, parang pinagsakluban ako nang lupa at langit dahil sa narinig kong iyon, parang pumintig ang tenga ko kasabay nang puso ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now