Kabanata 9

14.2K 275 15
                                    

It's been a month since we got married and with that months wala naman kaming masiyadong naging problema, except sa pambabae niya.

It's been a month since nalaman ko ang bagay na iyon and supposedly wala na sana ako sa tabi niya pero wala e, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sa tabi niya lalo na't alam kong wala na akong ibang mapupuntahan puwera nalang sakanya.

Yes, I have them. I can have myself, I can ask Jazmine to seek some help even my best friend which is boo. But I don't to be their burden.... I don't want to be someone burden since we have different problems.

May problema sila at ayaw ko nang idagdag ang problema ko sakanila. Eman is busy with his studies lalo na't malapit na ang thesis nila. Jazmine is also busy with her lovelife and with her family problems and plus the fact malapit na ang Board at kailangan na niyang mag review.

Kaya nama'y hindi ko gustong idagdag pa ang problema ko sa mga problema nila. They have their own business and I should focus on my own business.

Pinasadahan ko nang tingin ang buong kabuuan ko sa harap nang salamin. Medyo visible na ang umbok sa tiyan ko. Well 10 weeks na akong buntis at sabi nong ob-gyne ko'y magiging visible na ang umbok sa tiyan ko kapag tumuntong na ito sa ikapitong linggo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako umupo sa upuan na nasa harap nang salamin.

Blinower ko ang buhok ko nang makaupo na ako nang matiwasay. I smiled sweetly when I got satisfied with my look.

Hindi ko alam kong bakit, pero nitong mga nakaraang araw ay parang nagiging self conscious ako, na which is rare since hindi naman ako ganito noon.

Hindi naman kasi ako yong tipo nang babae na gagawing komportable muna ang sarili sa salamin bago lumabas. Siguro, may nagbago sa akin. Hindi ko nga lang alam kong ano ang dahilan. Siguro dahil ito sa pagbubuntis ko o baka naman dahil sa insecurities ko sa babae niya.

Napagtanto ko kasi kong bakit niya ko nagawang ipagpalit sa babae niya at iyon ay dahil sa maganda ang babae niya, marunong manamit at may postura talaga every gala. Samantalang ako ay ayos na ayos lang sa isang simpleng pulbo at lip tint.

And by thinking those thoughts naiinsecure talaga ako sakanya. She have everything even his love. While me parang nanlilimos lang nang pagmamahal niya.

I sighed heavily as I put the blower on the table. Nang makita kong ayos na ang pustora ko ay tsaka palang ako tumayo mula sa pagkakaupo ko.

Amoy aroma na kape ang una kong nalanghap nang marating ko ang gawi sa kusina.

Hindi ko napigilan ang sarili kong huwag mapangiti nang makita ko ang ginagawa niya. Nakasuot siya nang apron na kulay pink habang seryosong seryoso habang nagluluto.

I wonder, ganitong eksesna rin kaya ang nasasaksihan ni Valentine sa tuwing hindi umuuwi sa akin si Spencer? Napapangiti rin ba siya sa tuwing nakikita niya si Spencer na nagluluto pagkatapos siyang tirahin nito kinagabihan?

Napangiti ako nang mapait dahil sa naisip. Ihinilig ko ang katawan ko sa hambana nang pinto habang pinagmamasdan ko ang gawi niya.

Parang siyang isang mabutihing asawa ko kong makaasta. Nagluluto nang almusal sa umaga, 'tas ang sweet sweet niya sa akin kapag kaming dalawa lang, 'tas kong may makita siyang lalaking naka aligid sa akin ay agaran siyang sisimagot na waring nagseselos siya. And those are the reason kong bakit hindi ko siya magawang panghinalaan not until I saw him with her..not until I saw him kissing her torridly.

Napalingon siya sa gawi ko nang maramdaman niya siguro ang presensiya ko. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya sa labi niya bago  niya muling ibinalik ang atensiyon niya sa niluluto niya.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon