Kabanata 25

9.7K 183 8
                                    

You're just a part of their revenge, Jeanshe.

You're just a part of their revenge, Jeanshe.

You're just a part of their revenge, Jeanshe.

Ang mga katagang iyon ay ang paulit ulit na umalingawngaw sa utak ko na siyang naging dahilan kong bakit nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog.

Nasapo ko ang noo ko bago ginulo ang buhok ko, pinokpok ko ang ulo ko gamit ang mga kamay ko, umaasa na sa pamamagitan niyo'y mawawala na ang paulit ulit na pag alingawngaw nang boses na iyon sa utak ko.

Napaluha nalang ako nang maramdaman ko ang sakit nang ginagawa ko pero ang nasa isip ko'y hindi parin nawawala.

Muli kong pinokpok ang ulo ko, umaasang sa pagkakataong ito'y mawawala na ang mga katagang iyon sa utak ko, pero walang nangyari. It still haunting me.

Naramdaman ko ang pag-uga nang gilid ko, isang palatandaan na may umupo sa tabi ko.

May humawak sa kamay kong ipopokpok ko na sana ulit sa ulo ko, pinigilan ako nito, "Hey, are you okay?"

Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang nang mga katagang iyon ay agaran na akong yumakap sakanya nang mahigpit habang may luha sa mga mata.

"What happened?" Ramdam na ramdam ko sa boses niya ang labis na pag-aalala para sa akin, hinahaplos haplos niya pa ang likod ko.

I sobbed, "Nightmare." pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay ginugulo lang talaga nang mga katagang iyon ang utak ko.

Gusto kong itanong sakanya kong ano ang ibig sabihin niyon, kong ano ang ibig sabihin nong mga sinabi ni Valentine pero hindi ko magawa, dahil natatakot ako. Natatakot akong masaktan, natatakot ako sa maari kong marinig.

Natatakot akong baka bumalik na naman sa dati ang dati naming pinagsamahan, kapag tinanong ko ang mga iyon sakanya.
Hinaplos niya ang likod ko bago hinalikan ang toktok nang ulo ko, "Nightmare is a nightmare, baby. It can never hurt you, so don't be afraid of it."

He whispered wile kissing my temple. Napahikbi ako, "Now, Sleep." he said it with a sleepy tone.

Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakayakap ko sakanya, bago niya ko inalalayan muling humiga sa kama.

"How about you? Kailan ka matutulog?" nagtataka kong tanong sakanya habang nakatingin sa laptop niyang hanggang ngayon ay nakabukas pa rin, naroon rin doon ang mga nagkalat na papeles.

"Kailangan ko munang tapusin 'to." he said with a genuine smile.

Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko, "Sleep my baby."

Tatayo na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya na siyang nagpatigil sa binabalak niyang pagtayo.

Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko sakanya, "May nangyayari bang masama sa kompanya?" diretsiyahan kong tanong sakanya.

Kanina pa kasi siya busing busy sa laptop niya, tas parang may problema siya, nakakunot kasi ang noo niya at nagkasalubong ang mga kilay habang nakatingin sa laptop niya.

Kilalang kilala ko ang ugali niya, kaya Imposibleng hindi tama ang mga hinala ko.
Ni hindi pa nga siya kumakain e, kanina kasi inaya ko siyang kumain, pero sabi niya mamaya na lang daw siya kakain at mauna nalang daw ako. Kaya kahit nagtataka'y may sinunod ko siya.

At nong inaya ko siyang matulog ay hindi siya kumibo bagkos ay mas itinuon pa niya ang atensiyon niya sa laptop niya. Kaya wala akong ibang nagawa kundi matulog.

Alam kong may problema siya sa kompanya, pero ang nakakapagtaka lang ba't ayaw niya itong ipaalam sa akin? Ako ang secretary niya pero ba't ako pa ang walang alam?

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now