Kabanata 35

10.2K 208 51
                                    

Nang umayos na ang pakiramdam niya, at nang tumigil na ang pag-iyak niya'y tinulungan ko siyang ayusin ang sarili niya. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya'y tumayo siya, atsaka kinuha ang damit na isusuot niya siguro pagkatapos nang pagliligo niya.

Nanatili akong nakaupo habang pinagmamasdan ang bulto niyang papalayo, nang makita kong nakalayo na siya ay tsaka palang ako tumayo mula sa pagkakaupo ko.

Kanina, habang umiiyak siya ay ramdam na ramdam ko ang sakit sa likod ng mga paghikbi niya. Hindi ko inaakalang sa likod nang pagiging maldita at mataray niya ay ang pangungulila niya sa anak niya.

Ngayong araw na ito ay ang kaarawan nang anak niya, at dahil doon ay nasasaktan siya, siguro dahil hindi niya matanggap na sa araw nang 18th birthday ng anak niya ay wala siya sa tabi nito.

Napabuntong hininga ako, siguro kong ako ang nasa kinalalagayan niya ay baka ganon rin ang mararamdaman ko.

Isang nakakarinding tunog nang alarm ang umalingawngaw sa lahat nang sulok sa kulungan, aakalain mong may sunog dahil sa lakas nang tunog na iyon, hindi ko alam kong ano ang nakain nang mga jail guard at kong bakit nila naisipang gawin ang bagay na ito, e kasi naman nong bagong salta pa ako dito ay wala pa ito, siguro ginawa nila ang bagay na ito dahil pagod na sila, pagod na silang tawagin bwat isa sa amin upang sabihan na kakain na.

Gustuhin ko man ang magreklamo dahil sa nakakarinding ingay na iyon ay hindi ko nalang ginawa. Bagkos ay tumayo ako atsaka nilisan ang lugar nang selda upang puntahan ang gawi nong kainan.

Kagaya parin nang nakasanayang kong eksena ang naabutan ko nang pumasok ako sa loob nang kainan.

Maingay, naghahalong amoy nang mga inmate, magulo at nagbabangayan. Hindi na bago sa akin ang msaksihan ang tagpong ito dahil simula nang mapadpad ako dito ay ganitong mga tagpo na ang palagi kong naabutan.

Ang pinakaayaw ko lang sa lahat ay ang pumila sa napkahabang pila. Hindi na bago sa akin ang pumila sa mahabang pila na ito, dahil palagi ko na iyong nagagawa. Pero dahil buntis ako ay hindi ko kaya, hindi ko kayang pumila nang matagal dahil nakakangalay.

Sa lugar na ito ay walang rules na sinunod, kaya nama'y kahit buntis ka'y kailangan mo talagang magtiyaga kakahintay kong gusto mong makakain. They don't do the pregnant role here.

Mabuti nalang at nandito si Rudy, ang palaging gumagawa nang paraan makauna lang ako sa pila. Siya rin yong lalaking tumulong sa akin nong nakaraan.

Nakangiting lumapit si Rudy sa gawi ko, sa kanang kamay niya ay ang platong may lamang pagkain, hindi na 'ko nagtaka pa kong para kanino ang pagkaing dala niya dahil obvious na obvious naman na para sa akin yon, dahil sa akin lang naman siya nagbibigay.

Inilahad niya sa akin ang bandehadong may laman nang makalapit siya sa gawi ko. Nakangiti ko namang tinanggap iyon.

"Thank you Rudy." I genuinely said.

"You're welcome Misis Carson." aniya atsaka tumalikod sa gawi ko. Napairap nalang ako dahil sa narinig kong pagtawag niya sa pangalan ko. Ilang beses ko na siyang binalaan, ilang beses ko na rin siyang pinagsabihan na tigil tigilan na niya ang pagtawag sa akin bilang Misis Carson dahil hindi na ako Misis dahil Ms na ako. Ilang beses ko narin siyang pinagsabihan na itigil na ang kakatawag sa akin bilang Carson, dahil hindi na ako Carson, dahil sa simula't sapul palang Trinidad ako, ginamit ko lang ang apelyidong iyon nang ikasal kami, at sa pagkakataong ito ay tsaka ko palang napagtanto na sana hindi ko nalang ginamit ang apelyidong iyon, dahil babagsak at babagsak rin pala ako sa tunay kong apelyido.

Hindi ko alam kong paano niya nalaman ang pangalan ko, pati narin ang ex-surname ko dahil sa pagkakaalam ko'y ni minsan ay hindi ako nagpakilala sakanya o sinambit man lang ang pangalan ko sakanya, kaya nakakapagtaka talaga, nakakapagtaka talaga kong paano niya nalaman ang pangalan ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon