Kabanata 31

10K 208 21
                                    

Akala ko'y hindi ako ma tra-trauma sa nangyari sa C.r kanina, pero isang maling pag-aakala ko lang pala iyon. Dahil pati sa pagtulog ko'y dinalaw ako nito. Binangungot ako nito.

Kinulang ako sa tulog nang gumising ako kinaumagahan. Kinulang ako sa tulog dahil sa naalala ko ang nangyari sa C.r

Pinilit kong waksiin ang nga alaalang iyon sa utak ko, pero mukhang wala iyong balak na umalis, dahil hanggang ngayon nagpatuloy parin ito sa ginagawa nitong paggambala sa akin.

Walang nakaalam sa nangyari sa akin, hindi rin naman siguro ipinagkalat nong nagtangka sa akin ang mga impormasyon. Masakit man sa dibdib ko'y kinimkim ko ang lahat lahat, ang pandidiri dahil sa ginawa nang lalaking iyon sa akin, hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang mga halik niya sa balikat at leeg ko, ilang beses na kong naligo, ilang beses ko naring kinuskos nang maayos ang katawan ko para lang mawala ang feeling na iyon, pero wala e, walang nangyari.

Walang nakaalam tungkol sa nangyari kanina, at iyon ay ang dahilan kong bakit nasasaktan ako, pero pinili ko, pinili ko ang manahimik para sa kapakanan ko at nang anak ko.

Sa totoo lang, gusto kong ipakulong ang lalaking nagtangka sa akin, pero nang maisip kong nakakulong na pala siya'y hindi ko nalang ipinagpatuloy. Gustohin kong mang ipaglaban ang hustisya para sa akin, ay hindi ko magawa. Dahil alam kong kahit anong gawin ko pama'y hinding hindi ko iyon makakamtam. Lalo na't nawawalan na ako nang pag-asa. Nawawalan na ko nang pag-asang mabuhay.

Gusto kong ipaalam kay Aling Mercy ang tungkol sa nangyari sa akin, gusto kong ipaalam sa grupo kong ano ang nanyari sa akin, pero hindi ko magawa. Dahil natatakot ako, natatakot ako sa maari nilang gawin sa lalaking iyon, at isa pa baka maging simula iyon nang panibagong gulo.

"Ayos ka lang ba?" bahagya akong napatalon dahil sa narinig kong tanong.

Lumingon ako sa pinanggagalingan nong boses at doon ko nakita si Aling Mercy, na gising na pala. Dahil sa pagkakatulala ko'y hindi ko napansin gising na pala siya.

Luminga linga ako sa kiliran ko at doon ko nakitang halos tulog pa ang lahat, maliban sa akin at kay Aling Mercy.

Tumango ako bago ko siya nginitian, na para bang sa pamamagitan nang pag ngiti kong iyon ay sinisigurado ko sakanya na ayos lang ako, na wala siyang dapat ipag-alala.

Tumaas ang isang kilay niya bago tinitigan ang mga mata ko, napalunok ako. Lumalabas na naman yong pagiging maldita niya. Kaya ang pagiging maldita niya tuloy ang naging first impression ko sakanya, e kasi naman mukhang siyang mataray na parang galit sa mundo nang bagong salta pa ako dito e.

She smirked, "You can't fool me, dear." she said coldly which give me some goosebumps.

Napayuko ako atsaka sunod sunod na napalunok nang makita ko ang pagtayo niya mula sa pagkakaupo niya sa kutson niya. Mas napayuko pa ako nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tapat ko.

"Tell me, what's wrong, Jeanshe." she said. I bit my lower lip, bago ko mas iniyuko pa ang ulo ko.

Muli akong napalunok nang maramdaman ko ang pagdampi nang daliri niya sa baba ko, iniangat niya ang baba ko gamit ang mga daliri niya, na siyang naging dahilan kong bakit nagtagpo ang aming mga mata. "Tell me what's wrong."

Sa pagkakataong iyon ay ramdam na ramdam ko na ang diin sa boses niya. Nag-iwas ako nang tingin upang iwasan ang mga titig niya, pero hindi ko inaakalang iyon na pala ang magiging dahilan kong bakit ako luluha.

Napaluha ako, dahil hindi ko na kinaya pa ang bigat sa dibdib ko. Parang sinilihan ang mga mata ko dahil sa patuloy na pag-agos nang mga luha ko.

Pinilit ko ang sarili kong huwag maluha, pinigilan ko ang sarili kong huwag umiyak, pinigilan ko ang mga luha kong huwag tumulo. Pero wala akong nagawa nang kusa itong tumulo dahil sa bigat nang dibdib na nararamdaman ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon