Kabanata 72

9K 134 11
                                    

Kalunos lunos ang itsura niya.... Iyan lang ang tanging katagang mededeskripsiyon ko habang pinagmamasdan ko ang katawan niyang wala ng buhay.

May tama ng bala ng baril ang noo niya, nakadilat ang mga mata niya habang may dugo na patuloy umaagos mula sa bibig niya, para siyang isang zombie sa itsura niya ngayon. Isang tao na nakagat ng isang zombie, and any minute from now, he will be one of them.

Nanlalaki ang mga mata ng muli kong tinignan ang gawi ni Eman, isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko sakanya, na wari bang nagtatanong kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon... kung paano niya napatay si Jose ng walang pag-aanlingan na tila ba'y pumapatay lang siya ng isang hayop...

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa na wari bang naghahanap ako ng kung anong bagay sakanya na makakapagsabi sa akin kung bakit niya pinatay si Joselito...kung bakit niya pinatay si Joselito ng walang pag-aanlingan and how can he kill without any mercy? Ito ba ang kauna-unahang pagkakataong nakapatay siya? O hindi? Pero mukhang hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon, dahil base sa reaksiyon niya habang binibaril niya si Jose ay tila hindi iyon ang kauna-unahang beses niyang pumatay, hindi iyon ang kauna-unahang beses na pumatay siya dahil mukhang marami na siyang napatay base sa reaksiyon niya.

Pero bakit? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko nalaman agad? Bakit wala sa mukha niya ang pumatay? Bakit wala sa mukha niya na kaya niya palang pumatay? Siya ba talaga ang Eman na kakilala ko? O baka ibang Eman itong nasa harapan ko at nagpapanggap lang na siya. O baka naman na ang Eman na kakilala ko ay hindi ko talaga lubusang kilala dahil sa nakakubli nitong tunay na pagkatao?

Damn?! Nakakalito! Nalilito na ako! Sino ba talaga siya? Ano ba talaga siya?! Siya ba talaga ang Eman na best friend ko na kakilala ko?! O baka nagpapanggap lang siya?! Siya ba talaga ang lalaking parte ng buhay ko? Ganon na ba talaga kalubusan ang pagkakakilala ko sakanya. Lubusan ko ba talaga siyang kilala? Ang tunay na siya ba ang kakilala ko? Damn! Ba't ba hindi ko alam na may ganitong side pala siya?!

"Let's go, Jeanshe." napatingin ako sa kamay na inilahad niya sa harapan ko.

Nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang tanggapin ang kamay niyang nakalahad sa akin dahil sa mga kaisipan na bumabagabag sa isipan ko. Sa mga kaisipan na hindi ko na siya dapat pang pagkatiwalaan dahil sa mga kadahilanang hindi siya ang Eman na kakilala ko. Dahil sa mga kadahilanang maari siyang isang kalaban rin kagaya nila... Dahil sa kadahilanang maari rin siyang isang traydor kagaya nila na nagkukubli sa isang katauhan na hindi naman talaga siya, dahil sa kadahilanang para lang makalapit sa akin. O baka naman isa rin siya sa mga anak ng pinatay ng papa ko, na lumalapit sa akin at tinuturing akong kaibigan para makipaghigante rin sa akin sa pamamagitan ng pagpatay sa akin.

Out of frustration, ipinilig ko ang ulo ko na siyang naging dahilan kong bakit ako napangiwi, may kung ano kasing tumunog sa leeg ko dahil sa ginawa ko.

Gusto kong huwag siyang pagdudahan pero hindi ko kaya... Siguro dahil ito sa mga kaisipang iyon, at dahil narin siguro sa kadahilanang ang lahat nalang ata ng tao na kakilala ko at nagiging parte ng buhay ko'y trinatraydor ako. O baka naman....dahil ito sa kadahilanang hindi ko na siya maari pang pagtiwalaan dahil sa lihim niya na ngayon ngayon la'y nalaman ko.

Damn! This is confusing! This is iritating the hell out of me! Damnit.

Malaks akong napabuntong hininga bago nag-angat ng tingin at doon ko nakita ang pangungusap sa mga mata niya, na tanggapin ko ang kamay niyang nakalahad.

"Let's go, Jeanshe. Dahil baka maabutan tayo nila Vildamir dito," ang tila nawawalan ng pasensiyang ani nito.

Isnag malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin, nagdadalawang isip ma'y tinanggap ko nalang ang kamay niyang nakalahad.....dala ang pag-asa na sana sa pagtanggap ko sa mga kamag niya ay ang pag-usbong ng bagong pag-asa. Bagong pag-asa na makakakalaya na ako sa mala impyernong lugar na ito. Na sana hindi siya katulad nila...na sana mali ang pag-aakala ko tungkol sakanya.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now