Kabanata 53

9.6K 175 18
                                    

This chapter is dedicated to RavishingYou (Sorry but I can't mention you po)

The end is near, pero yong mga twist hindi pa lumalabas. HAHAHA
___

Napatingin ako sa gawi ng pinto, ng marinig ko ang pagbukas nito. Agad na lumiwanag ang mga mata ko ng makita kong pumasok ang isa sa mga lalaking nagdala kay Thunder sa kung saan man. Umaasa ako na sana kasama niya si Thunder, at ang susunod na papasok sa pintong iyon ay si Thunder na walang galos at maayos ang lagay.

Pero kagaya ng una'y agaran akong nanlumo ng makita ko kung paano sumirado ang pinto, pero ni isang Thunder ay walang pumasok.

Ilang beses na akong umasa na sana'y sa muling pagbukas ng pinto na iyon ay sana si Thunder na ang lulan. Pero kagaya nong mga nauna'y palagi akong nauuwi sa wala. Palagi akong nauuwi sa pagkabigo.

Nag-aalala na kasi ako sa lalaking yon, kahit nay traydor yon. Nag-aalala na kasi ako sakanya kahit na'y traydor siya, dahil minsan niya narin akong tinulungan. Nag-aalala ako sakanya dahil minsan narin naming tinuring na magkaibigan ang isa't isa. Nag-aalala ako sakanya dahil minsan na rin siyang naging parte ng ilang kabanata ng buhay ko. Kaya ganon nalang ang pag-aalala na nararamdaman ko para sakanya.

"Nasan si Thunder? Saan mo dinala si Thunder?" sunod sunod kong tanong sa lalaking pumasok sa pintuan ng dumaan ito sa harapan ko.

Napatigil ito sa ginagawa nitong paglalakad, nakapamulsa itong lumingon sa gawi ko, bago ako nito tinignan ng may pagka bagot.

Then he slowly smile like a devil one, "Hell." He answered bago niya ipinagpatuloy ang naudlot niyang paglalakad.

Napatanga ako dahil sa tinuring niya, at tanging ang pagtanaw ko nalang sa bulto niyang papalayo mula sa gawi ko ang tangi kung nagawa.

What is he mean? Hell? Oh my god! Dont tell me pinatay nila si Thunder kaya napunta siya sa hell?! Sa kaisipang iyon ay bahagya akong kinabahan.

Sunod sunod kung ipinilig ang ulo ko sabay sambit sa mga katagang huwag naman sana.

Ilang oras na ang lumipas simula ng dakipin at kaladkarin si Thunder palabas, Ilang oras na rin ang lumipas simula ng ako'y magising, Ilang oras na rin simula ng maghintay ako sa kanyang pagbabalik. Pero hanggang ngayon ay hindi parin siya dumadating. Ni Isang anino niya'y hindi ko nakita. Which made my heart beat fast, dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan kasi ako sa kaisipang baka may mangyaring masama- hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan para sakanya, e supposedly hindi naman talaga dapat dahil traydor siya. But I just cant help myself, siguro dahil sa kaisipang minsan ko na rin siyang tinuring na kaibigan, siguro dahil sa kaisipang kaibigan siya ni Spencer.

Sa bawat pagbukas ng pintuang iyon ay palagi akong umaasa na sana, siya na ang lulan niyon. Pero sa bawat pagbukas niyon ay palagi akong nauuwi sa bigo.

Kung kaya't ng marinig ko ang muling pagbukas ng pintuang iyon, ay hindi na ako nag-abala pang lingunin iyon, dahil obvious na obvious na kagaya nong mga nauna'y hindi parin siya ang lulan niyon.

But my eyes widened as my jaw dropped when I saw him, when I saw Thunder.

May marami siyang pasa, halos pasa ang buo niyang mukha. Putok ang labi, gisi ang kilay, may malalaking black eye sa makabilaang mata at dumudugo pa ang kanan niyang pisnge. Halos hindi ko siya makilala sa pustora niya ngayon.

May dalawang taong nakaakaay sa makabilaan niyang balikat, at ang dalawang taong iyon ay ang siya ring nakita kong kumaladkad sakanya.

Akay akay nila ang sugatan at nanghihinang si Thunder. Dali dali akong napatayo dahil sa pagkabigla ko. Gusto ko siyang puntahan atsaka daluhan, pero hindi ko magawa dahil naka-kadena ang kanan kong bahaging paa, dulot ng kanila itong ekadena ng sa gayon raw ay maiwasan ko ang ginawa ko kanina. Ng sa gayon daw ay hindi na maulit ang ginawa ko kanina.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now