Kabanata 47

9.7K 193 30
                                    

Medyo okay na'ko. So yeah, Enjoy reading! Please do vote, comments and share the story. Thank you!

Last week pa ang message na ito, pero dahil ngayon lang ako nakapag active ulit, ngayon ko lang ito nabasa.

"Jeansh, can we meet?" Thunder asked.

Dali dali akong nag tipa nang irereply, "Why?"

Hindi ko inaakalang online siya, kaya ganon nalang ang pagkagulat ko nang wala pamang isang minuto ay nag reply na siya.

"May sasabihin sana ako sa'yo." he answered na siyang ipinagtaka ko. Ano ang gusto nitong sabihin sa akin? At ba't parang importante?

"Ha? Ano naman yon."

"Bukas nalang natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon, Jeanshe. Kaya sana pumayag ka. Mahalaga ang sasabihin ko at may ibibigay rin ako sa'yo." he answered again.

Bahagya akong kinabahan dahil sakanyang tinuran, ano ang ibig niyang sabihin sa tinuran niya? At ba't kinabahan ako bigla! Ba't parang may naaamoy akong mali sa sinabi niya.

At dahil na corious ako kong ano ang gusto niyang sabihin sa akin, at kong bakit parang importante ito'y wala sa sariling ako'y nagtipa atsaka umoo. "Okay, what time? Atsaka saan?"

"Sa Brew cafe, 10 am." he answered. At dahil alam ko naman kong saan ang Brew cafe na tinutukoy niya'y umoo ako without any hesitation.

Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? At bakit parang ang importante naman ata? At ano rin kaya ang ibibigay sa akin?

Ang mga katanongang iyon ay ang nakatulugan ko kinakagabihan. Ng dahil sa koryusidad na aking nararamdaman ay hindi ako gaano na nakatulog, hindi ganon ka himbing ang pagtulog na nagawa ko kahit na pagod na naman ako sa buong maghapon kong ginawa.

Kinakabuksan, dala dala ang koryusidad ay tinahak ko ang daan papunta sa lugar na sinasabi niya. Karga karga ang mahimbing na natutulog kong anak ay pinuntahan ko ang lugar na sinasabi niya. Mabuti nalang at medyo malapit lang ang cafe na tinutukoy niya sa subdivision na tinitirhan ko.

Pagkarating na pagkarating ko palang sa labas nang subdivision ay agaran ko nang nakita ang grab driver na grinab ko.

Inihatid kami nito sa Brew cafe na tinutukoy ni Thunder. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa cafe na iyon, ay ang karangyaan agad ang napansin ko.

Ito palang ang kauna-unahang pagkakataong nakapunta at nakapasok ako dito. Pero alam ko ang lugar na ito, dahil ito ang isa sa mga pinakasikat na pasyalan ngayon. Kakabukas palang kasi nang cafe na ito, at maganda ang marketing strategy nila. Kaya ayon nag bloom agad ang negosyo nila.

Isa sa mga sikreto nang mga successful businessman kong bakit sila yumaman ay ang kanilang market strategy. Para lang rin yan sa mundo naming mga engineer. In order for you to become an successful engineer you need to put some strategy, isa sa mga example niyon ay ang dapat mong makumbinsi ang mga kliyente na kunin ka, kailangan mong kunin ang tiwala nila, sa pamamagitan ng pag o-offer ng murang halaga sakanila, murang halaga pero may malinis na trabaho at dekalidad na gawa.

Inilibot ko ang aking tingin upang makita ang taong aking hinahanap, pero imbis na siya ang mahanap ko'y iba ang nahanap ko. Si Valentine na umiinom nang kape habang parang may hinihintay.

Alam kong hindi kami ganon ka close dalawa, lalo na't magkaribal kami sa puso niya. Pero parang may kong ano sa aking nagsasabi na puntahan siya upang tanongin kong sino ang hinihintay niya. There's a something on my gutt who kept on pestering me. Who kept on telling me na dapat kong puntahan ang gawi niya.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon