Kabanata 34

10K 211 6
                                    

I closed my eyes as I feel the beat of my heart.

Ilang buwan na ang lumipas simula nang makulong ako sa bilangguan na ito, at sa loob nang mga buwan na iyon ay marami ang nagbago.

Lumaki na nang tuluyan ang umbok nang tiyan ko, at ni isang beses ay hindi ko pa naitry ang magpa prenatal check up dahil sa kadahilanang wala naman akong maaring malapitang doctor dito sa loob nang kulungan. Bilangguan kasi ito at hindi hospital.

Nagbago rin ang aura ko, dahil siguro sa kadahilanang bigat na bigat na ako sa tiyan ko. Ang laki na kasi nito e, malapit na rin kasi akong manganak. Gusto ko sanang makalabas na sa bilanggoan na ito bago manganak pero mukhang Imposible ang gusto kong iyon dahil sa kadahilanang itinuloy daw nang kabilang kampo ang kaso laban sa akin, pero ang nakakapagtaka lang ba't ngayon ay wala paring  hearing na nagaganap sa kaso ko?

Hindi ko inaakalang dadating ang araw na makukulong ako. Kasi never in my wildest dream na mapunta sa loob nito.

Isang simpleng mag-aaral lang kasi ako noon na nakatira sa bahay ampunan, nag-aaral nang mabuti dahil sa isang pangarap na gustong gusto kong makamit at iyon ay ang mabigyan nang hustisya ang pagkamatay nang mga magulang ko.

Pero nagbago ang lahat nang iyon nang makilala ko siya, nang makilala ko ang lalaking iniibig ko. Ang pangarap kong iyon ay nawala dahil sa mga tinuran niya, at ang tonuran niyang iyon ay ang siya na daw ang bahalang kamitin ang hustisya para sa mga magulang ko, at ako naman itong si tanga naniwala agad sakanya dahil sa kakaisip na mas malaki ang tiyansang makamit ko ang hustisya kapag umasa sakanya, because he have everything the power, the money, and everything. Alam kong sa isang kumpas lang nang mga kamay niya gamit ang pera niya ay mahahanap niya agad ang mga pumatay sa nga magulang ko. Pero binigo niya ko... Ilang beses niya kong binigo.

Nagbago ang lahat nang iyon nang makilala ko ang lalaking nangako sa aking papakasalan niya ko sa harap nang altar nang simbahan, oo't pinakasalan niya ko pero hindi sa harap nang altar kundi sa harap nang judge, ayos na sana yon para sa akin e, but yet he still manage to cheat on me... To annul with me.

Hindi ko alam kong ano ang nakain ko sa mga oras na iyon, at kong bakit ako nag I do nong tanongin ako nang judge, e sa simulat sapul palang ay alam ko nang hindi na mag wowork ang toxic relationship namin. Dahil sa sa simula't sapul palang may kabit na siya. Kaya hindi ko talaga alam kong ano ang nakain ko at ba't umoo ako.

Siguro, nabulag ako, nabulag ako sa kakaisip na mag wowork ang relationship namin, na bulag ako kakaasa na matutunan niya rin akong mahalin, na sa bandang huli ay kami parin nang anak niya ang pipiliin niya.

Pero sa bandang huli'y itinakwil niya rin ako pati ang bata na nasa sinapupunan ko.

It's been a month simula nang malaman ko ang mga katotohanang iyon, ang mga masasakit na katotohanang iyon, pero hanggang ngayon ay sariwa parin ang lahat, sariwa parin ang sugat na nasa puso ko.

Sa bawat araw na nagdaan ay palagi kong pinapatatag ang sarili ko at iniwawaksi sa utak ko ang kaisipang magpakamatay nalang. Sa bawat araw na nagdaan ay walang oras na hindi ko hinihiling sa panginoon na sana makawala na ako, na makawala na ako sa paghihirap kong ito. At sana mawala na ang bigat na nasa puso ko, pero hanggang ngayon ay hindi parin nito tinutupad ang hinihling ko.

Palihim kong pinunasan ang mga luha sa gilid nang mga mata ko bago tumayo mula sa pagkakahiga ko.

Panibagong araw, panibagong sakit. Ang mga katagang iyan ay ang siyang naging motto ko sa mga nagdaang buwan dahil sa bawat panibagong araw ay ang ang panibagong sakit na naman na makakamtan ko. Tulog pa sila nang ako ay magising, nakasanayan ko na kasing gumising nang maaga.

Kinuha ko ang tuwalya sa isang gilid bago lumabas sa selda namin. Tuwing umaga ay binubuksan ang mga selda namin para makapunta kami sa palikuran. Sa palikurang hindi ko alam kong ano ang itatawag ko dahil sa sobrang baho.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon