Kabanata 29

9.7K 150 22
                                    

Nanlamig ako nang makita ko ang lalaking hindi ko inaakalang bibisita sa akin, sa oras na ito.

Natatakot man sa maari niyang gawin ay pinilit ko parin ang ngumiti bago lumapit sa gawi niya. Pero ang ngiti kong iyon ay nauwi sa pag ngiwi nang makita ko kong paano niya ko tignan mula ulo hanggang paa.

Ilang araw na simula nang makulong ako dito, pero ni isang pagbabago sakanya ay wala akong nakita. Guwapo parin siya gaya nang dati, kahit na simple lang ang damit na suot suot niya'y malalaman mo parin na mayaman siya dahil sa nagsusumigaw niyang karangyaan. Samantalang ako nama'y hindi ko na madescribe ang sarili ko dahil sa pagkapangit at lagkit nang katawan ko. Pinagpawisan kasi ako kanina sa loob nang simbahan dahil sa ang raming tao, kaya siguro naging malagkit ang pakiramdam ko.

Ilang araw narin simula nang itigil ko ang pag-aayos ko sa sarili ko dahil sa kadahilanang nasa bilanggoan ako, dahil para sa akin kapag bilanggo kay wala ka nang karapatan pa sa mga materyal na bagay na ibinigay nang diyos sa'yo.

May kong ano akong nakita sa mga mata niya matapos niya kong pasadahan nang tingin, pero agaran ring nawala ang emosyon na iyon sa mga mata niya, kong kaya't hindi ko napangalanan kong anong uri nang emosyon iyon.

Umayos siya nang tayo, bago niya inilapag sa mesa ang brown envelope na kani kanina lang ay hawak niya.

Pinilit kong huwag ipahalata sakanya na nanginginig ako, pero kahit anong gawin ko pama'y nanginig parin ako. Siguro dahil ito sa kaba na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan, pero pakiramdam ko'y may mangyayaring masama na hinding hindi ko magugustuhan.

Napabuntong hininga ako nang makaupo ako nang matiwasay sa silyang nasa tapat nang kinauupuan niya. I have a bad feeling about this.

I tried to calm myself first, bago ako nag-angat nang tingin. Nagkasalubong ang aming mga mata nang mag angat ako nang tingin.

Akala ko ako ang uunang iiwas pero isang malaking pag-aakala lang pala iyon dahil siya na mismo ang nag-iwas nang tingin.

Yumuko siya bago niya bahagyang itinulak ang brown envelope palapit sa akin.

Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko sakanya nang maglapag rin siya nang ballpen sa mesa, na siyang naging dahilan kong bakit mas nagtaka pa ako.

"Open it." he said coldly said like we didn't know each other. Like he didn't love me, Like I am not his wife. Like he is not the father of the child that I am bearing. Like I am just a trash and a shit.

Nagtataka may sinunod ko ang utos niya, nanginginig ang mga kamay ko habang dinahan dahan ko sa pagbukas ang brown envelope na ibinigay niya.

Nanlamig ako, para akong binuhusan nang isang malamig na baldeng tubig nang makita ko ang laman nang envelope na iyon.

Nagsibagsakan ang mga luha ko habang binabasa ang pamagat nang documentong ibinigay niya. Nanginginig ako dahil sa sakit at pait na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Kalauna'y inilapag ko ang documento sa mesa bago ginulo ang buhok ko. Nasapo ko ang noo ko, upang itago sakanya ang mga luha ko, pero alam kong huli na ang lahat dahil alam kong nakita na niya ito bago ko paman masapo ang mukha ko.

Ginulo ko ang buhok ko bago ko siya tinignan nang may pagmamakaawa. I hopelessly stare him. Pero ni isang reaksiyon ay wala akong nakita sa mga mata niya, malamig lang itong nakatitig sa gawi ko, na para bang hindi ito naapektuhan sa pagmamakaawa at pag-iiyak ko.

He is cold as ever.

Nanghihina akong napayuko, muling tumulo ang luha ko dahil sa nabasa ko. Nakita ko kong paano mabasa ang documentong kanyang ibinigay sa akin gawi nang pag iyak ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon