Kabanata 42

11K 209 77
                                    

Grabe 'yong tawa ko sa mga comments niyo sa previous chapter. HAHAHAHA ginanahan tuloy akong mag update.

Happy Reading! Ang di iiyak sa chap na 'to magkakajowa. HAHAHAHA

"Why are you crying?"

Mabilisan kong pinunasan ang mga luha na nasa aking mga pisnge ng marinig ko ang tanong ni Jazmine na iyon.

Hindi ko namalayan ang sarili kong umiiyak na pala ako, namalayan ko lang iyon nang maramdaman ko ang lamig sa pisnge ko, dulot ng pagdaloy ng aking mga luha sa pisnge ko.

Imbes na sagutin ang tanong niyang iyon ay tinanong ko rin siya, "Nasaan ang anak ko?" tanong ko ulit sakanya. Umaasa na sana masagot niya---nila ang tanong ko sa pagkakataong ito. Pinilit ko ang sarili kong kumalma nang sa gayon ay maiwasan ko ang pagtaas ng boses ko at ang pagkataranta ko pero hindi ko kaya, dahil natatakot ako.

Natatakot kasi ako, natatakot ako sa kaisipang baka kinuha na nga niya talaga sa akin ang anak ko. Natatakot ako sa kaisipang baka ginawa na niya ang sinabi niya sa mama niya. Natatakot ako sa kaisipang baka ipinigkait na nga niya talaga sa akin ang anak ko. Natatakot ako sa kaisipang baka hindi ko makita ang anak ko dahil inagaw na siya sa akin nang papa niya at higit sa lahat natatakot ako na baka hindi ko na masilayan ang anak ko.

"Kinuha na ba siya sa akin ni Spencer?" lumuluhang tanong ko sakanya, nag-iwas siya nang tingin. Siguro hindi na niya kayang titigan ang mga mata ko. "Sagutin mo naman ang tanong ko oh," nagmamakaawa kong tanong sakanya habang namamasa ang mga mata, umaasa na sana sagutin niya ang tanong ko dahil gulong gulo na ako. Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong iakto. Gulong gulo na ako! Gusto ko nang magwala dahil sa mga kaisipan na nasa isip ko.

Nang wala akong makuhang sagot mula sakaniya, ay binalingan ko nang tingin si Boo atsaka siya tinanong, umaasa na sana sagutin niya ang tanong ko nang sa gayon ay matigil na tong bumabagabag sa puso't isip ko.

"Eman maawa ka naman oh, sagutin mo naman ang tanong ko." nagmamakaawa kong ani sakanya, pilit na ibinaba ang pride para lang malaman ko ang mga sagot sa katanongan na nasa isip ko. Kong kakailanganin kong lumuhod sa harapan nila, gagawin ko, dahil ganon na ako ka desperadang gustong masagot ang mga tanong na nasa isip ko.

Pero kagaya rin nang una'y nag-iwas siya nang tingin. Which made me think kong ano ba talaga ang meron at bakit hindi nila kayang titigan nang matagal ang aking mga mata. At kong bakit hindi nila kayang sagutin ang aking tanong. "Eman, answer me please." ang bulong ko sa hangin na alam kong hindi nakatakas sa kanyang pandinig. Muli akong nasaktan nang makita ko ang pag-iwas niya nang tingin.

Ano ba talaga ang meron at bakit hindi nila ako magawang sagutin? Hindi kaya, tama ang naging hinuha at kalkulasyon ko? Damn. Bahagya akong kinabahan sa naisip.

"E, a-no kasi Jeanshe," Naibaling ko ang aking tingin sa gawi ni Jazmine nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sakanya,

"Ano?"

"Yong ano kasi---" pambibitin niya, why can't she answer me directly? Why can't she answer me while staring at my eyes directly? Is there something wrong? Does what I think, right? Tama ba ang mga naisip ko? "Ano nga?" tanong ko sakanya, pinipigilan ang huwag mairita, ang ayaw ko kasi sa lahat ay yong binibitin ako.

"Yong ano mo kasi-----" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang may marinig kaming pagkalampag nang pinto. Isang palatandaan na may pumasok.

Sabay sabay naming ibinaling ang aming mga tingin sa taong nag bukas sa pinto. At ganon nalang ang panlalaki nang mga mata ko nang makita ko ang lalaking hindi ko inaasahang pupunta dito, may karga karga siyang sanggol sa kanyang mga bisig. Ang kanyang atensiyon ay nasa sanggol. Nakangiti ito habang patuloy na hinahaplos ang cheecks nong batang kanyang karga karga. May kong anong lumambot sa puso ko dahil sa nasaksihan, isang takas na ngiti rin ang kumuwala sa labi ko. Pero nang may mapagtanto ako ay agaran rin iyong nawala.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now