Kabanata 36

9.9K 199 16
                                    

Napangiti ako nang maramdaman ko ang pagtama nang sinag nang araw sa balat ko. Ang init na dulot nito ay kay sarap damhim.

Na miss ko ang makita ang araw. Miss na miss ko na ring malanghap ang sariwang hangin.

Simula nang makulong ako ay bihira nalang kong makalanghap ako nang sariwang hangin dahil sa amoy nang kulungan. Lalo na't pag nasa C.r ako. Alam kong hindi maganda sa kalusugan ang paglanghap sa mabahong hangin na iyon, but I don't have any choice but to inhale those. Mabuti nalang at hindi pa nasisira ang kalusugan ko.

Umupo ako sa isang tabi habang pinapanood sila na busing busy sa pagbubungkal, may ibang nagtatanim, may iba namang nagdidilig. May iba namang naghahabi nang mga rattan, upang ibenta. Sa isang tabi naman ay may gumagawa nang mga parol para sa paparating na pasko.

Nong araw nang mga patay ay labis na lungkot ang naramdaman ko dahil sa kaisipang hindi ko mabibisita ang puntod nila mama at papa. Hanggang ngayon ay binabagabag parin ako nang konsensiya ko dahil sa kaisipang iyon, gusto kong bumisita sakanila dahil miss na miss ko na sila, pero hindi ko magawa dahil nakakulong ako. Nakakulong dahil sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa at kailan ma'y hinding hindi ko magagawa.

Sa paparating na pasko, mukhang magiging malungkot na naman ako dahil mukhang dito ako magpapasko at magbabagong taon. Lalo na't hindi parin umuusad sa korte ang kaso ko.

Mukhang magpapasko akong malungkot.

Napangiti ako nang maramdaman ko ang pagtama nang pang disyembreng hangin sa balat ko. Ang lamig na dulot nito'y nanuot sa lalamunan ko.

Ang sinag nang araw ay hindi masakit sa balat, saktong lang. Siguro dahil ito sa kadahilanang disyembre na.

"Carson, may bisita ka." malakas na sigaw nang kong sino man. Bahagya akong napatalon dahil sa gulat na naramdaman ko nang marinig ko ang mga katagang iyon.

Mabilisan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko bago liningon ang gawi nong tumawag sa akin at doon ko nakita si kuya guard, nakahamba ito sa mga bakal na rehas habang nakataas ang kilay.

Sa ilang buwan na pananatili ko dito ay medyo kilala ko na ito, siya lang naman kasi ang guard na palaging tumatawag sa akin na Carson kahit ilang beses ko na siyang pinagsabihan na Trinidad, na Trinidad ang itawag niya sa akin.

"It's Trinidad, kuya guard." nakangiti kong ani sakanya bago tinapik ang balikat niya. Ilang beses ko nang sinabi sakanya na Trinidad at hindi Carson, pero patuloy niya parin akong tinatawag nang ganoon. Nang-aasar siguro siya e.

Sino kaya ang bisita ko ngayon? E, wala naman akong inaasahan na dadalaw sa akin? Hindi naman siguro sina Eman at Jazmine ang dalaw ko diba? Hindi rin naman siguro ang mga bruha at bruho ang dalaw ko diba?

Bumuntong hininga ako bago ako lumabas, Iginala ko ang paningin ko upang hanapin ang taong dalaw ko na sinasabi sa akin ni Kuya gurad.

Napangiti ako nang matamis nang makita ko ang dalaw na sinasabi sa akin ni Kuya gurad. Dali dali akong pumunta sa kanilang gawi, napatayo naman silang dalawa nang makita nila akong tumatakbo papunta sa gawi nila.

Yinakap nila akong dalawa, yumakap naman ako pabalik sa kanila. We do the group hug thing. Ang taong kanina kanina la'y miss na miss ko, ngayon ay nasa harapan ko na. Ang taong na miss ko dahil sa ilang linggo nilang hindi ako dinalaw ay nasa harapan ko at kayakap ko.

Lumuluha akong kumalas mula sa pagkakayakap sakanila. Damn this pregnancy hormones of mine, nagiging emotional na naman tuloy ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko, bago umupo sa upuan na katapat nang kinauupuan nila. Umupo naman sila sa tapat ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon